Chapter 6 - Professor

1732 Words
Kanina pa ako naiinis sa mga stupident na tumitingin sa akin. Alam kong maganda ako kaya sanay na sanay akong nasa akin lahat ng mga mata. Lalo na kapag bida na naman ako dahil gumawa ako ng gulo. Pero kakaiba ang tingin na binibigay nila sa akin. Para bang gulat na gulat sila sa akin. Nagsalamin naman ako kanina sa taxi na sinakyan ko at walang mali sa mukha ko. Hindi rin naman ako nagme-make up kaya hindi ko aalalahanin kung lumiko ba ang kilay ko o kung hindi ba pantay ang blush on ko. Kaya anong problema ng mga hangal na ito? Kaya ang ginawa ko ay sinamaan ko ng tingin ang mga nahuhuli kong nakatingin sa akin. Duhh! Sila lang ba marunong tumingin? "Wow?" Isa rin itong baguhang teacher na ito. Minsan niya na akong nadala sa school's disciplinary office kaya hindi ko na siya kayang barahin ngayon. "Good morning, Miss San Juan." Umiwas muna ako ng tingin bago umirap. Bawal daw umirap lalo na sa mga professor as a sign of respect kuno. Kaya umiwas ako ng tingin para hindi niya masabing siya ang inirapan ko. Respect? Binibigay ko lang iyan sa mga taong karapatdapat respetuhin. Mabait naman ako lalo na sa mga taong mabait din sa akin. Pero kapag ako inumpisahan, ilalabas ko talaga ang birth certificate ko na kapatid ko si satanas. Naalala ko pa kung paano niya ako binastos sa harap ng klase namin. Gumanti lang ako at sa sa school's disciplinary office ang bagsak ko. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya o sa kahit na sino. Basta huwag lang akong guluhin at baka hindi ko matantya ang pasensya ko. "Unang beses yata itong nakita kitang suot ang course uniform mo," dagdag niya pa. Lhara Santanas, este Lhara Santos. Una siyang naging guro sa isang public school bago lumipat dito sa university. Single pa rin sa edad na twenty-nine at nasa middle-class family. Yeah, nag-background check ako sa kanya sa sobrang galit ko sa kanya. On thing that made me more interested about her was that she attended her high school years at our school. Plano ko noon na hagilapin ang records niya sa school namin pero nakalimutan ko lang. Bukod doon ay wala na akong alam tungkol sa kanya. Ahh, oo nga pala. Isa rin siyang dakilang pakialamera sa buhay ko. Bagay sila ni Genesis! Bigla akong natigilan sa huli kong naisip. Hindi! Hindi sila bagay! Erase! Erase! "Pinasuot ko sa kanya." Sabay naming nilingo ang biglang sumingit sa usapan namin. "Oh, Gene! Welcome back!" bulalas ni Lhara Santanas at siya pa mismo nag-initiate na magbeso-beso. Eww. Desperada yern? Teka, wait, sandali! Magkakilala sila? Ahh, baka dahil classmate sila noon sa school namin? Pakialam ko ba? Ang sakit nila sa mata. Pero bakit parang kumikirot ang puso ko? Nakangiti si Genesis habang nakatingin kay Lhara. Parang biglang nag-mute ang buong paligid at tanging kabog lang ng puso ko ang naririnig ko. Umiwas ako ng tingin nang nabaling sa akin ang tingin ni Genesis. Why would I feel this kind of pain? Oo, inamin ko sa sarili ko noon pa na may gusto ako sa kanya. Pero hanggang doon lang iyon at noon pa iyon. Wala lang ito sa akin ngayon. Peor tang ina talaga. Bakit parang kinukumbinsi ko ang sarili ko pero alam ko namang hindi totoo na wala lang sa akin ito ngayon? Malala na ako. Hindi ito pwede. Kailangan ko na yatang maghanap ng boyfriend. Oo, good idea iyon. Lihim na lang akong napamura nang maalala kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend. Hindi