Chapter 19

1086 Words
Chapter 19 Hindi ko alam pero hindi mawala ang taka sa isip kung bakit maraming mensahe ang nanggaling sa kanila. Bihira lang naman si Mommy makatext dahil ayaw ni Dad 'yon. At si Yaya? Oo nga nagtetext siya pero hindi ganito ka rami. Kaya kahit masakit ang katawan ko ay dali-dali akong kumuha ng maleta at ipinasok lahat ng gamit ko mula sa kabinet na pinaglalagyan ko. Ang sakit pa ng katawan ko. Ang sakit ng pang ibaba ko. Pa ika-ika akong naglakad. Mabuti nalang at dress ang isinuot ko at string underwear ng swimsuit ko. Inadjust ko nalang para hindi sumabit ang hapdi kasi. Naglakad ako papuntang maliit na mesa at inilagay ang patago kong ginawa para sa kaniya. Isang scrapbook na naglalaman ng lahat ng litrato namin at memories naming dalawa. Tiningnan ko si Jace na nahimbing na natutulog sa kama habang naka dapang humiga. Itinaas ko ang kumot para hindi siya ginawin. Ngumiti ako ng mapait. ''Mahal na mahal kita, Jace.'' Bulong ko sakanya. Hinalikan ko siya sa gilid ng ulo habang tumutulo ang mga luha ko. Pinunasan ko ang lumandas na luha mula sa mga mata ko bago tumalikod. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at pati sa salas. Huminto ako at sinasaulo ang bawat parti nito na bumuo ng buong buwan kong pananatili dito. Lumabas na ako sa pinto hila-hila ang maleta kong kulay ube. Naantala ako ng magring ang phone ko. Parang napipi ako ng makita kong si Daddy ang tumatawag. ''Dad." Ang tanging lumabas na salita sa labi ko. "Where are you? Bakit wala ka don sa bahay, mag iisang buwan na daw! Tumakas ka? Tinakasan mo 'ko?!" Galit na galit na bungad ni Dad sa'kin. Kailangan kong lakasan ang loov ko. Para kay Jace. Para sa'min dalawa. Sasagot na sana ako ng magsalita uli siya. "Natasha! Bakit ngayon kalang nacontact?! Lagot ka sa'kin pagnahanap kitang bata ka! Ikaw ang isusunod ko sa Mommy Ashley mo!" Sigaw niya sa'kin mula sa kabilang linya. Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang pangalan ni Mom. No! Not her! Kumaba ng sobra ang dbdib ko at nag uunahang tumulo ang mga luha ko. "Anong ginawa mo sa mommy ko? 'wag mo siyang sasaktan. Pakiusap, Uuwi na ako diyan!" Buong sabi ko habang umiiyak. Hindi ko maiwasang humikbi. "Umuwi ka talaga dito dahil papatayin kitang bata ka!" "Nasaan si Mommy, Dad? Gusto ko siyang kausapin." Napahawak na ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi. "Patay na ang Mommy mo, Natasha. Patay na siya! Pinatay ko siya. At kong hindi kapa babalik dito, Isusunod kita sa kaniya!" Matapos non ay pinatayan niya agad ako ng tawag. Napaluhod naman ako sa sobrang iyak. Ang sakit. Mommy!Ang mommy ko! Walang hiya ,Walang hiya! Hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kong gaano ko siya kamahal. Hindi ko manlang siya nakasama kahit sa huling hininga niya. Sa sobrang iyak ko parang hindi ko na kayang tumayo. Sana, hindi ko pinatay ang cp ko! Sana hindi nalang ako nagbakasyon. Sa sobrang sinisisi ko ang sarili ko. Namamaga ang mga mata kong tumayo para sumampa sa elevator. Nagmamadali ako baka magising bigla si Jace. Hila-hila ang maleta ko ay hindi ko mapigilang maluha. ''Mommy.'' Pagkababa ay nagbayad ako at nag check