Sa ibabaw ng tokador ni Jackie ay may mga nakapatong na apat na litrato. Dalawang larawan nila ni Cayden na nakangiti at masaya. May tig-isang picture pa na solo. Inisa-isa niyang alisin ang tatlong litrato sa mga frame at masinsinig ginupit ng maliliit na piraso. Nanginginig man ang kamay na mabilis na nangawit, pinagtiyagaan ni Jackie na maparami ang postcard sizes na mga larawan. Kahit ang mukha niyang nakangiti sa litrato ay hindi niya pinatawad. She wanted to cut out everything that would remind her of the man who shattered her hopes and dreams into tiny fragments. Sa ganoong paraan man lang ay umaasa siyang mabawasan ang bigat na nararamdaman. “Jackie!” Pagbalik ng kanyang ina ay sakto lang na natapos na siya. Ipinatong muna nito ang tray na hawak sa kama bago lumapit sa ka

