"Iho, ito nga pala ang mga kailangan mo." "Thank you, Tita." Unti-unti kong binuksan ang mata ko dahil may narinig akong dalawang tao na naguusap at parang pamilyar na pamikyar yun saakin. Nasilayan ko ang isang mala greek god ang mukha. Ang ganda ng mata, ilong, bibig, at kilay nito. Manipis lang yung labi niya pero medyo mapula pula ito. Napakaganda din ng bagsak niyang buhok na kahit hindi mo hawakan eh napakalambot niyang tignan. "Done staring?" Nasilayan ko ang pilyo niyang pagngisi saakin at doon ko lang napagtanto na boss ko pala itong tinitignan ko. Leche! Akala ko kung sino, bakit hindi ko kaagad namukhaan ang buysit? Tatayo na sana ako kaya lang bigla niya akong sinenyasan na huwag tumayo. Kaya nanatili na lang akong nakahiga. Naramdaman ko ang pagdampi ng medyo mabasang

