Chapter 5 - Genesis

1891 Words
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag-inat ako at isiniksik pa ang sarili ko sa loob ng comforter ko. Ilang minuto pa bago ako may napagtanto. Nanlalaki ang mga mata kong napabalikwas ng bangon. Kaagad kong sinipat ang sarili ko at napansing may suot na akong damit. Naalala ko pa ang lahat ng nangyari kahapon. Ibig sabihin ay hindi ako lasing kagabi. Oo nakainom ako pero hindi ako lasing. Naalala ko pa ang mga panunumbat ko kay Mama kagabi. Naalala ko pa ang mga sinabi ng kuya ni Jeishi. Higit sa lahat ay naalala kong sa sahig na ako nahiga at tanging bra at panty lang ang saplot ko sa katawan. "Tang ina! Sinong pumasok sa kwarto ko?" tanong ko sa sarili. Naalala kong ni-lock ang pinto ng kwarto ko kagabi. Sinong gumalaw ng duplicate ng susi ng kwarto ko? Imposibleng si Mama. Hindi talaga. Kung si Mama man ay hindi niya ako mabubuhat galing sa harap ng pinto hanggang dito sa kama ko. Imposible ring papa nila Jeishi. Aba, ang kapal niya naman? Imposible ring si Jeishi. Hindi niya rin ako mabubuhat. Ang kuya ni Jeishi kaya? Napakurap-kurap pa ako sa kaisipang iyon. Imposible... pero posible. Putang ina talaga! Kumalma ka Janine! Baka hindi naman siya at huwag kang mag-isip kaagad na siya. Halos mapatalon ako pababa ng kama ko nang biglang tumunog ang alarm clock ko. "Putris!" Sinong siraulo ang nag-set ng alarm clock ko! Ang aga-aga sira na ang araw ko! Hindi ako nagsi-set ng alarm dahil gigising ako hangga't kailan ko gusto! Hindi pa ako kumakalma ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "M-Miss Janine, M-Monday po at m-may klase raw po kayo." Huminga ako nang malalim at balak kong huwag na lang intindihin ang mga nangyayari. "Kalma ka lang self. Huwag mong sisigawan ang katulong at ba—" "Miss Janine, nakahanda na po ang agahan at—" "Layas!" Hindi yata para sa akin ang salitang kalmado. Kaagad ko naman narinig ang mabilis na pagtakbo ng katulong papalayo. Kung sino man ang may pasimuno ng lahat ng ito, humanda talaga siya! Bumalik ako sa paghiga at binalot ang sarili ko sa ilalim ng comforter ko. Wala akong pakialam kung Lunes ngayon! Papasok ako kapag gusto ko! Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Tama nga akong may gumalaw ng duplicate ng susi ng kwarto ko! Marahas akong bumangon at handa na sanang sigawan ang punyetang nang-iinis sa akin nang ganito kaaga! Pero... "Maligo ka na at may pasok ka pa." Paanong ang cool niyang tingnan? Tang ina mo Janine, umayos ka! Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Sino ka para pagsabihan ako?" Imbes na sagutin ako ay kaagad niyang tinanggal ang comforter sa akin at walang sabi-sabing binuhat ako. "Ahh!" Nagpumiglas ako pero wala yatang sinabi ang lakas ko sa lakas niya. Para akong sako ng gulay na basta niya na lang sinampay sa balikat niya. "Ibaba mo ako!" Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa makapasok kami sa banyo ko. Binuksan niya ang shower at ramdam kong dahan-dahan ang paggawa niyang paglapag sa akin sa sahig. Kaagad akong nabasa at walang pag-aalinlangan ko siyang sinabuyan ng tubig mula sa shower. Wala akong pakialam kung nakapagbihis na siya. Basta ang alam ko galit na galit ako sa kanya! "How dare you!" Nakaharap siya sa akin at hindi man lang natinag sa ginawa kong pagbasa sa kanya. "Act your age, young lady." Mahinahon lang ang pagkakasabi niya pero alam kong pinipigilan niya lang akong sigawan. "Talaga? Sinong lalaking nasa tamang edad na ang bigla na lang papasok sa kwarto ng isang babae at ngayon ay nasa banyo pa!" He looked around. Natigil ang mga mata niya sa panty kong nakapatong lang sa lababo. Tang ina! Hindi ba naglinis ang katulong kahapon! Basang-basa na ako pero pakiramdam ko ay nag-iinit ang buo kong mukha. