CHAPTER XXXIV Minsan sa buhay natin binibigyan tayo ng Diyos ng mga sitwasyong makakapag parealize sa atin ng mga bagay-bagay. At sa akin? Noong pinagbuntis ko si Blue. Maraming nagbago sa akin na hindi ko akalaing magagawa ko. Ang lifestyle ko at ang pagkabalahura ng bibig ko ay talagang pinaghirapan kung alisin. Dahil ayoko namang maririnig ako ng anak ko na walang ibang lumabas sa bibig kung hindi puro mura nalang. Nakakahiya naman baka may ibang mga Nanay o batang makarinig at sabihin na ganito ang Nanay niya. Gusto kung ipagmalaki ako ng anak ko, gaya ng ako sa kanya. “Ninang Amber…” Binalingan ko ang baklang kumakaway sa anak ko mula sa hardin ng bahay. Ang bahay ko kasi dito sa Baguio ay open space. Malaki din ang nakuha kung lote na may malaking lawn para m

