Chapter 16
Nakasuot na kami ngayon ng mga gamit pang scuba. Fins para sa paa, goggles, tank para sa oxygen at higit sa lahat lakas ng loob. Nakakakaba naman kasi. Tinuruan muna ako ng basic bago gawin talaga. Mahirap na baka bigla akong lumubog o di kaya ay sumabog ang tangki. Di biro lang. Hahawakan naman daw ako ni Jace baka bigla akong mawala. Diba? Ang sweet ayaw niya akong mawala. 'Di gaya ng iba diyan. Hindi mo alam nawala na pala siya. 'Di ko sinabing ghoster 'to ah.
"Ready kana?" Tanong niya sa'kin. Kahit medyo nag aalangan ay sumagot pa din ako.
"Syempre ready na." Kumindat ako at nag okay sign. Tinuro nila kanina sa'kin para daw malaman kung okay lang kami. At hindi naman pweding magsalita kami sa ilalim.
"'Wag kang bibitaw okay?" Pinalakihan niya ako ng mata, mukhang nag aalala siya sa'kin. Isinuot ko muna ang goggles at oxygen tank tapos ay ngumiti sa kaniya.
1, 2, 3 pahiga kaming bumagsak sa tubig na magkahawak kamay. Lumangoy agad kami pailalim habang hindi padin kinakalas ang mga kamay namin. Ayaw niya akong bitawan.
Wow. Namangha ako sa dami ng isda sa ilalim. Hanggang dito ang puti pa din pala ng buhangin dito. May nakita kaming octupos. Hindi ito puweding lapitan dahil kapag natatakot ito nagpapalabas ito ng itim na parang usok para protektahan ang sarili nila.
Lumangoy kami uli para sumunod sa mga nagsisilbing tour guide namin. Lagi akong tinatanong ni Jace sa paraang hand gesture lang kung okay lang ba ako. Tango at okay sign lang din ang sinasagot ko.
Napunta kami parte ng dagat kung saan maraming isda na nagkukumpulan at sama-samang lumalangoy. Hindi ko alam kung anong uri ito pero ang ganda nila tingnan. Magkakasama talaga silang lahat lumangoy ng kahit saang direksyon, parang may nagsasabi sa kanila na, Kaliwa! Kanan! Ikot! Gusto ko na lang talaga tumawa sa sarili ko.
Omyghad. Turo ko sa nemong isda. Ginalaw ko ang kamay namin ni Jace para mapansin niya. Tiningnan niya ito at nag okay sign. Ang liit-liit lang pala ng isdang 'to, sa telebesiyon ko lang nakikita ang maliit na 'to eh. Ang sarap tuloy alagaan. Ang ganda siguro 'pag ang dami nila sa iisang aquarium. Nilapitan namin itong magkasama, pinagmasdan kong saan siya pupunta pero nagpaikot-ikot lang siya sa isang maliit na coral, nanlaki ang mata ko ng makitang may lumabas na isang maliit na nemo, waahhhhhh! Anak niya siguro 'yan, lumangoy sila palayo. Hinyaan na lang namin, kung saan siguro 'yon hahanap ng pagkain nila.
Nakakita kami ng isang pawikan na lumalangoy kaya susundan sana namin kaya lang sinenyasan kaming 'wag gawin 'yon. Bawal pala. Baka matakot siguro at hindi na bumalik. Minsan kasi may mga tao talaga na dinadakip sila at kinukulong. Pero nakikita ko ang iba inaalagaan nila at ginagawang alaga sa bahay pero lingid sa kaalaman nila na hindi talaga puweding gawin ang mga ganyang bagay dapat may pahintulot ng isang sangay ng gobyerno at may permit.
Nagpakuha kami ng picture underwater sa kasamahan namin. Syempre ang hirap namang ngumiti kaya napa peace sign nalang kami. Nag heart shape tsaka nag picture ng maghawak kamay. Nagpatuloy kami sa pag langoy, tingin-tingin sa mga isdang nadadaanan. Malapit nang maubos ang tangki namin kaya nilubos na namin ang oras at pagkakataon na makakatanaw kami ng mararaming isda dito sa ilalim ng dagat. Mabuti nga at masagana pa ito sa yamang dagat.
Pagkalipas ng 30 minuto ay umahon na kami mula sa malinis at masaganang karagatan.
Hinihingal ako na umupo sa yati. ''Babe." Hingal na tawag ko sa kaniya.
Hinagkan niya ako. ''Ulitin natin 'to sa susunod.'' Aniya. Hinubad niya agad isa-isa ang suot niya, at humingal na tumingin sa'kin. At niyakap uli ako. How sweet di ba?
"Syempre naman. Kahit dito pa tayo araw-araw sa dagat, Babe." Sabi ko habang niyayakap niya ako. Mabuti at napagdesisyonan ko noon na pumunta dito. Kung hindi ko sana naisipan 'to, hindi ko makikilala ang taong makapagpapasaya sa puso ko.
Pinalakihan niya ako ng mata saka dinuro. "Kailan ka pa natutong mambola ha?"
"Totoo 'yan nuh!" Langya.
"Ikaw lang naman bolero satin." Depensa ko sa sarili. Totoo naman kasi. Siya naman talaga 'yong puro bola pero syempre alam kong nature na niya 'yon.
"Totoo din naman 'yong mga sinabi ko ah?" Halos lumaki ang bibig siya sa kakasabi. Lumaki pa talaga ang boses niya. Tumawa ako at lumabi sa kaniya.
"Sige nga!Kiss muko." Napalabi ako.
"Mahal na mahal kita, Kisz." Mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"I really love doing everything together with you." Hinalikan niya uli ako sa ilong. Todo-todo ang ngiti sa ginagawa niya.
"And creating memories with you." Hinalikan niya naman ako sa noo.
"And i will always love you. Ikaw ang huli kong mamahalin. Asahan mo yan, kaya wag mokong sasaktan. Magpapari talaga ako." Seryosong sabi niya. Pinagbataan niya pa talaga ako. Tumawa ako ng malakas. Magpapari? Tingnan nga natin.
"Edi! Mag pari ka! Ako ang unang makikinig sa mesa mo, Father." Biro ko habang naka pray gesture.
"Anong Father? Magiging father nga mga anak mo?" Lalo akong tumawa.
Kinurot ko siya sa pisngi. "Hindi, magiging sugar father."
Tumawa kami ng tumawa. Ngayon ko lang naisipan na nakasuot pa pala ako ng oxygen tank saka fins. Tinawanan lang niya ako kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Kaya hinubad ko sila isa-isa at tumayo para pumasok na kami sa loob.
"Babe." Tawag niya sa'kin.
"Ano ang feeling na may poging Jace Carl na nagkakarandapa sa'yo?" Akala ko kung gaano ka seryoso ang itatanong niya, ganon lang pala 'yon.
"Sinong Jace? Sinong Carl? At sino ka?!" Umarte akong kinuha ang kaniyang kamay na umaakbay sa'kin.
"Babe, ako lang 'to. Si Babe Jace na mahal na mahal ka."
Kaya ayon pumasok kaming dalawa sa loob ng yating tumatawa. Halos mangiyak ako sa mga pinagagawa naming dalawa. Hindi mawala ang saya na nararamdaman ko.
A/N:Creating memories with the person you love is the most beautiful thing to do in life.