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya. Nagtagal talaga ang mga mata niya sa panty ko bago dahan-dahang binalik ang tingin niya sa akin. "Hindi ka lang spoiled brat, burara ka rin." "Pakyu ka, mga bente..." Hindi ko alam kung bakit halos bulong ko na lang nasabi iyon. "You're twenty-four now, Maria Janine," sabi niya at pagkuyom ng palad ko na lang ang tangi kong nagawa. "Last year mo na rin sa college and for Pete's sake, umayos ka at nang hindi ka na bumalik ng isa pang taon." Bakit kapag sa kanya galing ay nakakahiyang pakinggan? Isa pa, bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Nasa ibang bansa siya at milya-milya ang layo namin sa isa't isa sa loob ng thirteen years! Pero bakit parang nakasubaybay siya sa buhay ko? Samantalang ako... Ni pangalan niya nga ay hindi ko alam! At never kong itatanong iyoon kahit kanino! "Maligo ka na at sabay tayong papasok sa school," mahina niyang saad saka umiwas ng tingin. "Gagawin ko ito araw-araw kapag hindi ka pa nagtino." Lumabas na kaagad siya ng banyo at isinara ang pinto nito. Ano raw? Sabay kaming papasok ng school? Ewan ko sa kanya! Siraulo! Nilalamig na ako. Maghuhubad na sana ako nang mapansing ang nipis pala ng suot kong damit. Kitang-kita ko ang naninigas kong nîpplê! Anak ka ng demonyo! Nagpapadyak na lang ako sa sobrang inis! Kaya pala siya umiwas ng tingin ay dahil nakita niya! Ang pakialamerong iyon! Minamanyak niya ba ako! Mabilis akong naligo at kaagad na lumabas ng kwarto. Nakita ko ang uniform ko na nakalatag sa kama ko. As if namang susuutin ko iyan! Babalik na sana ako sa dinaanan ko para sana pumunta sa walk in closet ko nang biglang may nagsalita sa labas ng kwarto ko. "Huwag mo nang balakin pang kumuha ng ibang damit. Suutin mo ang uniform mo." Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang suot kong tuwalya at buong-lakas na tinapon iyon sa pinto. "Nakakainis ka ng pakialamero ka!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas pinto. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay napaupo na lang ako at niyakap ang sarili. "Ahhh!" "Ohh shît!" Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto ko. Ang tanga ko talaga! Dapat tumakbo ako! Pero makikita niya ang pwet ko kapag ganoon! Tang ina talaga! "I-I'm sorry..." Hindi ko alam pero naiiyak ako. Anong kamalasan ba itong nangyayari sa akin? Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko bitbit ang pack bag ko. Hindi ko siya pinansin ang nagdire-diretsong naglakad papunta sa ground floor. Wala akong planong kumain at balak na sa school na lang mag-agahan. Tapos tatakas at hindi papasok. Hmmm, magandang plano! Parang biglang nabuhayan ang loob ko. Makakapag-alak na naman ako nito. "Where do you think you're going?" Nakalimutan kong nakasunod pala sa akin ang pakialamero. Hindi ko siya sinagot at nagtuluy-tuloy sa paglabas ng bahay. Kaso... "Nasaan ang kotse ko!" Wala akong pakialam kung umalingawngaw man ang boses ko sa buong mansyon. Inis kong hinarap ang lalaking simula pa kahapon ang pangingialam sa akin. Nagsisisi akong nagustuhan ko pa siya. "Nasaan ang kotse ko?" Pinilit ko pa ring maging kalmado at baka masampal ko ang demonyong ito! "Sabi ko naman sa iyo, sabay tayong papasok sa school," kalmado niya ring sagot. What? Mag-aaral siya ulit? Inirapan ko siya at kaagad na nagtungo sa kusina. "Saan ang kotse ko?" Nakatingin silang lahat sa akin pero nakatingin lang ako kay Mama. "Sabay kayong—" "Wala akong pakialam sa lalaking iyan! Ibalik mo ang kotse ko!" Wala na akong pakialam kung sumusobra na ako. Huwag kasi nila akong pakialaman at nang maging matiwasay ang