Chapter 10

1441 Words
Chapter 10 Pagkalipas ng maraming araw. Papalapit ng papalapit ang aking pag alis. Naiisip ko palang na iiwan ko si Jace ay hindi ko kayang gawin. Nakasanayan ko na eh,Mula umaga magkasama kaming kumain hanggang dinner. Nagtatawanan na walang problemang iniisip. Pano to?Pano siya? Lumingon ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok. "Kisz babe, tapos kana diyan?" Tanong ni Jace mula sa labas. Naghahanda ako para imeet ang parents niya through dinner. Hindi pa nga kami. Anong sasabihin ko? Nanlalamig ako sa kaba. Baka hindi nila ako magustuhan. I weared off shoulder peach dress at 2 inch korean sandals. Formal kasi nakakahiya naman kapag naka shorts ako. Naglagay muna ako ng light make up at charannnnn tapos na. Ang ganda ko naman. "Papalabas na.Tapos na ako" Sabi ko palabas dala ang maliit kong pouch. At hindi mawawala ang camera ko . Kailangan 'to mamaya para may bagong memories. "Kisz." Sabay lapit at halik sa noo ko. "Okay lang ba sayo 'to?sasabihin ko nalang sa kanila kong hindi mo gusto. Magdadalihan nalang ako." Nag aalangan niyang sabi habang hawak-hawak ang kamay ko. "Ano?bihis na bihis na nga ako oh?Ngayon mo pa yan sasabihin? Tara na nga baka malate tayo."  Hinila ko siya. Pilit kong winawakli ang kaba para hindi niya mahalata. Nagpahila naman siya sakin. Sumakay na kami sa elevator pa baba kasama ang kababaehang hagikgik ng hagikgik na parang kinikilig na tumingin kay Jace. Napasimangot naman ako sa kanila."Akin siya." Hinila ko siya papalapit sa tabi ko kaya napatingin siya sa'kin. "Babe, hindi na bago 'yan, may kasama ka ba namang gwapong tulad ko." Bulong niya. Lakas ng confident ah. Che! hinawi ko ang  buhok ko't nag taray. Iniakbay ni Jace ang kamay niya sa nakalabas kong balikat. Narinig ko ang nanghihinayang na sabi ng babae. "Sayang may girlfriend na, sisy. " Buti nga sa inyo. Sorry nalang kayo. Tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Lumabas kami papuntang mamahaling restaurant dito sa boracay. Pa lakad-lakad kami habang dinadama ang lamig ng gabi habang naka akbay siya sa balikat ko. May biglang sumigaw na lalaki. "Sir, Girlfriend n'yo na ho?" Tanong niya. Hardinero yata siya dahil may hawak na grass cutter sa kabilang kamay. Makapag tanong parang close sila ah? "Magiging girlfriend palang ho!"  Sigaw niya pabalik. Kailangan niya ba talagang isigaw? Hinampas ko siya sa kamay dahil sa inis. ''Ano ka ba?! Dapat ba isigaw mo?Nakakahiya." Asik ko sa kaniya at yumuko dahil sa hiya. Marami kasing malisyosong mata ang tumitingin sa'kin. "Wala namang mali dun ah?Dun naman papunta 'yon tsaka bakit kinakahiya mo ba ako?Ha?" Dinuro niya pa ako ng daliri niya habang nakakunot ang noo. "Hindi ah! Nahihiya lang ako. Isigaw mo ba naman?" Gamit ang mataas kong boses. "Let's forget about it. 5 mins nalang late na tayo." Tingin sa relo. Aarte-arte pa kasi. Ang moody talaga neto! Dali-dali kaming naglakad papuntang restaurant medyo malapit lang naman. Ng makarating kami ay bigla nalang nagpalakpakan ang mga tao. Anong nangyayari? "Let's welcome my Son together with her Girl lets give them round of a plause."  nagpalakpakan ang mga tao sa pagpasok namin. "What the hell!" Pareho kaming naka nganga ni Jace sa nasaksihan. Hindi ko alam kong sa'n ako titingin o babaling. Deretso lang ang mata ko sa gitna mukhang siya 'yong Mommy ni Jace. "Kiszz." tinapik niya ako. "Hindi ko alam 'to sabi niya lang mag didinner. Promise wala akong kinalaman dito." sinsero niyang sabi. Alam ko naman 'yon. Hindi ko akalaing paghahandaan talaga nila ang dinner na ito. Nilibot ko ang paningin ko habang hawak niya ang kamay ko. Nakapaganda ng ambiance, elegante at may chandelier sa gitna. Alam mo talaga 'pag nasa High class ka. "Son, Please introduce your girl in front". Kaya wala kaming nagawa ni jace kung 'di ay pumunta sa gitna. "Hi po" Bati ko sa mama ni Jace. Mainit niya akong niyakap na may galak at ngiti sa mga labi. Ang kagalang-galang niyang tindig. Magandang pilik-mata mukhang nag mana sakanya ang magandang mata ni Jace. Pointed nose, nice cheek bones. In short ang ganda niya. "Ang ganda mo, Hija" sabi niya pagkatapos ng yakap. "Salamat po". Nahihiya kong sagot. Sanay naman akong masabihan ng maganda pero iba talaga 'pag sakaniya nangaling. "Goodevening everyone. Sorry for inconvenience. We are surprised