CHAPTER LI Sa relasyong pinasok ko ay wala talaga akong inaasahan. Hindi na ako umaasa sa kung ano ang kalalabasan nang kung anong meron kami ni Blake. Masaya at kuntento na ako sa anak kong binigay niya sa akin. Pero habang lumalaon na hinahayaan kong magmahal ang puso ko ay mas tumitindi rin ang sakit na nararamdaman ko. Iyong kahit anong sakit ay ayos nalang sa akin kasi mahal ko naman siya at baka sakaling sa susunod ay magiging maayos din kami. Dahil kahit hanggang sa huli gusto kong sumugal sa kong anong nararamdaman ko para sa kanya. Napangiti ako nang magising ako at isang braso ang nakapulupot sa katawan ko. Akala ko ay si Asul pa ito o kaya hinayaan ko nalang ito. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang bigla nitong sipsipin ang dibdib ko. “Good morning, Ba

