41-Peace

1098 Words

    Dalawang linggo ring napagod sa pag-iyak at pagsigaw si Jackie. Labingapat na araw na  walang humpay ang pagtulo ng talon ng luha, pagyanig ng mga balikat at pagkapaos ng boses dahil sa sobrang hinagpis. Sa mga araw na ito ay nakakulong lamang siya sa sulok ng madilim niyang silid. Ilang beses niyang tinanong sa sarili kung saan siya nagkulang. Siya ba ang may kasalanan? Kung nag-ingat ba siya at hindi na lang nagpadala sa emosyon ay mangyayari pa ba ang lahat? Ang mga pagdududang ito ang lalong nagpapabigat ng pasanin niya. Kapag wala siyang maisip na sagot sa paulit-ulit niyang tanong ay babalik na naman ang pakiramdam ng poot. Poot sa lalaking dati niyang pinag-alayan ng buhay at pagmamahal. Makatulog man siya ay panandalian lamang dahil tuwing maipipikit niya ang mga mata ay d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD