CHAPTER LIV Ilang minuto palang akong nakaupo dito sa harap ng Lola ni Blake ay hindi na ako mapakali. Para akong nasa silya elektrika na hahatolan sa hindi ko malamang dahilan. Ang mga tingin niyang parang pati kaluluwa ko ay binabasa na niya. Gusto ko ng mag-umpisang magtanong dahil hindi na ako komportable sa kinalalagyan ko ngayon para akong dahan-dahang pinapatay. Sa dami nang araw na dinadasal ko na hindi na kami magkita o magkaharap ng ganito ay mangyayari pa rin pala. Ang masama ay ngayong araw pa talaga kung kailan reopening ng Finesse. Lahat tuloy ng mga tao dito ngayon ay nakatutok na sa amin at naghihintay kung anong mangyayari. “Alam kong maraming gulong nangyari sa ating dalawa at sa pamilya ko,” umpisa niya bago tumayo nagulat pa ako ng bigla itong lumuhod sa

