Umagang-umaga at nandito ako sa living room para dito na lang mag-workout. Dito kasi mababantayan ko ng maayos ang tatlo kong anak, multi-tasking talaga ako ngayon. Kami lang ang naiwan dito sa bahay kasama nila Manang, si Raze kanina pa umalis para magtrabaho. Ako naman ay hindi pumunta sa coffee shop, binilinan ko na ang mga empleyado kung anong dapat nilang gawin at alam ko naman na naiintindihan nila na hindi ko na muna sila pupuntahan. Marami akong kailangan gawin dito sa bahay, mabuti na nga lang at ang coffee shop lang ang iniisip ko bukod sa pamilya ko. Kaya ko namang pagsabayin ang lahat ng ginagawa ko, pero sinabihan ako ni Raze na hinay-hinay lang muna ako. I have to take things slow, nakakasama sa katawan ang sobrang pagpapagod. Pero ito ako ngayon at nagpapagod sa workout na g

