Chapter 20
"Miss, umalis ka diyan nakaka abala----- ASH? Ikaw ba yan?"
Tumakbo siya papunta sa'kin.
"Tumayo ka diyan, Ash! Tara don tayo sa sasakyan." Tinulungan at inalalayan niya akong tumayo. Patuloy pa din ako sa paghikbi dahil sa pangyayari. Parang hindi ako makapagsalita.
Isinakay niya ako sa passenger seat saka nilagay sa backseat ang maleta ko. Pinarada niya muna ang sasakyan sa gilid at kinausa uli ako.
"Ash, Tumingin ka sa'kin. Anong nangyari sa'yo? Ba't umiiyak ka at sa gitna pa talaga ng daan?" Nagtataka niyang tanong habang may galit ang kaniyang boses.
Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa hikbi ko. ''Pau." 'Yan lang ang tanging naging sambit ko sa kaniya. Mas lalong sumama ang loob ko ng makita ko siyang umiyak.
''Pau." Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak.
Naramdaman kong niyakap niya ako. Mabuti nalang at nandito siya. May karamay akong isang kaibigan.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong mailabas na luha. Ng mahimasmasan ako ay naramdaman ko na namaga ang mga mata ko. Ang laki-laki ng eyebags.
"Ash, Okay kana ba?" Nag-aalala niyang tanong.
"Malamang hindi! Tingnan mo nga ito!" Turo sa mukha ko. "Mukha bang Okay 'to?"
"Sorry. Ano ba kasing nangyari?" Kuryoso niyang tanong habang napapakamot ng ulo.
"Ang totoo niyan iniwan ko si Jace." Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Kasalanan ko kung bakit kami nagkakaganito. Naalala ko kung paano siya pilit na humabol sa'kin.
"Ano? Bakit? May ginawa ba siya sa'yo? Gusto mo bugbugin ko?" Mabilis niyang tanong. Kinuyom niya pa ang kamao niya.
"May kailangan lang akong ayusin, Pau. Hindi ko gustong mahirapan siya at higit sa lahat ang pamilya niya." Napayuko ako at nilalaro ang sariling mga daliri.
"Naguguluhan ako, Ash! Hayy.. bahala na nga! Saan ka pupunta ngayon niyan ha?" Tumaas ang kilay niya pero andun pa din ang pag aalala.
"Paki hatid ako sa airport please, Pau. Kailangan kong umuwi ng manila as soon as possible."
"Sige tamang-tama. Papunta din akong airport at manila. May ticket kana ba?" Tanong niya. Pinaandar na niya ang kotse niyang Hilux.
"Wala pa. Kukuha nalang ako pagdating natin baka may available pa." Malungkot kong sabi sa kaniya.
"Gagawan ko nalang ng paraan." Inikot na siya ang manibela para umalis na.
Habang umaandar ang sasakyan ay nasa labas ang aking tingin. ''Sorry, Jace." Bulong ko. Biglang kong kumirot ang hita ko. Sht! Ngayon ko lang uli naramdaman.
''Aray!" Napadaing ako sa sakit. Napahawak ako bigla sa gilid ng pinto. "Aw."
"Ash, okay kalang ba?" Taranta niyang tanong habang pabalik-balik ang tingin sa daan at sa'kin.
Bigla nalang akong nahilo at dumilim ang paningin ko.
"Pau." Nawalan na ako ng malay.
Nagising ako na puro puti ang nakikita. Nilibot ko ang paningin ko. Nasaan ako? Nasa ospital ba ako?
"Pau.'' Tawag ko gamit ang paos kong boses. ''Pau."
''Asha! Andito ako. Okay kana ba?Maayos na ba pakiramdam mo?May masakit ba?" Nakita ko namula ang mata niya. Umiyak ba siya?
"Anong nangyari?Nasa ospital ba tayo?" Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.
"Nahimatay ka kanina kaya dinala kita agad dito. Ano ba kasing pinaggagawa mo? Tumawag ang daddy mo. Pupunta daw siya dito." Nag-aalala niyang sabi pero ang ikinatigil ko, tumawag si Daddy?
Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya. "Ano? Si Daddy?susunduin ako?"
''Oo, Ash! Sorry sinagot ko ang tawag. Nag aalala lang naman ako." Hindi niya siguro alam ang gagawin niya kanina. Kahit kinakabahan ako ay ipinagsa walang bahala ko nalang.
"Ano daw ang findings ng doctor Pau?" Tanong habang nakatingin sa bintana. Anong oras na kaya? Ilang oras kaya ako natulog?
"Nagkalaceration ka daw. Namamaga ang Nasa ilalim mo kaya nahimatay ka."
Napaiwas siya ng tingin habang nakanguso. Epekto siguro 'to ng pagtakbo at kakasex ko lang non.
"Kailangan mo daw magpahinga ng isang linggo, 'wag daw muna tayong mag sex." Napatingin naman ako sa kanyang nanlaki ang mga mata.
"Ano?! Nagbibiro kaba? Pati 'yan sinabi ng Doctor?" Buong lakas kong tanong. Pambihira, nakakahiya. Napagkamalan pa kaming mag jowa.