dahil sa walang nagbalak. Maraming nakapila, fyi! Hindi ako nag-entertain kasi umaasa akong magkikita kami ng pakialamerong ito! Oo nga at nagkita kami! Pero hindi naman kami pwede kahit pa sabihin nating umamin siya. Pero siya rin mismo ang nagsabi na kakalimutan niya na lang na minsan ay nagkagusto siya sa akin. Ibig sabihin niyon ay wala na siyang nararamdaman sa akin ngayon. Pinatagpo pero hindi itinadhana. Tsk. Dati nababaduyan talaga ako sa linyang iyan. Pero ngayon danas ko na. Kaya ang masasabi ko lang ay pakyu, mga sampung milyon! "So, kaialan ang kasal ng papa mo at ng mama ni Miss San Juan?" tanong ni Lhara Santanas at saka inilipat ang tingin sa akin. It was just a simple gesture of lookin at someone in a normal way. Pero nakakairita lang! Wait, paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? All this time ba ay may alam siya? Hindi ko maalalang may kaibigan ang pamilya namin na Santos. Mas lalong wala kaming kamag-anak na Santos! Meaning, magkaibigan talaga silang dalawa? Gaano kalalim ba ang pagkakaibigan na iyon at pati pribadong impormasyon ay alam ng babaeng ito? Mas lalo tuloy akong nasasaktan. "Hindi pa napag-uusapan nina Daddy at Tita Victoria ang eksaktong petsa," sagot naman ni Genesis habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "But I am sure it will be this year." "Woah? Excited for the both of them!" Lhara exclaimed like she didn't knew I was listening. "Akalain mo iyon? First love never dies ang ending!" Ano raw? First love ni Mama ang papa nina Jeishi at Genesis? Bakit ang dami yatang alam ng santanas na ito? Pakiramdam ko tuloy ako iyong walang kaalam-alam. The relationship between me and my mother was not that deep. Iyon bang mama ko lang siya dahil ipinanganak niya ako. No feelings involved kumbaga. Hindi kami close kaya wala kaming napag-uusapang mga personal na bagay. Paano? Bata pa lang ako ay hindi ko naman naramdaman na nanay ko siya. She was there physically, but emotionally? Nope. Never. Kahit si Papa ay ganoon din. Hindi kami matatawag na pamilya talaga. Kaya hindi ko dapat sinisisi ang sarili ko nang ganito. Hindi ko kasalanan kung wala naman akong alam. Pero... Bakit ako nasasaktan? Tang ina! Nagiging oa na ako! "Yeah," tipid na sagot ni Genesis. Malamang alam niyang nakikinig ako. "Pupunta na ako sa faculty lounge para maayos ko na ang mga gamit ko." Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Tama ba ang hinala ko? "Ang sipag naman kasi," saad pa ni santanas. "Kararating lang, magtuturo na kaagad." Oh come on, mamon! Kaya pala sinabi niyang sabay na kaming papasok sa school kasi professor na siya rito! Bakit ko lang naipagdasal na sana hindi ko siya maging guro! "I'll go ahead, then." Akala ko ay aalis na siya pero hinila niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Binitiwan niya rin naman kaagad ang kamay ko dahil sa mga atensyong nakukuha namin. "From now on, I'll monitor your every action, your grade, and your absences," saad niya habang diretso ang tingin sa nilalakaran namin. "Last year mo na kaya more on actual classes kayo." As if namang hindi ko alam iyon, duhh! Umirap ako dahil alam kong hindi niya naman nakita. "Kailangan mo nang magseryoso, Janine," sabi niya pa na aakalain mong nakatatandang kapatid ko nga talaga siya. "Someday, maiintindihan mo rin ang lahat." Nandiyan na naman siya sa linyahang 'wala kang alam'. Tsk. Pakialam ko ba? Sa kung anong alam ko, iyon na yun! Hindi ko alam kung saan na kami basta ang alam ko lang ay sumusunod ako sa kanya. Salita naman siya nang salita. Magmumukha siyang tanga kapag walang nakikinig. Ako na mag-a-adjust. "I'm sorry about your hand. Hindi ko alam na nahigpitan ko ang pagkakahawak sa iyo kahapon. At iyong kanina, hindi ko sinasadya," dagdag niya pa. Puro na lang sorry. Wala ba siyang ibang alam na linya? "At about sa pagpasok ko kaninang umaga, I-I'm..." Parang biglang lumayas ang kaluluwa ko sa katawan ko at pakiramdam ko ay iniihaw ako sa sobrang init na nararamdaman ko. Nakagat ko na lang ang labi ko habang nakatingin lang sa likod niya. Bakit kailangan pang banggitin iyon? "M-Mabuti na lang at mahaba ang buhok mo k-kaya wala a-akong nakita," dagdag niya pa at napahinga naman ako nang maluwag. "And about last night," saad niya ulit. "I sneaked inside your room. Naka-undies ka naman kaya wala pa rin akong nakita." Hays salamat kung ganoon na— "What!" Wala sa sarili kong naibulalas. "You sneaked— Natigil ako sa pagsasalita nang makitang naging malikot ang mga mata niya. Kaya ginaya ko naman siya at napansing nasa loob kami ng cafeteria. Nakatingin ang lahat sa akin. Shutaness to the highest level! Tumikhim si Genesis at hinarap ang tindera sa loob ng counter. "Isang breakfast meal para sa kapatid ko." Alam kong sinadya niyang lakasang ang boses niya. Mukhang effective naman dahil nagsibalikan na silang lahat sa kanya-kanyang ginagawa. "Oh, may kapatid pala ang brat na iyan?" "Sa pagkakaalam ko, bagong prof iyan at hindi sila talaga magkapatid." "So, ano sila?" "Tao malamang!" "Umayos ka kasi!" "Narinig ko lang sa isang chismis na step-siblings sila." "Oh, talaga?" "Para silang magsyota tingnan." Nakatalikod ako sa mga echoserang palaka kaya hindi nila nakikita na umuusok na ang ilong ko sa galit. Ang bilis naman ng chismis? Nabalik ako sa hwisyo nang biglang binigay ni Genesis ang tray na may lamang pagkain. Wala akong nagawa kung hindi ang kunin iyon. Akala ko ay basta niya na lang akong iiwan dahil tinalikuran niya na ako. Pero hinarap niya ang tatlong palaka na harap-harapan kaming pinag-uusapan. "Hi students, I'm Prof Genesis at step-sister ko si Maria Janine San Juan." Kailangan talagang kumpleto iyong pangalan ko? Natahimik naman ang tatlong palaka at napansin kong nasa kay Genesis na ang atensyon ng lahat. "It's not appropriate to talk about the lives of others, lalo na sa harapan namin mismo," dagdag pa ni Genesis. "Wala kayong alam sa buhay namin. Kaya kung may gusto kayong malaman, why not ask me directly? Kaysa naman makapulot kayo ng hindi tamang balita. Remember, students kayo. Hindi mga marites sa kanto." Muntik na akong mapahalakhak sa mga huling sinabi ni Genesis. Nilingon niya ako at sumenyas na aalis na. Tumango lang ako habang pinipigilan pa ring matawa. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay saka ko nilapitan ang tatlong palaka. I gave them my signature look, never look away, never back down. "In case you didn't know, that's my brother." Inirapan ko sila at nakita ko namang napasimangot sila. "Bago ninyo ako pag-usapan, make sure hindi drawing iyang mga pagmumukha ninyo!" At napuno ng tawanan ang buong cafeteria. Pero... Sinabi ko ba talagang ang mga salitang 'that's my brother'? Sinabi niya rin bang kapatid niya ako? Isa na namang ouch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD