Chapter 21
Pagkalipas ng dalawa araw ay lumabas na kami ng Ospital. Matuling dumaan ang mga oras na hindi ko namalayang nandito na pala kami sa mansyon. Ganon padin ang ayos at kulay nito. Ngunit bigla ko nalang napansin kong paano nalaman ni Paulo kong saan ako nakatira.
Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kaming magkasamang pumasok.
"Pano mo nalaman ang bahay namin?" Kumunot ang ko dahil sa pagtataka. Napakamot siya ng ulo at ngumisi ng piliy.
"Ang totoo niyan Ash---." Hindi natapos ni Pau ang dapat niyang sabihin ng tinawag ako ni Daddy. Tumaas ang tingin ko sa kaniya habang pa baba siya ng kulay brown naming hagdan.
"Natasha, magbihis ka at pupunta tayo sa bahay ng Fiancè mo." Sabi niya gamit ang malaki niya boses at inutusan ako.
"Po? kararating ko lang. Puwedi bang magpahinga mo na?" Nagbabakasakali kong sambit sakaniya.
"Oo nga po, Sir. Makakapag hintay naman 'yon'." Magalang na sabi ni Pau. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko maintindihan ba't parang ang gaan nila pag sila ang mag kausap. Hindi pumapalag si Daddy sa kaniya.
"Tomorrow then. Magkakilala na naman kayo ng Fiancè mo." What? Pero hindi ko alam.
Magkakilala.
Magkakilala.
Paalis na sana si Daddy ng makabuo ako ng tanong.
''What do you mean Dad?" Hindi pa nga kami nag memeet. Ni picture nga hindi ko pa nakita. Hindi kaya nagmeet kami sa boracay ng hindi ko alam? Napahawak ako sa labi ko. Hindi maari.
"Hindi mo alam? Si Mr. Lee ang Fiancè mo, Natasha Kiz." Naglakad siya papunta sa papunta sa kwarto ng mga maid's at iniwan ako nakatulala.
I was dumbfounded when i hear it. Tama ba ang pagkakarinig ko? Si Pau? Paulo Lee.
Parang umiikot ang mundo ko sa dilim na wala kahit anong mang tao at bagay ang nakikita.
''Hindi maaari." Mahina kong sambit. Napailing ako sa iniisip.
Natauhan ako ng may kumalabit sa'kin. Lumingon ako at tumingin sa mga mata niya. "Kailan mo pa alam Pau?"
''Noong nakaraang araw lang din, Ash. Sorry hindi ko sinabi sa'yo agad. Nabigla din ako." Nakayuko siya habang nag sasalita. Nahiya siguro siya.
''Ng dumating siya sa Hospital ay nakilala ko na siya agad. Sinabi sa'kin ni Mommy na siya daw ang Daddy ng Fiancè ko. Henry Bermudez." Seryoso niyang sabi ng hindi tumitingin sa'kin.
"At ng makita niya ako, nagulat siya at sinabing paano daw tayo nagkakilala. Hindi pa nga daw niya sinabi na ako ang Fiancè mo
" Sunod-sunod niyang paliwanag sa'kin. Tumaas ang tingin niya at tumingin sa mga mata ko. "Ash, Sorry. Hindi ko din alam."
"Wala ka namang kasalanan, Pau." Tipid akong ngumiti. "Magkita nalang tayo bukas, salamat nga pala. At magpahinga ka okay?" Inayos ko ang buhok niyang magulo. Tumango siya at matamis na ngumiti sa'kin. Nagpaalam na kami sa isat-isa.
Tumalikod na ako at pumuntang kwarto. Laking gulat ko na hindi na pareho ang pagkaka ayos nito. Wala na din ang mga gamit ko.
Sinong nagpabago ng kwarto ko?Mula sa kulay peach ay naging dirty white. Ang kama ko! Wala na. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto pero hindi ako lumingon.
"Excuse Me! Bakit nandito ka sa room ko? Katulong kaba?" Mataray na tanong ng babaeng sobrang kapal ng make up. Ano siya clown?
"Excuse me kadin! Kwarto ko 'to! Bakit nandito ka?" Pataray ko ding tanong sakanya. Nakalagay pa ang dalawa kong kamay sa beywang habang tinatarayan siya.
"What?! No! This is my room. How dare you!" Hinablot niya bigla ang maganda at mahaba kong buhok. Kaya pilit kong kinuha ang kamay niya.
"Aray! Ang buhok ko. Mas maganda pa 'to sa'yo bruha ka!" Dahil hindi ko mabaklas ang kamay niya sa buhok ko ay sinabunutan ko din siya pabalik.
"Oh my ghad! Daddy." Sigaw niya habang nag sasabunutan kami. Napahiga siya sa sahig at ako ang nasa itaas. Todo-todo ang hablot ko sa buhok niya at ramdam kong nabunot ang iba dito.
"Putcha ka! Mang aagaw ng kwarto! sino ka sa tingin mo?ha?!" Malakas kong hinablot ulit ang buhok niya at kumalas para hindi siya maka balos.
"Isusumbong kita sa Daddy ko!" Umalis siya habang OA na umiiyak.
"Daddy she pulled my hair. Sabi niya daw sa kanya yung room ko." Ang OA talaga ng bruhang yun Takte! What? Daddy niya si Henry? No way! May kabit siya?
Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Daddy at ang bruha.
"Look daddy oh!" Turo sa'kin.
"Hindi padin siya umalis." Blangko lang akong tumingin sa kanila.
"Natasha! That's not your room anymore!" Sigaw niya. Ikaw din. You're not my Dad anymore.
''What?! This is mine, Dad! At nasaan ang mga gamit ko?" Tumaas ang boses ko dahil sa inis.
"I said that's not your room." Ngumiti lang ang bruha sa'kin. Buhaghag ang buhok niya dahil sa sabunot ko. Hawak ko pa ang ilang hibla nito.
"Where's my room then?" Sigaw ko pabalik. Nakakainis makakaganti din ako.
"At sino ang bruhang 'yan?" Tinuro ko siya.
"She is your sister Kimmy, Kimmy she is your Ate Asha." Wth! Sister? Pangit siguro nanay nito kaya ang pangit niya. Trying hard.
"As far as I know I don't have a sister, Dad." I rolled my eyes dahil sa inis. Nagagalit na ako ah.
"Well, you have now." Parang walang pakialam niyang sabi at tumalikod. Ano? Ganun-ganon lang 'yon ser? May kabit ka palang gorilla ka!
"Oh your Mom is kabit. Loser!" Naka cross arms akong tumingin sakaniya.
"Hindi kabit ang nanay ko!" Sigaw niya.
"Ano sa tingin mo? Look! My Mom is the legal wife, Ghorl." Masama siyanh tumingin sa'kin. Ang ganda ng welcome sa'kin ah? Mukhang pinaghandaan talaga.
"You will never be my sister." b***h bulong ko sa bruha at tsaka umalis ng kwarto.
"Arrggggggggg.. Humanda ka sa'kin!" Narinig ko ang pagsisigaw ng half-sister ko kaya tumawa ako. Sumakit din ang anit ko sa sabunot niya kanina. Mabuti nalang at matibay at natural tong buhok ko.
A/N: Sa nanay part po. That is not intended to insult some mothers out there. Kwento lang po 'yan. I respected who and what your mother are:) Happy Reading.