"Oh nakausap mo na ba yung magaling mong kapatid?" tanong ko kay Raze, binisita ko siya ngayon sa office niya kasama si Ryle. Wala pa yung dalawang bata eh, nasa school pa sila. Inip na inip na kasi ako sa bahay, kaya nagdecide ako na mag-drive papunta dito para manggulo sa asawa ko. Buhat-buhat niya si Ryle habang ako naman ay prenteng nakaupo sa harapan niya. "Nope, I don't want to see him for now. Ayoko yung pinakita niyang ugali sa harapan ng ibang bisita, good thing at hindi nagkaroon ng issue tungkol sa behavior na pinakita niya sa after-party," sagot niya. Maging ako nga rin ay hindi nakapaniwala sa inasta niya noong araw na yun, hindi naman sa inaano ko na kampi ako kay Cari ngayon pero kasi ang disrespectful ng ginawa niya. Ni hindi man lang siya nagsabi kay Cari na titigil na siy

