CHAPTER XXXV Noon iniisip kung magiging maayos lang ang lahat kung wala na kami sa buhay ni Blake. O kung hindi niya malalaman ang tungkol kay Asul. Pero hindi ko akalaing habang tumatagal ay binabalot din ako ng takot at alinlangan sa tuwing sumasagi sa isip ko ang tungkol sa pagkatao ng anak ko. Ni hindi pa nga ako pormal na nakikilala noon ng pamilya ni Blake. Si Kaya at mga pinsan niya lang ang nakakaalam ng tungkol sa akin. Kaya paano ko ipagkakatiwala ang kinabukasan ng anak ko kung wala pa ay kinamumuhian na ako ng lahat. Ilang beses ko mang ipaintindi sa sarili ko na iyon ang nakagawian ng pamilya niya ay hindi ko matanggap na ayos lang saktan ako huwang lang ang pamilya niya. Ano ako laruan? Hindi ako pinakalaki ng mga magulang ko para lang magbigay aliw s

