UMAGA pa lang ay sira na ang plano. Hindi lang dahil sa pagdating ni Cayden kung hindi dahil na rin sa huli na sila sa schedule nila ni Zeke. Mabuti na lamang at may nakahandang Plan B si Jackie. “Are you sure it’s okay if I tag along? Family celebration ang pupuntahan ninyo.” Sa pangalawang tanong ni Zeke bago sila umalis ng Maynila lulan ang camper van nila Cayden ay gusto na siyang batukan ni Jackie. Naunahan siya sa pagsagot ni Cayden. “Yes. Jackie also requested that you join us,” nag-iwas ng tingin si Jackie kay Cayden nang sabihin ito. It was not a request, she simply informed him that Zeke will be coming with them. Wala na siyang choice. Kailangan niya ang kaibigan niya habang nasa pagtitipon sila. She’s in full battle mode and Zeke will both be her bullet and shiel

