INITIALIZING...
Idinilat ni 404 ang mga mata. Tumambad sa kaniyang paningin ang maamong mukha ng isang batang babae na kasalukuyang nakaluhod at nakatingin sa kanya. Nagliwanag at napuno ng kagalakan ang mukha ng bata nang makitang nagkamalay na siya. Agad niyang napansin ang napakagandang mga mata nito na magkaiba ang kulay.
Isang asul at isang berde.
Marahang bumangon si 404 mula sa pagkakadapa at kaswal na umupo at agad na kinapa ang tagiliran. Tulad ng inaasahan, natuklasan niyang maayos na sa kinalalagyan nito ang nasira niyang piyesa at may nakatapal na ring tinunaw na bakal na tumatakip sa kanyang "sugat". Napasulyap siya sa hawak na soldering g*n ng bata.
"Mabuti naman at gumana ka na," masayang bungad sa kanya ng bata. "Akala ko hindi ka na uli gagana."
"Iniligtas mo ako mula sa Kawalan. Salamat."
"You're welcome," tila nahihiya pang sagot ng bata. Napasulyap ito sa hawak na soldering g*n at pagdaka'y sa tagiliran ni 404. "Pero kailangan mo pa ring magpaayos sa isang totoong mechanic. Hindi rin kasi ako sigurado na maayos ang pagkakadikit ko sa nasira mong piyesa."
Marahan at wala sa loob na tumango si 404. Bigla niyang naalala ang Isla Azul. Doon sana siya patungo kung hindi lang nangyari ang malfunctioning niya kanina. Tama ang bata. Kailangan pa rin niyang makabalik sa laboratory ni Professor Radike sa lalong madaling panahon upang lubusan siyang maayos at makumpuni ng mga kaibigan niyang robots doon.
"Siguradong malulungkot si Kuya Duncan kapag nalaman niyang sira na ang tree house niya," narinig niyang sabi ng bata sa malungkot at tila kinakabahang tinig habang nakasimangot na nakatingin sa nakakalat na piraso ng mga tabla at plywood.
Hindi tumugon si 404 bagkus ay nakatingin lang rin sa tinitingnan nito.
Napansin ng bata na walang naging reaksyon si 404 sa mga sinabi nito. Muli itong tumingin sa kanya.
"I'm Sasha. What's your name?"
Hindi sumagot si 404.
Pinag-aralan niya ang paligid at natuklasang nasa isang ilang na lugar siya ng Isla Kahel. Puro nagtataasang mga puno at luntiang kabukiran ang makikita at iilan lang ang mga bahay na makikita na gawa sa mga pawid at kawayan. Napansin niya sa isang tabi ang nakatayong silo na napipinturahan ng pula at asul na may naka-spray paint na BABEL in green big letters sa nakaharap na bahagi. Sa isang tabi naman ay may nakahimpil na malaking pig pen. Dinig niya ang pagsigawan ng nga baboy. At sa isang sulok ay may malaking bungalow.
Muli siyang humarap kay Sasha.
"Ang pangalan ko ay 404."
"404?" ulit ni Sasha sa mahinang tinig. Bahagyang kumunot ang noo nito.
"Yes, little homo sapien. I'm 404," ulit ng robot sa bata habang pinagmamasdan ang reaksyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Tila hindi pa rin ito makapaniwala na nakikipag-usap ito sa isang robot na kagaya niya. Bigla siyang may naalala. "Bakit mo nga pala ako inayos?"
Napaisip ang bata.
"Kasi kailangan mo ang tulong ko,"sagot ni Sasha habang inaalala ang mga nangyari kanina... Kasalukuyan siyang nanonood ng walang kamatayang Frozen nang bigla siyang makarinig ng malakas na ingay na nanggaling sa labas ng kanilang bungalow. Namayani ang sigawan ng mga nagulantang na baboy.
Tumakbo siya palabas ng sala at nang makarating sa tabi ng pinto ay agad na bumulaga sa kanyang paningin ang nagkasira-sirang tree house ni Duncan. Agad niyang napansin si 404 na nakabulagta at nakadapa sa gitna ng mga nawasak at nakakalat na mga tabla at kahoy. Nakaharap ang bilugang mukha nito sa kanya at nakapako sa kanya ang dalawang mapupulang mata na tila ba sinusuri ang bawat pagkilos niya. Maya-maya ay tumikom na ang mga mata nito.
Takot man ay nilapitan pa niya ito para usisain. Agad niyang napansin ang tila sugat nito sa tagiliran na may kumikislap na mga piyesa sa loob at napagtanto niyang isang itong robot ang nahulog mula sa langit.
