Chapter Ten -JAX- Kasalukuyan akong andito sa mansion nila Daddy ng tumawag sakin si Migs para ipaalam ang mga magaganap mamayang gabi na transaction sa black-market na pupuntahan ko at kasama ang kapatid kong Jehem. Hindi dapat ako ang pupunta don dahil si Julio ang dapat na roroon, pero dahil sa abala pa ito sa paghahanap sa kanyang asawa ay ako na lang ang pinapunta ni Daddy. Ewan ko ba pero sa paglipas ng panahon, bakit parang sabay sabay nagkaroon ng problema ang mga kapatid kong lalaki sa kanilang mga asawa o mga babaeng kanilang nakakasama. Kaya naman nagiging madalas tuloy na pinagagalitan sila ni Mommy dahil sa iniiwan lang sila ng mga babaeng mahal naman daw ng mga ito. Kaya pala ayaw ng mga itong ang nirereto sa kanila ni Mommy, ay dahil sa meron silang mga babaeng hinahan

