Ilang linggo na ang nakalipas simula noong nanganak ako, pero ngayon palang papasok sa trabaho si Raze. Masyado siyang nag-enjoy dito sa pakikipagbonding sa mga anak niya eh, mabuti na lang at hindi sila nagaway ni Ryder. Paano halata naman sa mukha ni Ryder na naiinis siya noong nalaman niyang gustong mag-extend ni Raze. Wala namang magagawa si Ryder dahil nga pinagbigyan ang Kuya niya ng parents nila. I woke up early to prepare our breakfast for today, ako talaga ang laging naghahanda ng breakfast namin kaya lang noong pinagbubuntis ko si baby Ryle, madalang lang ako kung magluto. Nauna ako nagising kay raze, hindi ko na muna siya ginising dahil gusto niya kapag ginising ko na siya nakahanda na ang pagkain pero ganoon lang naman siya kapag weekdays, may pasok siya, ayaw niyang nale-late