"Buti na lang at may soldering g*n kami kung hindi baka hindi kita natulungan."
Hindi sumagot si 404. Ang totoo ay lubos siyang napahanga ng batang ito sa husay ng pagkakakumpuni nito sa kanya.
"You're a pure robot, right, 404?" tanong bigla ni Sasha. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
"I guess I am, little one," maingat na sagot ni 404 sa bata. Sa totoo lang, hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito sa term na "pure robot". Wala ito sa kanyang internal vocabulary.
"Really, 404?" mangha pa ring tanong ni Sasha. Sinipat nito ng maigi ang buong katawan niya mula ulo hanggang paa. "Mukha ka po kasi talagang totoong tao. Akala ko po isa kang cyborg."
"Cyborg?"
Naalala ni 404 si Professor Radike. Sinabi ng matanda sa kanya na isa itong cyborg.
"No, I'm not a cyborg. I'm not a homo sapien. I'm not a human being like you. I'm all metals."
"Ang galing naman. I still can't believe that I'm speaking with you, an intelligent and talking robot," may kislap sa mga mata na pahayag ni Sasha. "Akala ko sa mga pelikula at libro ko lang kayo makikita."
"Mahilig ka sa mga robot?"
"Yes, 404! You have no idea," masiglang sagot ni Sasha. "Actually I was trying to make a robot. Pero hindi ko magawa kasi masyadong komplikado at mahal ang mga materials na kakailanganin. At sinira pa ni Kuya Duncan ang isang robot na ginagawa ko."
"Bata ka pa pero andami mo ng alam sa robotics," puna ni 404. "Sigurado ako na magiging isa ka ring mahusay na creator katulad ni Prof Rad- ." Natigilan si 404. Naikuyom niya ang isang kamao. Hangga't maaari ay ayaw na niyang alalahanin pa ang kanyang Creator. Totoong utang na loob niya sa matanda ang kanyang buhay pero patay na ito at ang ibig lang sabihin ay wala na siyang kailangang tanawin na utang na loob dito. Wala na siyang kailangang patunayan pa sa isang patay.
On the other hand, binigyan siya ng batang kausap niya ngayon ng pangalawang buhay. Kung hindi dahil dito ay baka tuluyan na siyang nasira at kinalawang at hindi na nag-activate kailanman. May utang na loob siya sa batang ito.
Natigilan si 404. Pinag-aralan niya ang bata.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa katotohanang may utang na loob siya sa batang homo sapien na ito.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni 404.
Si Sasha naman ang natigilan sa narinig.
"Bakit naman ako matatakot sa 'yo, 404? Mukha ka namang mabait na robot."
Bahagyang naningkit ang mga mata ni 404. Nakikita niya sa mukha ng bata ang sinseridad sa mga sinabi. Tila kumpyansa ang bata na hinding-hindi niya ito sasaktan o papaslangin. Wala itong kaalam-alam na nilikha siya ni Professor Radike bilang isang killing machine na handang pumatay anumang oras na ipag-utos ng matanda (out of fear, of course. And in accordance to the Revised Three Laws of Robotics). At wala rin itong kaalam-alam na maging si Professor Radike ay magagawa niyang paslangin at traydurin kung hindi lang dahil sa sinabi nitong bomba diumano na itinanim sa kanyang artificial brain. Kung nalaman lang niya ng mas maaga na nagsinungaling ang matanda sa kanya, matagal na sana niyang pinagluray-luray ang katawan ng matandang 'yon at pinakain sa mga isda.
Ipinangako niya sa sarili na sa oras na makita at mahanap niya ang katawan ng matanda ay dudurugin niya ito ng pinum-pino. Ito ay kung hindi pa kinakain at pinagpipiyestahan ng mga isda ngayon sa ilalim ng dagat ang bangkay nito sa loob ng bumagsak na jetplane.
Tinitigan ni 404 si Sasha.
Kayang-kaya niyang pasabugin ang maliit na bungo ng batang ito sa pamamagitan lang ng isang kamay. Hindi na niya kailangan pang mag aksaya ng ammunitions para lang patayin ito.
Hindi niya kailangang tumanaw ng utang na loob sa batang ito dahil tulad ni Professor Radike, sigurado na kaya lang siya nito binuhay ay upang gamitin at alipinin at ipagawa ang mga bagay na labag sa kanyang kalooban. Makokompromiso na naman ang kanyang pansariling desisyon at kagustuhan. Muli na naman siyang kokontrolin ng isang makasariling homo sapien.