buhay nila! "Okay," sagot ng kuya ni Jeishi. "Ibabalik namin ang kotse mo pero wala kang allowance." Kunot-noo ko siyang hinarap. "Sino ka ba para magdesisyon?" "It's about time you need to take everything seriously," dagdag niya pa. "It's up to you. Your car or your allowance?" "Ang kapal ng mukha mo!" Dinuro ko siya sa sobrang galit na nararamdaman ko. Nagulat ako nang tapikin niya ang kamay ko. "Genesis!" "Kuya!" Parang hindi ko maramdaman ang sakit nang marinig ko ang pangalan na tinawag sa kanya. Genesis... Tang ina! Nakalimutan kong galit pala ako! "Kagabi, you did this!" Pinakita ko ang brasong kong namumula pa dahil sa higpit ng paghawak niya sa akin kagabi. "Ngayon naman ay nasaktan mo ulit ako. Ano? Iyan ba ang papel mo!" Nakita kong natigilan siya. Hinarap ko ulit si Mama. "Sana masaya ka na lagi akong nahihirapan. Napapaisip tuloy ako kung anak mo ba talaga ako o kung gaano ka kawalang kwentang ina!" Umalis na ako na hindi sila nilingon pa. Punong-puno na ako ng hinanakit! Sa sobrang galit ko ay tinabig ko ang flower vase na nadaanan ko. Umalingawngaw ang ingay mula sa pagkabasag niyon. Sarap sunugin ng bahay na ito! Kaso halos semento na ito kaya huwag na lang! "Tang ina! Bakit ba ang layo ng gate sa bahay?" pagrereklamo ko at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nang biglang huminto ang isang kotse sa harapan ko at bumaba mula rito si Genesis. Punyeta ka Janine! Nagagawa mo pang kiligin matapos ng mga ginawa sa iyo ng lalaking iyan? Kaya naman ay hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. May sa tikbalang yata ang lalaking ito at naabutan ako. Hinaharangan niya ang dadaanan ko. "I'm sorry." "Pakialam ko sa sorry mo?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. "Para naman sa iyo itong ginagawa ko." Nagulat ako sa sinabi niya, in a negative way nga lang. "Makaasta ka parang kadugo kita, ah? Oo nga pala, magiging pamilya na pala tayo," pang-aasar ko pa. "Sumakay ka na sa kotse," sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko. "Oh? Bagong bili? Sinong bumili? Si Mama ba?" "Wala kang alam at mas mabuti nang wala kang alam. Sumakay ka na sa kotse," utos niya ulit sa akin. "Wala akong pakialam kung may alam man ako o wala," sagot ko sa kanya ay dahil isa akong dakilang pasaway ay may naisip akong kagagahan. "Gusto ko, sa iyo ako sasakay." Kumindat pa ako at nakita kong namula naman siya. In his dreams! Dahil nagtagumpay akong mawala siya sa sarili niya ay kaagad ko na siyang nilagpasan. Kaso mukhang nailagay ko yata sa peligro ang sarili ko. "Sige, sumakay ka sa akin. Tingnan natin kung gaano ka kagaling magmaneho." Hayop! Nilingon ko siya at nakitang nanghahamon ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Lumapit siya sa akin at hinarap ako ulit. "Gaano kalayo na ba ang narating ng pagpapasaway mo?" Hindi ko alam kung anong isasagot kaya nanatil na lang akong tahimik. Lumapit pa siya ng ilang hakbang. Naaamoy ko na ang gamit niyang mouthwash. Pati ba naman iyan Janine? Pambihira ka talaga! Nalaman mo lang ang pangalan niya ay para ka nang nawala sa sarili mo. Nabalik ako sa hwisyo nang magsalita siya ulit. "Sa sobrang layo ba ay nabigay mo na rin ang dignidad mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na masampal ko siya. "How dare you!" Mukhang natauhan siya sa sinabi niya. "I'm sorry." "Puro ka I'm sorry! Kainin mo iyang I'm sorry mo!" Iniwan ko na soya at hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko sa pagpatak. Bakit nagsabay-sabay naman yata ang lahat ngayon? Kailan ba ako magiging masaya? Kinuha na nga ang kotse ko, nainsulto pa ako. Putang inang buhay ito Janine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD