“Just pretend that you didn’t know anything...Please?” pakiusap ni Jackie kay Fiona. “Ang weird ninyong dalawa ni Zeke. Lalo ka na. Sinasabi ko na sa’yo, Jackie, ha. Baka kayo ni Zeke nagtataksil kay Reece...” Napairap siya sa komento ni Fiona. Lahat ng mga kaibigan niya ay ipinagtutulakan na siyang makipagbalikan kay Cayden sa lalong madaling panahon, maliban lang sa isa. At ang isang ‘yon ay siguradong namumuti na ang mata kakahintay sa kanya sa airport. “Naku ayan na naman ang mga theories mong wala namang patunay. Grabe ka sa word na nagtataksil, ha. Basta, this is all for the best. Kaso baka hindi na ko tulungan ni Mr. Andrada dahil sa late ako.” Napapailing siya sa sarili. “Kapag ikinwento ko pa ang ginawa mo kagabi mas lalo kang malalagot. Pati kay Reece yari

