Chapter 8
Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, naguguluhan na ako. Hindi ko siya masagot sa tanong niya. Bata palang ako,Naka tali na ako sa taong hindi ko kilala.
Naka nguso lang ako habang naluluha. Hinaplos ni Jace ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha.
"Bakit ka umiiyak, Kisz?" Tanong niya habang hinahaplos ang mukha ko. Namungay ang mata niya sa pagtataka.
"Masaya lang ako." Tanging sagot ko. Masaya na may halong panghihinayang sa kanya. Ayaw ko siyang saktan. Baka pareho kaming umasa.
Nginitian niya ako. "Will you let me, Kisz?"
"Yes." Hindi ko alam kung bakit 'yan ang lumabas na salita sa mga labi ko.
Lumiwanag ang mukha niya sa narinig. Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo bago niyakap.
"Pasasayahin kita, Kisz. Gagawin ko ang lahat." Malambing niyang bulong.
"Ehem! Mukhang may nanalo na ah?" Biglang sumulpot ang kapatid ni Jace. Parang kabuti siya. Susulpot kung kailan niya gusto.
"Joy! Long time no see ah?" Mainit ko siyang niyakap.
"Andito naman si Kuya eh. Bumalik kasi akong manila. Iniingatan ka ba ng Kuya ko?" Ngumiti kaming nakaharap kay Jace na nakabusangot.
Tumango ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa dagat.
"Alam mo ba gusto kang makilala nina Mommy at Daddy?" Napatingin ako bigla dahil sa sinabi niya.
Ano? Mommy at Daddy niya?Kingina!
"Ano?Sinabi mo kina Mommy ang tungkol kay Kisz?" Gulat na may halong inis niyang tanong na hindi makapaniwala.
"Sorry, Kuya. Hindi ko na napigilan eh." Tinitingnan-tingnan niya ang kanyang daliri na parang hindi mapakali.
"Ang totoo n'yan pupunta sila dito next week." Ngumoso siya at umiwas ang tingin. Bigla akong nanlamig sa sinabi niya.
"What?!" Sabay naming tanong ni Jace. Nagka tinginan kaming dalawa dahil sa sinabi niya.
"Anong gagawin ko?Nakakahiya. Manliligaw pa lang naman siya." Napakagat ako sa daliri ko.
Dali daling umalis si Joy. Kaya naka kunot ang noo ni Jace habang sinusundan siya ng tingin.
Sandali kaming umupo na walang magawa ng maisipan kong umuwi at magpahinga.
"Mag gagabi na Jace. Papasok na ako. Salamat sa araw na ito." Paalam ko sa kanya.
"Kisz, Sorry ah?" Napakamot siya ng ulo. Hinayaan ko nalang at umalis.
Pag dating ng room ay naligo kaagad ako,nagbihis ng may biglang kumatok.
Pagbukas ko ng pintuan ay may mga pagkain siyang dala. Si Jace talaga.
"Dinalhan kita ng dinner, Kisz." Sabi niya at nilagay niya agad sa mesa. Inayos niya isa isa pati tubig, place mat. Hindi ako makapagsalita sa inasta niya. Gusto kong ngumiti ang cute niyang tingnan parang yaya ko siya kong mag alags. Napatakip ako ng bibig,gusto ko kasing tumawa sa kanya.
Nagbihis mo na ako ng pantulog bago lumabas. Parang masama ang pakiramdam ko, gusto kong matulog ng maaga.
"Hindi mo naman kailangan gawin to." Pagkalabas ng kwarto
"Gusto kong gawin to sa'yo." Plain at simple nyang pagkakasabi. "Bakit parang ang tamlay mo?" Pinakiramdaman niya ang aking leeg kung nilalagnat ba.
"Hindi ka naman mainit."
"Parang ansakit kasi ng katawan ko. Hindi ko alam. Siguro sa pinag gagawa natin kanina." Paghaplos haplos sa leeg ko.
