Chapter 7
Nililipad ng malakas na hangin ang mahaba kong buhok. Hindi ko pala nadala ang shades ko. Anong oras na kaya?
Dumapo ang tingin ko sa matikas na lalaking kumukuha ng litrato sakin. Oo, si Jace. Naka ngiti pa habang hawak-hawak ang camera ko.
Dali-daling siyang pumunta sa tabi ko, hinawi ang buhok ko at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Malalaman mo talaga kung gaano kahalaga ang tao kahit simpleng bagay lang na ginagawa nila ay nasisiyahan kana.
"Nagpapasalamat talaga ako na nakilala kita." Sabi ku sa isip ko.
"Kisz, kailan ka babalik sa inyo?" Pinapa ikot niya ang buhok ko gamit ang kamay niya na tila'y naglalambing. "2 weeks kanang nandito." Dagdag niya pang sabi.
"Siguro, end of the Month." Hindi siguradong sambit ko.
"Hindi mo ba namimiss ang mga magulang mo? Pamilya mo." Napipi ako sa sinabi niya. Ang totoo nyan miss na miss ko na lalo na ang mommy ko.
Hindi ako makapag salita sa sinabi niya. Wala akong lakas na sabihin sa kanya tungkol sa pamilya ko. Nakakapang hina ng loob.
Halos limang minuto kaming hindi nagsalita, agos ng dagat lang ang nariririnig. Huni ng mga ibong lumilipad sa himpapawid. Ngunit nag lakas loob akong sabihin sa kanya.
"Ang totoo nyan, Jace..." Malungkot na sambit ko.
"Shhhh.. Okay lang. 'Wag mong sabihin kong hindi mo pa kaya." Niyakap niya ako patagilid at naka patong ang baba niya sa ulo ko.
"Mag hihintay naman ako. Hindi mo naman kailangang ipilit, Kisz."
Ang sarap lang sa pakiramdam kapag may ganitong taong nag cocomfort sayo. Hindi na ako nag abala pa na sabihin sa kaniya. Siguro hihintayin ko nalang ang tamang panahon.
"Salamat sa pag iintindi,Jace. Ano ba 'yan! Dapat masaya lang tayo eh."
Napasandal naman ako sa dibdib niya. "Ba't parang ang laki ng dibdib mo? Nagpagawa kaba ng boobs?" Biro ko. Napakaharot ko naman. Sumandal ako sa dibdib niya hihi.
"Muscles yan nuh! Inggit kalang." Sabi pa niya. Natawa naman ako ng konti.
"Nag gigym ka?May gym dito?" Tanong ko habang nakasandal parin sa kaniya.
"Oo. May gym dun sa last floor ng hotel namin. Bakit hindi mo alam?" Taka niyang tanong sakin.
"Hindi Hahaha Hindi kasi ako nakikinig sa babaeng nasa front desk ng mag check in ako." Tawa ko.
''Tama na ngang yakap, baka 'pag nawala ako. Hahanap-hanapin mo 'ko." Pagbibiro kong sabi sakaniya habang pilit kong binaklas ang kamay niya sa beywang ko.
"Hahanap-hanapin talaga Kita." Sabay Kindat . Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Iba talaga ang epekto sakin ng mga pinagsasabi niya Kingina!
"12:05 na. Hindi paba tayo mag suswimming, Kisz?" Tanong niya.
Oo nga ang init-init na. Dahan- dahan kong hinubad ang summer dress ko para maligo.
"Hoy! woii ! hey! Bakit dyan ka mag huhubad. Maraming tao oh? Tingnan mo." Tinuro niya ang mga trabahante sa likod na parti ng yati.
Tumawa ako bago nagsalita. "Hindi naman sila naka tingin ah? Maliban sayo. 'Wag ka kasing tumingin. Sige ka, baka mahulog ka." Pagdadahilan ko. Tuluyan ng nahubad ang dress ko saka hinawakan ito sa kamay.
"Bakit kapag ba nahulog ako?Hindi mu'ko sasaluhin?" Sabi niya habang naghuhubad ng polo shirt niya.
Ng mahubad na niya ay dahan dahan akong lumapit sa kaniya sabay sabing.. ''Sasaluhin syempre 'pag nahulog kana!" at tinulak ko siya sa tubig. Tawa ako ng tawa sa reaksiyion niya.
"Hindi pa nga ako ready eh,Tinulak agad." Palangoy niyang sabi. "Tumalon kana. Sasaluhin naman kita." Ngumisi siya habang naka floating.
