SA ikaapat na buwan ng treatment ni Jackie ay mas gumaganda na ang lagay niya. Ang menstrual cycle niya ay hindi pa rin regular ngunit mas madalas na ito kumpara noong bago siya nagpatingin sa espesyalista. “Ayat ko. Coke ba ulit?” Tanong ni Cayden nang makitang nakatagilid siya sa kama nila at may hot pack sa puson. Tuwing mayroon siya ay inaatake siya ng dysmenorrhea. Lagi niyang hinihiling na painumin siya ng coke. Siguro ay may placebo effect ito sa kanya dahil nawawala ang sakit ng puson niya kapag umiinom siya ng softdrinks. Tumango siya at pumikit. Maswerte si Jackie na laging maasikaso at maalaga ang asawa niya. Tuwing nasa bahay at hindi busy sa trabaho, buong free time nito ay iniaalay ni Cayden sa pagpapaligaya sa kanya. May kalendaryo rin silang mag-asawa ng mga d

