NAGING masaya at maayos ang naging kasal nila Dara at Dash. Tama nga si Jackie, wedding of the year ang kasal ng best friend niya. Sa isang banda ay nakaramdam siya ng lungkot na hindi niya naranasan ikasal nang ganoon ka-engrande. She dismissed that thought when she realized that she already have the best gift and that is the little one in her belly. Nasa first trimester pa lang siya at high risk ang pregnancy kaya’t maingat na maingat silang mag-asawa maging ang mga kaibigan nilang nakakaalam ng sitwasyon niya. Matapos ang kasal at reception nina Dara at Dash ay tumungo na si Cayden sa Ilocos. Sasama siya sa ilang meeting ng ama at pag-iikot bilang parte ng kampanya. Ang pangakong isang gabi at dalawang araw lang ay naging dalawang linggo. 45 days lang daw kasi ang camp

