Kasalukuyan kaming nasa kompaniya. Ito ako at nakatambay sa office ni Raze. Hindi naman niya ako inuutusan. Wala siyang pinapagawa saakin kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang titigan siya. Kung meron man siyang iuutos eh sa ibang tao niya papagawa. Kaya naman bored na bored na ako kanina pa. Nakaupo lang ako dito habang siya eh busy sa pagsusulat ng kung ano. *KNOCK* *KNOCK* Sabay kaming napatingin sa pintuan. Tatayo na sana ako para buksan ko kaya lang ay nabuksan na iyon kaagad. Si Reid ang kumakatok kanina. Ano naman kayang pakay nito? "Kuya, may dinner daw mamaya." Pagaanunsyo nito sa nakakatanda niyang kapatid. Napakunot naman ang noo nitong si Raze at tinigil muna pansamantala ang kaniyang ginagawa. "Why?" Tipid niyang tanong. "Sinabi ni Dad." Sagot ni Reid dito. Taray t

