CHAPTER L Madaming pagkakataon na gusto ko nalang kamuhian siya ng paulit-ulit. Iyong maninigas nalang ang puso ko at wala ng mararamdamang kahit anong sakit o kahit para sa kanya. Pero ang galit ko ay mas mababaw kesa sa pagmamahal ko sa lalaking ito. Dahil kahit anong galit sa puso ko ay laging natutunaw nang nararamdaman ko. Kinulam yata ako nang walang’yang ‘to eh! Ilang beses ko nang sinabing gusto ko nalang siyang palayain at kalimotan. Pero sa tuwing babalik siya sa buhay ko kahit ilang taon pa ang lumipas ay parang balewala naman ang paalalang ‘yon sa sarili ko. Patuloy pa rin nitong sinusuway ang gusto nang isip ko at sinusunod ang marupok kong puso. Sinundan ko nang tingin si Blake na hinubad ang suot niyang tshirt bago naupo sa sofa na malapit sa akin. Parang pagod itong n