"Napagod ba kita masyado?" Sabay halik sa noo ko. "Kumain kana at magpahinga hihintayin kita maka tapos." Pinanood nya lang ako hanggang isang subo nalang ang natira.
"Nakakain ka na ba?" Tanong ko.
"Wow! ngayon mo lang ako tinanong ng tapos kana?" Sabi niya na parang kasalanan ko pa. Bakit? Kasalanan ko ba?
"Ikaw nga tong nagdala ng pagkain tapos hindi kapa pala nakakain." Asik ko sa kanya.
"Mamaya na ako. Pagtapos mo d'yan. Tatawag pa ako kina Mommy kung pupunta ba talaga sila dito." Pakipot pa 'to!Kunwari galit galitan.
"Nakakahiya naman sa kanila. Anong sasabihin ko?" Napangisi naman siya sa sinabi ko.
"Ano ngiti ngiti mo dyan." Pagbabanta ko.
"Wala. Ang cute mo lang." Namula naman ako sa sinabi nya.
"Since birth." Balik ko.
"Aalis na ako. Have a good night, Kisz." Humalik siya sa noo ko bago umalis.
" Mag lock ka ng mabuti." Habol na sigaw niya. Naglock ako ng pinto at pumasok na.
"Ang sakit talaga ng katawan ko." napahawak nalang ako sa balakang ko. "Hindi ko pa nabubuksan ang phone ko ah?Hayaan na nga. Gusto ko nang matulog."
Kinabukasan.....
Nakarinig ako ng katok sa labas habang pikit pa ang mga mata ko.
"Kisz!"
Kumatok siya ulit at tinawag ang pangal ko. "Kisz!"
"Hmmmmm.." ito lang ang tanging sagot ko. Nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam.
Nagpatuloy sa pagkatok ang tao sa labas ng room ko.
"Hmmmm." Ayaw kong bumangon. Namulat ang mata ko biglaang pagbukas ng pintuan. Nakita ko si jace dali-daling pumunta sa'kin.
"Anong nangyari sayo?Masama ba pakiramdam mo?" Tango lang ang tanging sagot ko.
"What. The . Hell! Kisz! may dugo ang kama mo." Napabalikwas ako sa sinabi niya, may period pala ako. Bigla akong nahilo sa biglaang pag tayo ko kaya napadapa akong humiga.
"D'yan kalang. Ikukuha lang kita ng napkin at magpapadala ako ng extrang bed sheet." Umalis siya malakas na sinara ang pinto.
Nakakahiya naman ang baho ko pa naman. Kahit masakit ang katawan ko ay tumayo ako papuntang cr. Nag toothbrush saka nag hugas ng katawan at nag hilamos. Nakakahiya naman kapag ganito ang itsura ko,sabog.
Tamang tama ang dating ni jace at tapos na ako. "Kisz, andito na ako. Ito na ang kailangan mo."
"Pakiabot nga dito sa Cr." Inabot niya ang katamtamang laking supot sa'kin na puno ng laman. "Ba't andami nito?"
"Ah hindi ko kasi alam kong ano ang gagamitin mo eh. Hindi ko alam kong nasaan si Joy para makapag tanong kaya binili ko lahat ng brand." Napakamot pa siya ng ulo habang sinasabi 'yon. Napailing nalang ako sa kaniya.
Mga walong pack yata ng napkin ang nabili niya. Pambihirang lalaki to oh. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas agad ako ng cr.
"Salamat, Jace. Hindi ko kasi alam na may dalaw ako ngayon eh." Bahalura lang ba ako o sadyang malinis lang siya? Inayos niya kasi ang bed sheet ko. Pinalitan na niya ng bago.
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. ''Goodmorning. Okay lang. Ikaw pa ba? May binili akong gamot para sa p*******t ng puson tsaka p*******t ng katawan."
Napatulala ako sa kaniya habang sinasabi lahat mg detalye ng dapat kong gawin. Kingina ka Jace!
A/N: Bilhan kita ng pampers bebe? Sabihin mo lang kung kailan. Anakan na din kita Charrot HAHAHA Wattzup ebreting:)