BLAKE Ilang taon akong naghanap at naghintay ng balita tungkol sa kanya. O di naman kaya ay kahit kakaunting pag-asa na mahahanap ko pa siya. Lahat ng alam kung paraan ay ginawa ko na yata para lang mahanap siya. At ngayong nakikita ko ang litratong kakaupload niya lang ay parang may kung anong sumikdo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan ito at kung sino ang batang kahawak kamay niya. “Hoy, ano uupo ka nalang dito?” Nilingon ko si Lex na may hawak pang kawali. “Kumilos ka na. kapag nawala na naman siya ulit wala ng kasiguradohan kung makikita mo pa siyang muli,” singhal nito sa akin. Iyon nga ang kinakakatakotan ko ang hindi ko na siya makitang muli. Hindi ako sigurado kung siya pa ba talaga ang nagpost noon. Si Ric ang unang nakakita ng litratong inaplod ni

