CHAPTER XXVIII Telebisyon, internet at sa ibang social media platform ay puro mukha ko ang nakikita ko. Pangalan ko ang number sa search engine ng isang site na para bang may interesante sa akin para pagkaabalahan nila ng ganito. Ang tahimik kung buhay ay parang naging imperyerno dahil lang sa ilang minutong paglabas ng mukha ko sa screen. Ang La Finesse ay kailangan kung isara pati na ang flower shop dahil sa mga tao at reporte na nangungulit sa kanila. Muntik pang masaktan ang isang waitress ko dahil sa mga reporter na biglang nagkagulo dahil nag-uunahan silang makakuha ng scoop tungkol sa akin. Pagod akong naupo at inihilamos ang dalawang kamay sa mukha ko. Kung kanina ay nanghihina ako ngayon ay parang bigla akong pinagsakloban ng langit at lupa dahil sa sitwasyong kinalalagyan

