"Adalie Montereal. Mother of Raze Adler Montereal." Nawindang ako sa sinabi ng babaeng kanina pa namin pinapasadahan ng tingin. Lahat ay nagulat ng magpakilala siya. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sakaniya. Kaya pala parang pamilyar ang itsura niya saakin dahil nakita ko na siya sa isang litrato. Napansin ko lang na mas kamukha ni Raze ang Tatay niya kaysa dito sa Nanay niya. Kaunti lang ang namana ni Raze dito sa Nanay niya kung ang paguusapan ay ang physical na anyo. "I'm busy. Let's go Liana!" Ilang minuto yata bago nakapagsalita itong si Raze. Hindi pa naman ako ready na umalis sa kinatatayuan ko at balak ko pa sanang batiin ang Nanay niya, kaya nga lang ay mabilis na nakuha ni Raze ang kamay ko at hinila paalis sa harap ng Nanay niya. "Trying to avoid your mother?" Narin