that my mom planned this but i gladly introduce to you Natsha Kiz. Thank you,You may now eat your dinner". Nagpalakpakan sila at ngumiti sa'min. Ampaplastic! Umupo kami sa mesa kong saan naka upo ang mga magulang niya. Bat parang wala yung kapatid niya. Lost and found lagi 'yon. Laging nawawala tapos susulpot. "Goodevening po". Bati ko sa daddy niya. Tumango lang siya. Ba't parang pamilyar siya. "Hi ,Dad,Mom." Boring niyang sabi. "Akala ko ba dinner lang 'to. Bat may pa ganon pa?" Nakatungo lang ang daddy niya na parang walang pakialam. Hindi siguro siya komportable. "Well, i just want to celebrate. You had your girl now." Pumalakpak pa talaga. Naku!. " Im so proud of you son. Naka move on kana talaga. Mabuti yan. Sige we'll talk later lets eat." Matapos naming kumain ay nagsimula na ang tanungan. "Well, paano kayo nagkakilala Hija?" Tanong niya while smiling. "Ummhhh.. Nagbabakasyon lang kasi ako dito tita and they approach me together with joy your daughter and we .get.. close. then. this." Pa utal utal kong sabi. "You can call me Mommy Jessa and also you can call Bernard Daddy. Diba hon? " 'Pag kukumbinsi niya kay Tito. "Uhhh yes, Call me Daddy." grabi parang wala lang sa kanila 'yon. Sige magpapakasal na kami next week Charrot! "Ehem! Dad , Mom, wag n'yo namang ipressure si Kisz." malumanay nyang sabi habang lumalabi. Nahiya yata siya sa inasal ng Mom at Dad niya. "Wala naman ah? Gusto lang namin siyang maging Komportable." Depensa ni Tita. Ngumiti ako para ipaalam na okay lang. "But please, take it slow." Nawawalan na ng pasensiya. Hinawakan ko siya sa kamay na okay lang. Namungay ang maganda niyang mga mata. "So ilang taon kana Anak?" Tanong ng mom niya. "24 na po. " "Oh! So, pwedi na kayong mag anak agad diba? Nasa edad na kayo. Magkaka apo na yata tayo Bernard." Masaya niyang sambit. Napaubo naman si Jace sa sinabi ng Mom niya. Natatawa nalang ako. Ang excited naman nila. Nakakagaan ng loob kapag ganito. "Ahhh kasi po,Malalaman natin yan soon tita." Ngumisi nalang ako para hindi masira ang plano nila. "Call me Mommy nga!" Pamimilit niya. "Mommy." Nahihiya ako shete! Bakit ba kasi ang advance n'yo mag isip. "Sa'n ka nagtatrabaho Anak?" Seryosong tanong ng daddy niya "Nagtatrabaho po ako sa bangko na pagmamay ari namin. Nagpapart time photographer din po ako kasi 'yan ang passion ko." Dali dali kong sagot "Kaya ba may dala kang camera ngayon. Why don't you take me a picture?Hmmm?Ipopost ko sa intagram ifollow mo ko ah?" natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalaing sasabihin niya 'yon. Tumayo na ako agad at nag hanap ng magandang anggulo para kunan siya. "Dito po,Tingin ka. " Naka ngiti kong sabi. Tumingin naman siya at ngumiti sa camera . May dalawa akong kuha sa kanya. Maganda naman ang gwapo kasi kahit anong angulo maganda padin. "Patingin." Hindi na ako naiilang dahil sa mainit na pagtanggap nila sa'kin. Ang ganda ng vibes. Ibinigay ko sa kanya ang camera ko at ipinakita. "Hmm ang ganda mo kumuha, Anak." "Ang gwapo po kasi ng subject." Walang pigil kong sabi, totoo naman eh. "Narinig mo 'yon, Hon?Ang gwapo daw ng subject niya." Tumaas ang boses niya kaya napatingin ang nasa kabilang mesa mukhang may pinagmanahan si Jace ah. Anak nga siya ng dalawang 'to. "Hinaan mo nga ang boses mo." Paghampas niya sa asawa. "Ahhhm waiter. Pakikuhanan nga kami ng picture. Salamat damihan mo ang shots ha?" Nag request pa talaga. Ngumiti kaming lahat sa camera ng sama-sama. _____________________________________ Ang saya ko ngayong Gabi. Hindi talaga ako binibigo ni jace. Naka tingin lang ako sa kanya habang palakad lakad sa dalampasigan. Nakakapit ako sa braso niya. Wala ni isa ang nagsasalita samin. Matapos naming mag dinner nag paalam na ang mga magulang niya. Kong ano ano yung tinatanong kaya sagot naman ako sagot. Minsan nga nagtatawanan kami tapos nakikinig lang si Jace. Ewan ko sa kanya mukhang nagoobserve lang siya sa nangyayari. Paano kita iiwan niyan? Araw-araw nasasanay ako sa piling mo, Yakap mo, halik mo ,ngiti at tawa mo. Mukhang mahal na yata kita. A/N: Tinamaan na ako, Walang hiya ka kupido. Spread love. 'Wag nating husgahan ang iba, "Kesyo sinagot na agad? kakaligaw palang nga." Sis, wala sa tagal ng panliligaw 'yon nasa feelings. FEELINGS! GIGIL MO KO AH?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD