Pagdating namin ng bahay ay sinalubong ako kaagad ni Jeishi ng yakap. "A-Are you okay, Janine?"
Hindi pa rin siya nagbabago. Bukambibig niya na iyang are you okay na iyan noon pa man.
"Let her rest for now, Jeishi," saway ng kuya ni Jeishi sa kanya. May nilagay siyang pares ng tsinelas sa paanan ko. "Suutin mo iyan. Kanina ka pa walang suot sa paa."
Hindi na ako nag-inarte pa at sinuot na ang may kalakihang tsinelas. Halos yakapin ko na ang sarili ko sa sobrang lamig. Wala ring nagawa ang throw blanket na dala ng kuya ni Jeishi.
Sa hinaba-haba ng pag-uusap namin kanina ay hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Oo, marami kaming mga napag-usapan. Higit sa lahat ay gulat na gulat at hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.
Like, for real? Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Lalo na nang maalala ko ang pagbuhat niya sa akin.
Umabot ng hanggang alas dos ang pag-uusap naming iyon. Pero siya lang ang nagsasalita at hindi na ako umimik mula noong huli kong tanong.
Masyadong maraming pinoproseso ang utak ko sa mga sandaling ito. Kaya kanina pa ako tahimik. Nawala nga ang kalasingan ko at antok, napalitan naman ng pagkalito. Hindi na rin ako sigurado sa nararamdaman ko.
Wala na nga akong alam mula noon, pati ba naman hanggang ngayon? Everything went so fast. Hindi ko alam kung maniniwala sa mga sinabi ng kuya ni Jeishi o hindi.
Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko na rin alam kung magagalit pa ba o tatanggapin na lang ang lahat?
Hindi ko na pinansin si Jeishi at hindi na rin nilingon pa ang kuya niya. Pagod na pagod ako physically, mentally, at emotionally. Dire-diretso ang lakad ko papunta sa kwarto ko.
Nasa third floor ang kwarto ko kaya madadaanan ko pa ang second floor kung nasaan ang kwarto ni Mama. O baka naman kwarto nila ng lalaki niya? Bigla na lang nanumbalik ang galit ko. I couldn't really accept this.
Todo effort na ako sa paglalakad nang dahan-dahan. Pero mukhang inaabangan talaga nila ang pag-uwi ko.
Magkatabing nakatayo sa dadaanan ko si Mama at ng papa nila Jeishi. Sinalubong ko ang tingin ni Mama at nalipat naman kaagad ang tingin ko sa papa nila Jeishi. Tinaasan ko siya ng kilay at never kong iniwas ang tingin ko. That was my signature, never look away, never back down. Mamatay sila sa inis at wala akong pakialam kahit mawalan pa sila ng hininga sa paraan ng pagtingin ko sa kanila.
Bastos na kung bastos. Sanay na akong tawaging ganyan.
Kung kanina ay naging maamong tupa ako sa harap ng kuya ni Jeishi, ngayon balik na ako sa dating ako. Bumalik na rin ang galit ko sa kanila.
"Janine, hija—"
I raised my hand to shut him up. That worked immediately. Not what I expected but made me smirked. Pero syempre, mabait pa rin naman ako at isa pa, pagod ako. Kaya palalagpasin ko ang oras na ito. "Don't start, I'm begging."
Hindi iyon tunog pagmamakaawa kung hindi tunog nang-uuyam. Walang sino man ang makakaputol ng sungay ko. Not him nor my mother. No one.
"Matuto kang makinig, Janine," sabi ni Mama na naging dahilan para mainsulto ako.
Sinabi ko bang palalagpasin ko sila sa oras na ito dahil mabait at pagod talaga ako? Well, binabawi ko na.
I looked at my oh-so-irresponsible mother with my cold expression. Sabi ko naman huwag nila akong simulan dahil titiyakin kong mahihirapan silang tapusin.
"Look who's talking? Makinig? Bakit? Nakinig ka ba sa mga hinaing ko at hinanakit sa inyo ni Papa? Nakinig ka ba sa sama ng loob ko? Nakinig ka ba sa bawat tawag ng eskwelahan sa iyo dahil sangkot na naman ako sa gulo? Nakinig ka ba sa akin noon nang sinabi kong sunduin naman ninyo ako sa school! Ni minsan hindi ninyo ako nasundo o naihatid! Pero itong mga hindi mo kadugo ay sinundo mo! What am I to you, dear mother? A joke? A f*cking wind that's invisible!"
"Stop it..." mahinang saad ni Mama pero sapat na para mas ganahan akong manumbat sa lahat ng pagkukulang niya.
"Sinabi ko naman na huwag ninyo akong umpisahan," nang-uuyam kong sagot at hindi pinansin ang mga luhang tumakas sa mga mata ko. "Pinili ninyo ni Papa na maghiwalay at bumuo ng bagong pamilya. Wow! Hanep! Kung hindi naman pala kayo nag-work out ni Papa noon dapat tinapos na lang ninyo nang maaga! Hindi iyong napunta lahat sa akin ang sakit! Hindi iyong sinalo ko lahat ng kalat ninyo ni Papa! Bubuo kayo ng masaya at bagong pamilya? Nakakainsulto! Pinalaki ninyo ako sa lungkot at pag-iisa!"
Nagulat ako nang biglang umiyak si Mama. Pero hindi ibig sabihin niyon ay magpapaapekto ako. Never! Tutal nandito na rin naman, why not ibuhos ko na lang lahat?
"Wala namang kaso sana sa akin kung ayaw na ninyo ni Papa na makasama ang isa't isa. Tao lang din naman kayo at walang permanente sa mundo. Pero sana, kung sana lang ay pinakita ninyo sa akin na hindi ako isang pagkakamali. Kung sana lang ay pinaramdam ninyo sa akin ni Papa na mahal ninyo ako. Pero hindi! You never show your love and care! Yes, I am born with a golden spoon in my mouth pero mabibili ba ng pera ang pagmamahal na gusto kong maramdaman?"
Naninikip na ang dibdib ko. Hindi na rin maayos ang paghinga ko. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
"Kaya sino ka?" tanong ko at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mama at ng papa nila Jeishi. "Sino ka para umiyak? Wala kang karapatang umiyak na para bang ikaw ang biktima. Pa-victim yan?"
Narinig ko ang pagsinghap ni Jeishi. Kanina ko pa sila naramdaman sa likod ko.
"Tama na, Janine," kalmadong sambit ng papa nila Jeishi.
"Tell me how?" nang-aasar kong tanong habang pinapahid ang mga traydor kong luha. "Paano ninyo naaatim? Maybe Papa and Mama are always arguing, pero ang kwartong iyon ay kwarto nila. Hindi ba kayo nandidiri na ang kamang iyon ay minsang kama rin ni Papa?"
"Janine!"
May kung sinong humablot sa braso ko at nang harapin ko kung sino iyon ay salubong na mga kilay ang nasilayan ko.
"Stop it, already!" he shouted.
"What?" I asked expressionless not minding that I was hurting from his gripped on my arm. "Acting like a brother now?"
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pero mahigpit pa rin. I could see mixed emotions in his eyes. Honestly, I didn't care at all now. Kung kanina ay lumambot ang puso ko sa mga narinig mula sa kanya, hindi na ngayon. Inagaw ko mula sa pagkakahawak niya ang braso ko.
"Nagmistulang kontrabida ako, ah?" nakangisi kong saad. Sa sobrang inis ko ay hinagis ko sa kung saan ang throw blanket na kanina ko pa yakap-yakap. Tinapon ko rin sa kung saan ang tsinelas na suot. "Putang ina ninyong lahat!"
Hindi ko na hinintay pang may makasagot sa kanila at kaagad nang tumakbo papunta sa kwarto ko. Pabalibag kong sinara ang pinto nang makapasok na ako sa kwarto ko. Kaagad akong napasalampak sa sahig at doon na inilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo.
Siguro ay mga kalahating oras din akong nakaupo lang sa sahig habang naghahalo na ang sip-on at luha sa mukha ko. Tang ina talaga.
Walang pamilya. Ako iyon.
Walang kaibigan. Ako iyon.
May kaibigan pala ako, wala ring kwenta.
May pera ako. May sariling kotse. I could buy everything I wanted.
Saan ba makakabili ng pamilya? Saan ba makakabili ng pagmamahal? Saan ba makakabili ng pag-aaruga? Handa akong maging mahirap mabili lang lahat ng iyon.
Hinubad ko ang suot na cocktail dress at pinunas iyon sa mukha ko. Pagod na pagod na ang katawan ko para tumayo pa. Humiga ako sa sahig na tanging panty at bra lang ang suot sa katawan.
Hinimas ko ang braso kong hinawakan ng kuya ni Jeishi kanina. Kumikirot at mahapdi iyon. Pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.
Nakatihaya ako habang nakatingala sa kisame ng kwarto ko. Madilim at malamig. Gaya kanina sa ilalim ng punong iyon. Naalala ko ang mga sinabi niya kanina. Marami siyang sinabi pero iilan lang ang tumatak sa isipan ko.
"Gaya ng nararamdaman mo ngayon ay galit din ako noon," he said while looking at the vastness of the night sky. "Pero lahat ng galit ko ay nawala nang tulungan mo sa mga bully si Jeishi. Simula noon, ang galit ay napalitan ng paghanga."
Yeah, umamin siya. Nakakatawa, hindi ba? Parehas kami ng nararamdaman. Pero hindi ako umamin sa kanya. I would never do that. Lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Masyadong kumplikado at magulo.
"Bully ka, pero mga bully lang din ang inaaway mo." Tumawa siya nang bahagya at corny mang pakinggan pero ang sarap sa tainga ng tawa niya. "Lagi kang nakatambay rito noon. Na-curious ako sa buhay na mayroon ka. Kung bakit ang isang Maria Janine San Juan ay parang galit sa mundo."
For sure, ngayon ay alam niya na kung bakit. Pero tang ina lang talaga. Alam niya ang buo kong pangalan pero kahit initial ng pangalan niya ay hindi ko alam!
Sabi niya pa...
"Wala talaga akong balak na magpakita sa iyo noon. Wala ring alam si Jeishi noon tungkol sa relasyon ng mama mo at ni Papa. Kaya nilihim ko na lang lahat dahil alam kong balang araw ay aalis din kami ng bansa. Pero nag-alala ako nang makita kang duguan sa pathway. That was why I told you that I was disappointed. Disappointed ako dahil ang hinahangaan kong babae ay hindi man lang marunong magsabi ng thank you."
Pagkatapos niyon ay kinarga niya ako papunta sa kotse ko dahil nga nakapaa lang ako. It was indeed romantic. Pero hindi ko maramdaman ang kilig dahil sa mga huli niyang sinabi.
"Magiging isang pamilya na tayo. Kaya kakalimutan ko na lang na minsan ay nagkagusto ako sa isang brat na babae. I'm your big brother now, so call me kuya from now on."
That was ouch.