Nagising ako dahil nakarinig ako ng isang pamilyar na ingay, alam naman nilang may nagpapahinga tapos napakaingay nila. unti-unti kong minulat ang mata ko para tignan kung sino ang mga ito, una kong nakita ang napakagwapong mukha ng asawa ko. Nakangiti ito habang may tinitignan, ang mga mata niya ay kumikislap sa tuwa. Nagawi ang tingin ko kung saan siya nakatingin, kaya pala iba ang ngiti niya dahil sa bunsong anak namin siya nakatingin ngayon. Kahit noong ipnanganak ko ang dalawa naming anak, ganiyan na ganiyan niya rin titigan ang mga iyon. Hanggang ngayon naalala ko pa rin ang reaksyon niya noong nahawakan niya ang panganay na anak namin. "Are you happy now, Mr. Montereal? Aba dapat lang, after everything I've done, after kong mahirapan sa panganganak you should be happy." He chuckled