"Sige nga saluhin mo 'ko." Tumalon nadin ako pa baba. Sobrang lamig ng tubig. Napakalinis ng tubig. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang paa ko.
"Mag scuba tayo next time, Kisz." Sabi niya habang naka higa pa din sa ibabaw ng malamig na tubig dagat.
"Sige ba! Dito tayo, Jace." Lumangoy kami papalayo sa yati. Ang linis ng tubig. Namangha ako kakatingin sa ilalim. Akmang tatawagin ko sana siya ng hindi ko siya makita.
"JACEEEE!
nasaan na 'yon?
"Jaceeee!" Muli kong pagtawag sa kaniya. Palinga-linga akong lumangoy. Nasaan na yun? Nagsimula na akong kabahan.
Pabalik na sana ako sa yati upang magtawag ng tulong ng biglang yumakap sa likuran ko.
"BULAGGGAAA!" Pinaghahampas ko siya sa sobrang inis. Lagi niya nalang akong tinatakot. Paano 'pag nagkatotoo?
"Gonggong kaba?! Kita mong kinabahan ako sa ginawa mo?Pa'no kung nawala ka talaga?Pa'no kita hahapin?" Hinampas ko siya uli sa kamay saka lumangoy pabalik sa yati. Nakakainis! Nangingilid ang luha ko dahil sa pinagagawa niya.
Nakita kong sumunod siya sakin. Paakyat na ako ng yati ng bigla siyang magsalita.
"Sorry, Kisz. Gugulatin lang naman sana kita eh." Hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy ako sa pag akyat.
"Kisz, sorry na."
Dumeretso ako sa loob at kumuha ng roba at tuwalya para sa kanya. Lumabas ako at ibinigay sa kaniya.
"Pinag alala niya naman ako. Alam niya namang hindi ko gusto 'yon." Napasimangot ako sa ginawa niya. Hindi pa din ako nag sasalita.
"Kiszzzz. Kausapin muko! Magalit ka." Hinawakan niya ako sa balikat gamit ang malamig at malaki niyang kamay.
"Kisz, naman. Sorry na kasi. Hindi ko naman alam na matatakot ka. Nagtago lng naman ako sa ilalim tsaka ginulat ka. Kiszz Hindi ko na uulitin." Pagsusumamo niya. Nakakainis ang dali makuha ng galit ko.
"Talaga?! Hindi na talaga?! Alam mo bang kinabahan talaga ako? Hanggang ngayon ang bilis padin ng t***k ng puso ko." Sabay kuha ng kamay niya at inilagay sa dibdib ko. "Dama mo yung t***k? Ikaw ang rason nyan! Muntik na akong magka heart attack, leche ka! Bakit namumula ka d'yan?"
Napansin kong namula siya at nag iwas ng tingin sakin. Kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya.
"Tingin sa'kin!" Utos ko.
"Ano?!" Asik ko.
"Ehh kasi---ang kamay ko kiszz--- nasa boobs mo." Sabay tanggal ko sa kamay niya. Sht! parang hindi naman ah?
Namula din ako sa sinabi niya. Ang engot ko naman. Kingina ang boba ko.
Hanggang hapun,Inenjoy nalang namin ni jace ang pa swimming. Hanggang pag lubog ng araw. Naka upo lng kami sa gilid ng dalampasigan, hinihintay ang pag lubog ng araw.
"Kisz, may itatanong ako." Sambit niya. "May boyfriend kana ba?" Tingin sakin. Wala akong boyfriend, wala ngang lumalapit sa'kin kahit isang tao. Marami akong bodyguard sa states.
"Boyfriend?Wala." Fiancee meron pero hindi ko sinabi.
"Alam mo ba?Matagal na kitang gusto. Nadagdagan lang talaga ng makita kita dito." Naguguluhan ako sa sinabi niya. Matagal niya na ba akong kilala? Tumibok ng husto ang puso ko. Ito nanaman siya. Napa hawak ako dahil sa pintig nito.
"Kiszz." tiningnan niya ako sa mga mata ko. " Will you please let me court you? I will do everything, I'll make you happy, I'll take care of you, i will not hurt you. I'll cherish everything with you. I want us to watch when the sun rise and the sun will set everyday. We will share each others problem and i will love you when nobody can." Sincere nyang sabi. Naluluha ako sa sinabi niya. Siya ang unang lalaking nagsabi niyan. Hindi ko makakaila na napaka perfect niya talaga. Pano to?May Fiancè na ako. Totoo nagugustuhan ko na siya.
A/N: Pa order nga isang Jace Villanueva:) Naenjoy n'yo ba? Drop nga:)