Tumawa siya ng mahina. "Totoo nga, sinabi 'yon ng Doctor." Pinaghahampas ko siya sa kamay.
"Gustong-gusto mo naman?" Malisyoso kong tanong.
"Syempre hindi ako makapasalita alangan naman sabihin kong Hindi tayo nagsesex." Pinalakihan niya ako ng mata.
"Ash! Wag mong sabihing----."
"Oo may nangyari sa'min bago ako umalis. Tumakbo kasi ako kaya siguro napuruhan." Kinagat ko ang labi ko sa hiya. Pero hindi ko pinagsisihan 'yon.
" 'Yan! Kayong mga babae matapos niyong kunin ang p*********i namin, Iiwan nyo kami agad." Padiin niyang sabi sa'kin habang dinuro ako kaya sumama ang mukha kong tumingin sakanya.
"Kailangan kong mag ingat sa mga babae ngayon." Bulong niya pa kaya tumawa ako ng patago. Ggo talaga neto!
Sa kabilang banda, nagsimula na akong kabahan. Pupunta dito ang daddy ko, anong gagawin ko?
"Ash, matulog kana muna okay?Gigisingin nalang kita pag nandyan na ang daddy mo." Kinakabahan ako pagdating sa Daddy ko pero buo na ang loob kong labanan siya.
''Pau, diyan kalang 'wag kang aalis." Hinawakan ko siya sa braso.
"Hindi naman ako aalis. Babantayan kita. Matulog kana, kailangan mo ng lakas para mamaya." Hinimas niya ang buhok ko para makatulog ako. Ang bait niya talaga.
"Magpahinga kana din, Pau. Ang laki na ng eyebags mo." Ang laki talaga ng eyebags niya napuyat siguro kaka alala sa'kin.
"Gwapo pa din naman ako kahit may eyebags." Kumindat siya kaya ngumiti ako.
Natulog na ako. Hindi ako alam kong ilang oras akong natulog nagising akong mainit at mataas na ang sikat ng araw.
"Pau! Pau!" Tawag ko. "Nasaan na 'yon?"
Bumukas ang pintuan at niluwal si Paulo. Akala ko iniwan na niya ako. Isang ngiti ang binungad niya sa'kin.
''Ash, kanina pa nandito ang Daddy mo. Mabuti at nagising kana. Hinintay ka niyang magising. Kaya mo na ba umupo?" Tinulungan niya akong umupo medyo mahapdi pa din.
"Pakitawag naman siya, Pau. Please." Pakiusap ko sakanya Lumabas siya at sinunod ang utos ko.
''Sir, Dito po.'' Habang binubuksan niya ang pinto para kay Dad. Nakita ko agad kong gaano ka sama ang tingin niya sa'kin.
"Okay. Thank you, you may go now. I can take care of her, Hijo." Ma awtoridad niyang sabi habang nakatingin sa'kin. Kaya tiningnan ko siya ng walang halong takot.
"No, Sir. Hihintayin ko nalang po na lumabas na siya sa ospital." Ganyan nga Pau. 'Wag mukong iwan.
''Can please give us a privacy Hijo? We're going to talk about something." Kumunot na ang noo niya. Galit na yata.
"Yes, Sir." Nag bow siya at lumabas. Sht! Patay ako nito.
"WHAT DO YOU THINK YOUR DOING b***h?" Galit na galit niyang sigaw at sinampal ako. Blangko akong naka tingin sa kanya.
"ALAM MO BA KONG ANO ANG PINAGAGAWA MO?Ha?" Sinampal niya uli ako sa kabilang parte.
"PINAHAMAK MO ANG SARILI MO SA ISANG LALAKI!" Buong lakas niyang sigaw sa'kin pero hindi ako natinag. Pero sinampal niya ulit ako ng napakalas na halos muntikan na akong malaglag sa kama.
"ANO NALANG ANG SASABIHIN NG FIANCÈ MO N'YAN?" Nagsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko ng may sumangga sa kamay ni Dad na sasampalin uli ako.
''Sir, wag niyo siyang saktan." Malalim at seryosong sabi ni Pau. Inayos ni Dad ang suit niya bago lumabas.
Humagolgol ako sa kama habang naka talukbong ng kumot. Mommy hindi ko na alam ang gagawin ko. Iyak ako ng iyak. Nasa tabi lang si Paulo habang naka tungo.
"Pau, thank you." Sabi ko mula sa ilalim ng kumot.
"Ash, tahan na okay?" Tumango nalang ako habang namumugto ang mga mata.
"Kailan daw ako lalabas?" Tanong ko.
'' Lalabas kana sa makalawa. Ako na daw ang mag uuwi sayo sabi ng Daddy mo. Kaya magpahinga ka ng maayos." Tumango nalang ako kahit hindi niya naman nakikita.
"Bibili lang ako ng makakain natin sa labas." Narinig ko ang pagbukas ng pinto hudyat na lalabas siya.
A/N: Friends are the one who serves as our sister/brother outside home. They cheer up us when we have family problem and help us in any way as long as they can.