CHAPTER XLIX Ilang araw na mula ng malaman ko ang totoo tungkol sa sakit nang anak ni Ethan at Elise. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang batang sa ganoong edad ay maagang kukunin ng Diyos. Batang wala pang kamalay-malay sa magagandang bagay sa mundo pero ngayon ay limitado nalang ang oras para masaksihan niya ito. At ngayon palang binibitawan ko na rin ang pag-asang maging babalik pa kami sa dati. Kung nasasaktan ako ay paano pa kaya ang mga magulang na maiiwan niya. Pagod akong nahiga sa kama kakauwi ko lang ngayon galing sa flower shop. Sarado pa kasi ang Finesse pero halos araw-araw akong dumadalaw doon para maglinis ng ibang kalat. Hindi ko kasi pinaggalaw kahit kanino ang buong Finesse. Ewan ko ba kahit noon ay hindi ko pinagawa sa iba ang Finesse b

