NANG mamulat ang mata ni Jackie ay ang ina niya agad ang kanyang nakita. Malaki ang silid niya at may dehumidifier pang umuusok sa may gilid ng kama. May mga bulaklak na nakapatong sa lamesa malapit sa sofa na inuupuan ng ina. Agad itong lumapit nang makitang gising na siya. “Ang baby ko?” Napakapit siya sa sinapupunan at nakitang may swero ang kamay. Hinila niya iyon at umagos ang dugo mula rito. Pumikit siya nang makita ang dugo. Naalala ang dugo na nakitang umaagos mula sa binti niya ilang oras ang nakalipas. “Jackie! Nurse, pa-assist natanggal ang swero-” Pinindot kaagad ng ina ni Jackie ang button sa may kama at nagtawag ng nurse. Kinuha nito ang kamay niya at sinubukang diinan ang sugat na pinanggalingan ng swero upang hindi na magdugo. “I want to know what happe

