Chapter 17
Ito na ang huling araw na makakasama ko siya. Kaya paroo't parito ang pinupuntahan namin. Tawanan , kulitan at hindi mawawala ang ka sweetan. Lagi niyang pinaparamdam kong gaano niya ko kamahal kaya mas nahihirapan akong iwan siya. Kung pwedi lang sana na 'wag nalang akong umalis.
Nababahala ako kung ano ang puweding gawin ng pamilya ko sa pamilya nila. Kailangan ko munang ayusin lahat para sa'min. Para sa relasyon na mayroon kami ni Jace.
"Ano ba Jace!" Eto nanaman kami nag hahabulan sa buhanginan mga walang magawa sa buhay. Tawang tawa ako kapag nakikita ko siyang nadudulas. Kapag naaabutan niya ako ay kinikiliti. Halos lumakas ang boses ko dahil sa tawa.
"Tama na, Babe." Hinihingal kong sabi. Napahawak ako sa beywang ko habang hinihingal. Pati siya napakapit sa puno ng niyog at humingal.
"Ikaw kaya yong nauna eh!"
"Sori na." Tumawa muna ako bago ulit nag salita. " I love you, Babe." Sabi ko gamit ang malambing kong boses at pinisil ang pisngi niya.
"Iloveyoutoo din, Babe." Pinisil niya din ang ilong ko.
"Ba't palagi kang nag a'Iloveyou ha? Hindi ka naman ganyan nong nakaraan. Madalang kalang magsabi." Sumbat niya sa'kin habang takang taka sa inasal ko.
"Palagi naman ah?" Depensa ko sa sarili.
Ang totoo niyan sinasabi kuto palagi para hindi niya malimutan na mahal na mahal ko siya.
"'Wag mong sasabihing pinagagaan mo ang loob ko dahil may gagawin kang masama?" Nangunot ang noo niya habang dinuduro ako. Kagaya ng lagi niyang ginagawa. Parang timang lang pero magchachange mood ulit to mamaya.
Boring akong tumingin sakanya para itago ang totoo kong nararamdaman. "Anong pinagsasabi mo?" Gamit ang boses ko na parang galit.
"Ako lagi ang nag iiloveyou sa'yo noong nakaraan eh." Giit niya padin. Mahirap talaga paniwalin 'to.
" 'Wag mong sabihin na pag aawayan natin 'yan, Jace." Pina ekis ko ang kamay ko at itinaas ang kilay na tumingin sa kaniya.
"Hindi ah!Joke lang. Ayaw ko talaga ng away, Babe. Nakakasira 'yan ng relasyon, Diba?" Ngumisi-ngisi pa siyang inakbayan ako.
"Kaya nga dapat pag nag away tayo ayusin natin agad. Para hindi magkakalamat ang relasyon natin. Okay?" Tumango siya sa'kin.
"Opo, Babe. Ayaw kitang mawala eh." Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at kinurot ang pisngi ko. Ngumiti ang mga mata niyang magagandang tumitig sa'kin.
"Ako din naman ah? Pero minsan talaga may mga bagay tayong dapat gawin para sa relasyon natin. Para mas maging matibay diba? Dahil gagawin ko 'yon para sa'tin." Paliwanag ko habang seryoso ang mukhang tumingin sa kaniya.
"Pasensiya na kong iiwan kita. Para din naman satin 'to."
"Ano bang mga pinagsasabi mo Babe? Kung ganun kaya mukong iwan para sa ikatitibay ng relasyon natin?" Tumango ako. Parang maiiyak ako. Pilit kong pigil sa mga luha ko. Iniwas ko ang tingin ko sa ibang direksyon para hindi niya makita na naluluha ako.
"Oo naman. Hindi naman tayo magiging masaya kung may mga balakid sa relasyon natin, Jace." Parang maiiyak kong sabi.
"Babe!Okay kalang ba? May lagnat ka ba?Anong pinagsasabi mo? Balakid?" Sunod-sunod niyang nagtatakang tanong. Hinawakan niya pa ang noo ko para malaman kung may lagnat ako. Sorry, Jace.
"Wala!Tara mag dinner na tayo." Nagpatangay nalang siya sa hila ko. Pilit kong winawakli ang sama ng loob dahil sa gagawin ko. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.
"Saan tayo kakain? Sa Room ko nalang ba Babe?" Nakatulala lang siya na naka titig sa'kin.
"Babe!Iniisip mo padin ba ang sinabi ko kanina? Kalimutan mo yun okay? Nandito tayo para mag saya." Pilit kong pinapasaya ang boses ko ngunit hindi siya natinag. Tinapik ko siya sa mukha.
"Oo na. Hindi ko lang maintindihan ba't naging ganun ang mga sinabi mo." Tumingin siya sa dalampasigan kaya napatingin na din ako. Ninanamnam ang lamig ng hangin mula sa dagat. Nadidinig ko ang mga kantahan sa Bar. Huni ng agos ng dagat.
"Hindi ko din alam ang pinagsasabi ko. Gutom lang siguro ako, Babe." Ginawa ko ang lahat para magmukha akong masaya. Ngumiti ako ng todo-todo kahit pilit lang ito.
"Magparoom service nalang tayo. Para kang tanga, Babe. Tama nang ngiti 'yan. Amplastic mo." Umaakbay siya sakin habang naglalakad kami papasok ng hotel.
"Hindi ka galit?" Tanong habang nakanguso. Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang 3rd Floor.
"May ikagagalit ba ako Babe?" Kinalas niya ang nakaakbay niyang kamay at niyakap ako mula sa likod. Mabuti nalang at walang ibang tao kundi kami lang dalawa.
Tumayo ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga niya mula rito.
"Syempre wala, Babe." Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko at sumadal sa kaniya kahit sandali.
Makailang segundo ang nakalipas ay nakarating na kami sa floor na inuupahan ko. Umayos kaming dalawa at naglakad na magkahawa kamay.
Matapos naming kumain ni Jace ay naligo at nagsipilyo kmi bago sumampa sa kama .
A/N: Kapag nagkalamat na kasi hindi na magiging gaya ng dati ang relasiyon n'yo. Nagiging cold na kayo sa isa't isa na parang feeling n'yo. Wala na kayong gana.