Chapter 11
Posible pala talagang magmahal ng tao kahit sa maikling panahon lang? Hindi pala nasusukat sa kong ano kahaba ang ligawan at kong gaano kahaba kayong nagkakilala.
Napangisi ako sa sa naiisip ko. Mahal ko na yata siya.
"Iihhhhhhh." Nagpa gulong- gulong ako sa kama sa sobrang kilig.
Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa perpektong tulad niya dba? Isang Jace Carl Villanueva.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa nga mata ko. Umaga na pala. Panibagong araw,Panibagong kasiyahan nanaman. Naka ngiti akong naligo at nagsipilyo.
"Wala yata si Jace ngayon ah." Napatingin ako sa pintuan.
Sa labas nalang ako kakain. palakad lakad ako pababa ng may tumawag sakin.
"Miss,may pinabibigay po si Sir Villanueva."
Ano naman kaya ang pinabibigay niya? Lumapit ako sa front desk at ibinigay sa'kin ng babae ang kumpol ng pulang rosas. Napangiti ako habang inaamoy ang mabango nitong halimuyak.
"Ang aga aga pina pakilig niya nanaman ako."
"Salamat." Tumalikod na ako sa kaniya habang bitbit ito.
"Goodmorning ash. Breakfast?Sama ako. Sabay tayo please." Bungad sa'kin ni Pau. Bagay talaga sila ni Joy, pasulpot-sulpot. Napapalabi siya habang pinipilit akong sabayan siya breakfast.
"Tara dun tayo sa Ben in Chicken." Aya ko sa kaniya. Sayang ang libre eh. Makakatipid ako neto. Ngumisi ako habang naglalakad.
"Kanino galing ang bulaklak? Ang aga-aga." Hindi ko pa pala nakita ang sulat. Huminto ako para basahin ito.
"Kay Jace galing 'to." Sinimulan kong basahin ang sulat habang nakangiti.
"Goodmorning Babe. Sorry may lakad ako ngayon mag kita tayo mamayang dinner 6:30. Sa harap ng Hotel^_^"
_Jace
"Siguro matutulog nalang ako mamayang tanghali."
Mabilis kaming nakarating sa kakainan naming dalawa. "Ako na ang oorder para sa'tin." Sabay alis ni Pau. Syempre alangan naman ako, magpapalibre ako eh.
Napaka soft niya yung tipong tamang tama lahat ng galaw. Gwapo, matangkad, maputi at pala ngiti. Bagay silang pagsamahin ni Joy. Naku! Parehong madaldal. Napa swerte ng babaeng magiging girlfriendf neto.
"I'll leave next week, Ash. Kailan alis mo?" Nandito na pala siya. Dahan-dahan niyang nilagay ang order namin sa mesa. Ang laki naman ng manok na 'to. Roasted Chicken. Yummy.
"Next week din. Kailangan ko na kasing bumalik sa'min." Nagsimula na akong kumuha ng kanin para ilagay sa plato. Tumutulo ang laway ko sa manok.
"Ako din babalik na sa'min. Pinapa uwi na ako , dadating na ang Fiancee ko." Sabi niya.
May fiancee din siya?
"Taga saan ka ba?" sabay naming tanong. Tumawa kaming dalawa. Infairness ang gwapo niya pero sorry Pau mas gwapo ang Jace ko.
"Manila." Sabay ulit naming sagot. Tumawa kami ng tumawa parang tanga lang.
"Kagagaling niya daw kasi sa States kaya. Uuwi pa lang." Paliwanag niya. Nagsimula na kaming sumubo ng pagkain at naghiwa ng manok gamit ang maliit na kutsilyo.
"Maganda ba fiancee mo?" kuryoso kong tanong habang nakataas ang kilay kong isa. Binilisan kong ngumuya para makasagot agad sa sasabihin niya.
"Hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita kahit picture. Siguro maganda. Mayaman ang pamilya nila eh." Parang wala lang na pagkakasabi. Maayos at malinis siyang kumain hindi kagaya ko bumubukol ang pisngi ko sa pagkain.
"Hindi ko din naman kilala ang Fiancè ko." Hindi kaya?Hindi naman siguro. Pilit kong winawakli sa isip ang posibilidad na siya ang Fiancè ko.
"Papayag ka na ikasal sa 'di mo kilala?"
"Hindi. Syempre, wala na kasi akong Choice eh. Planado na lahat ng 'yon mula pagka bata."
Bakit pumayag ang parents niya?
Hindi ko alam pero may kutob ako. Ako nga kaya?Sana naman hindi.
Pinag sa walang bahala ko nalang ang kutob ko at kumain. Sa inis ko ay parang mauubos ko na ang buong manok kaya napatitig nalang na nakakunot ang noo ni Pau sa'kin.
"Ang takaw mo. Hinay-hinay naman Ash. Parang hindi ka napakain ng maasyos ah?" Habang nilalagyan ng tubig ang baso ko at ibinigay sa'kin kaya kinuha ko at ininom.
"Salamat sa pagkain." Dumighay ako ng malakas sabay himas ng bumubukol kong tiyan.
Napansin kong nakatulala si Pau habang nakatingin sa akin.
"Anong problema mo?"
"Wala ka bang table manners?" Tanong niya na parang naiinis.
"Mayroon, iniwan ko sa bahay. Dito ko lang magagawa ang hindi puwedi kaya pagbigyan mo na." Pumantay ang kilay niya na hindi makapaniwala. Dalawa lang naman kami ah? Hindi naman narinig ng iba.
Ng makatapos kaming kumain ay naglakad-lakad muna kami sa dalampasigan. Maraming tao ngayon ah? May mga batang naglalaro sa gilid.
"Tingnan mo ash. Ang cute-cute ng batang 'yon oh." Turo sa batang bungi habang naglalaro at tumatawa. Ngumiti ako habang tinitingnan ito. Ang cute nga niya.
"Wala ka bang kapatid, Pau?" Out of nowhere kong tanong habang nililibot ang tingin.
"Wala. Sana nga meron." Patuloy naming paglalakad.
"Hindi na kasi makaka anak si mommy. " Malungkot niyang sabi sa'kin.
Bakit 'pag gusto mong magkapatid, wala kang kapatid? Ngunit ang ibang may kapatid tila'y ayaw nito?
"Sorry, Pau. Hindi ko alam." Magpakumbaba kong sagot sa kaniya.
"Wala 'yon. Tanggap niya naman eh at isa pa dadamihan ko nalang ang mga anak ko." Bigla siyang tumawa na nakapag pangiti sa'kin.
"Oo nga naman. Bumawi nalang sa magiging anak." Tumawa nadin ako.
"So official friends na ba tayo?" Abot ko ng kamay sa kanya.
"Friends lang?Wala na bang hihigit dun?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya
"Gusto mo ba ang may benefits?" Biro ko sa kaniya habang seryoso ang mukha. Pumait ang mukha niyang tumingin sa'kin.
Tumawa ako ng napakalakas habang tinuturo ang mukha niya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Joke lang 'yon." Habang hindi maalis ang tawa sa mga labi ko.
"Hindi magandang joke 'yon ah? Sige friends." Inabot niya ang kanan niya kamay kaya inabot ko ito gamit ang kaliwa kong kamay. Ang lambot halatang mayaman.
Bumalik na ako sa room at natulog. Kumain ng lunch mag isa. Hinihintay ko nalang gumabi in short hinihintay ko lang talaga si Jace namimiss ko na siya.
A/N:"Mas masarap pang makipagkaibigan sa lalaki kaysa babae kasi mas totoo sila, Walang halong plastic pero minsan lang talaga may tinatagong feelings."
Wattzzup ebreting?