“Are you sure this is what you really want?” Kung tutuusin ay rinding-rindi na si Jackie sa siyam na mga salitang iyon na tanong sa kanya ni Fiona. Matapos nilang mag-usap ni Cayden ay tatlong araw ring paulit-ulit na tanong ‘yon sa kanya ni Zeke. Si Zeke na lumipad patungong Singapore kasabay ng pag-alis nina Cayden at Jackie pabalik ng Pilipinas. Isang linggo na simula nang makabalik si Jackie sa bahay nila sa Maynila. Ang mga kaibigan niya mismong sina Fiona at Debbie ang sumundo sa kanya sa airport dahil nasa Australia ang mga magulang niya. “I’ve been hearing that question for more than a week now,” may pag-irap pang sagot ni Jackie sa dalawang kaibigan na kausap niya habang nakaupo sila sa outdoor area ng isang coffee shop sa Tagaytay. Sipsip ang isang Dark Mocha Frap