out. "Miss, may available ba na van ngayon?" Alas 2 palang kasi ng umaga. Kailangan ko ng umuwi. Nagtatakang tumingin sa'kin ang babae at nataranta. "Teka po ah! Itatawag ko." Habang tumatawag siya ay palinga-linga ako sa elevator baka kasi mapansin ni Jace na wala ako sa tabi niya. Nababahala na ako patingin sa elevator at sa front desk. ''Miss wala pa ba?'' Natataranta na ako. ''Sorry po, Ma'am. Wala pong available." Nanghihinayang siyang tumingin sa'kin. "KISZZZZZZ." Napalingon ako kay Jace na tumatakbo papunta sa'kin galing sa elevator. Gulo- gulo ang buhok niya at tanging short lang ang suot niya. s**t! Tumakbo na ako palabas. s**t ang sakit ng hita ko. Pumunta akong labasan para makahanap ng masasakyan. Hindi ko alam kong san ako pupunta parating na si Jace. "KISZZZ, SAN KA PUPUNTA?KISZZ! 'wag mu'kong iwan." Nasisisigaw si Jace mula sa likuran ko habang humahabol. "Sorry, Jace. kailangan kong gawin 'to." Tumakbo ako sa kung saan. Hinihingal na akong napahawak sa mga tuhod. Hingal na hingal ako. Hindi ako makatakbo ng maayos dahil ang sakit ng hita ko. Tumingin ako sa paligid para makahanap ng matatakbuhan. Patakbo na sana ako papunta sa kaliwang parte ng may yumakap sa likuran ko. Mainit at masarap na yakap. Parang nawala ang pagod na nararamdaman ko. "Kisz." Nag simula na siyang humikbi. "Saan ka pupunta? Bakit iiwan mo 'ko matapos ng may mangyari sa'tin." Nagsimula ng mamasa ng damit ko dahil sa mga luha na lumabas sa mga mata niya. Kahit hindi ko kayang iwan ka Jace pero kailangan kong gawin 'to. Umiyak ako ng tahimik. Pinupunasan ko agad para hindi niya malaman. ''Kisz, wag mu'kong iwan." Napalakas ang iyak ko dahil sa malakas niyang iyak sa likod ko. Lumabo ang mata ko sa dami ng luha ang lumabas. "Jace, hayaan mo na ako." Sabi ko sa gitna ng paghikbi. "Bakit Kisz? Bakit mu'ko iiwan? Hindi ko kaya." Hindi niya parin ako binibitawan. Mas hinigpitan niya ng yakap sa'kin. "Jace, naman. Hayaan mo na ako. Binigay ko nanaman lahat sayo! Hindi ba puweding ma kuntento kana don? Ha?" Habang pilit na binabaklas ang pagkakayakap niya sa'kin. Ang higpit. "Kisz, 'wag please." Lumuhod siya sa harap na basang basa ng luha ang mukha. "Gagawin ko ang lahat. 'Wag kalang umalis, pangako hindi hindi ako gagawa ng ikagagalit mo." Aniya. Iyak lang ang naging sagot ko sa kaniya. Bakit ganyan ka Jace? Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mas piliin ka nalang. Kinuha ko ang maleta ko. "Jace, hindi kita mahal. Kumapit lang talaga ako sayo. Kaya please, Tama na. 'Wag mo na akong sundan pareho lang tayo mapapagod." Kalmado kong sambit habang pinupunasan ang mga luha ko. Tumalikod siyang yumuko. Bigla siyang lumingon sa'kin at ngumiti ng mapait. Buong lakas siyang sumigaw sa'kin. "SIGE! UMALIS KA! IWAN MUKO!SIGURADUHIN MO LANG NA HINDI KANA BABALIK KASI WALA KANANG BABALIKAN." Napaluhod ako sa gitna ng daan na panay iyak at pahid sa mga luha kong nag uunahang tumulo,hindi ko mapigilan. Ang sakit! Humahagulgol ako na hindi ko namamalayang may sasakyan na palang panay busina. Napatingin nalang ako sa sasakyang papalapit at hinihintay na bumangga sa'kin. A/N: Comment kayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD