CHAPTER LVI Define happiness? Iyon ba ‘yung lagi kang nakangiti kahit wala namang dahilan? O iyong tumatawa ka mag-isa? Isang lingo na matapos ang eksena ni Blake sa Tagaytay ay para pa rin akong nasa ulap. Tipong kahit mag-isa ako ay bigla nalang akong mapapangiti kapag naiisip ko ‘yun. Nababaliw na siguro talaga ako gaya ng sabi sa akin ni Ambrocio. Anong gagawin ko? Hindi ko mapigilang hindi mapangiti eh! “Ano nananaginip ka na naman ng gising?” “Tsk! Inggitera ka noh? Gusto mo din bigyan kita?” irap ko sa kanya. Lagi nalang kasi niya akong pinapansin kapag natutulala ako o kaya ngumingiti mag-isa. Paano kasi pagkatapos ng party sa Tagaytay ay nag-away ang dalawa sa kakulitan ni Amber. Hindi kasi tinigilan ang paglandi sa mga pinsan ni Blake na sayang-saya sa ate

