CHAPTER XXVII Sa buhay natin maraming tao ang darating. Pero iilan lang sa kanila ang mananatili at makakaintindi sayo. Iyong kahit ipagtulakan mo sila palayo ay isisiksik pa rin nila ang sarili nila. Hindi naman ako naghahanap ng ganoon. Sadyang maarte lang ang punyeta kung puso. On process mula sa bawat sakit na naranasan niya ay tumitigas din siya. Hindi ko nga alam kung wala ba siyang kadalaan o sadyang madali lang akong magmahal. "Miss Olet, payment po." Nagising ang diwa ko sa pagtoktok ni Ella sa counter. "Payment po." "Sorry..." saad ko bago kinuha ang bill. Ilang araw lang naman ang lumipas simula noong aksidente sa bar. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakarecover. Ilang beses ko na ngang dinagukan ang sarili ko pero parang wala namang epekto. Paulit-ulit pa rin

