“I heard you guys were here. Hon, may pasyente ka pa?” Nakasilip si Enzo sa pintuan at kinawayan ng doktora upang pumasok. “Wala na. Last patient ko si Jackie. Are we going na? Parang ang aga?” “Naiinip kasi si Ezra. Sabay sila ni Reece nagpunta kanina. Maaga raw natapos ang meeting niya. Dude, andyan sa kabilang hallway si Utoy, gusto n’yong sumama mag-snacks s***h early dinner ni Jackie?” Napangiti si Jackie sa tawag ni Enzo sa kapatid. “Gusto mong sumama?” Nakakunot ang noong tanong ni Cayden sa kanya. Napaisip si Jackie kung gusto nga ba niyang lumabas muna o umuwi na. “Sige. Medyo gutom na rin ako. Kung okay lang sa kanila?” Pabulong niyang tanong na narinig naman ni Enzo. “Of course, okay lang. The more the merrier. Tara? Daanan lang natin ang kapatid ko.