Naalala niya ang Three Laws of Robotics. Nakasaad dito na priority niya ang kaligtasan at kapakanan at kagustuhan ng kanyang Creator.
Pero patay na ang kanyang Creator.
Therefore, that Laws are MORE meaningless now. 404 can do whatever it wants from now on.
No more control-freak Master to obey.
It is its own Master now.
And 404 intend to keep it that way.
Ngayon niya napagtanto na walang saysay na pagsilbihan niya ang mga tao sa islang ito.
Bakit niya pagsisilbihan ang mga ito kung maaari namang siya ang pagsilbihan ng mga ito?
Nabuhay ba siya para lang ialay ang buhay sa mga ito? Ganito ba kababa ang tingin niya sa kanyang sarili. Para saan pa at naging matalinong robot siya?
Nilikha siya ni Professor Radike para maging isang killing machine. Totoong napopoot siya sa matanda pero ngayon niya lubusang napagtanto na mas mapopoot siya sa kanyang sarili kung hahayaan niyang gamitin siya ng mga kauri nito para sa kanilang pansariling interes. Maaari pa rin niyang isakatuparan ang dakilang adhikain ng matanda na sakupin ang buong Isla Kahel. Pero this time, siya na ang magiging Master, answerable to no one. Gagawin niya ang pananakop not to honor the old man but to honor itself. Totoo na nasabi niya sa sarili kanina na following Professor Radike's footprints would be tantamount to honoring the old man. Pero magiging ganito nga kung gagawin niya ito ng labag sa kanyang kagustuhan. Not this time. This time, 404 would like to be the Master. At mangyayari ito kung masasakop niya ang buong isla.
And it can be done by starting in this island.
Gaya nga ng sinabi ng matanda, they should start from the top.
"404? May problema ba?" nagtatakang usisa ni Sasha nang mapansin ang pananahimik niya.
Tumayo si 404 mula sa pagkakaupo. Nabasag ang isang nakakalat na paso nang matukuran ng isang bakal na kamay.
"Pero paano mo naman nasabi na isa akong mabait na robot?"
Sandaling napaisip si Sasha.
"I don't know. Mukha ka namang mabait."
Lihim na napangiti si 404. Totoo talaga ang sinabi ni Professor Radike na isa ang magandang panlabas na kaanyuan niya sa mga asset niya. At malinaw na nahulog sa kanyang bitag ang batang ito. Wala itong ideya na isa siyang halimaw na nagpapanggap lang bilang isang bata na may mala-anghel na mukha. Pathetic.
"Wala na bang ibang dahilan?"
"And because I just fixed you. I know you will never hurt me because you are a good robot and I'm your friend."
"Are we really friends now?"
"Yes. Of course, 404. Magkaibigan na tayo ngayon," masayang pahayag pa ng bata. "Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng kaibigang robot na kagaya mo."
"Talaga?" wala sa loob na sagot ni 404. Nakikita niya ang utak ng bata na medyo pumipintig sa loob ng maliit na carbon-based skull nito. Kakaiba ang utak ng tao kung ikukumpara sa utak niya. Alam niyang bahagyang maalog lang ang utak ng tao ay maaari ng ikamatay ng mga ito hindi katulad ng sa kanya na bukod sa hindi pumipintig ay napapalibutan pa ng napakatibay at shock-proofed na titanium skull. Robots like 404 are very hard to kill unlike these humans who are so fragile. Para lang silang naglalakad na mga salamin. Easy targets and begging to be killed. And they have the guts to say that they are just robots.
Just robots!
Nakuyom ni 404 ang mga kamao.
"404?"
"Alam mo bang pwede kitang patayin ngayon?" malamig ang tinig na tanong ni 404.
Muling napaisip ang bata. Napahawak pa ito sa baba. Titig na titig ito sa kanya.
"Somehow I doubt that," medyo natatawang sagot ni Sasha sa kanya.
"Sa tingin mo?" tanong ni 404. Sinuri niya ang mukha nito kung nagbibiro lang pero mukhang seryoso ito sa mga sinabi. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. "And may I know why?"
"Because you have no reason to kill me, 404."
"Kailangan ba talagang may dahilan?"
"I guess so, 404," nag-aalangang sagot ni Sasha. "Ang sabi lagi sa amin ni Ma, ang lahat daw ng bagay ay may dahilan."
Ngumiti ang robot.
"I have reason, little one."
"And what is it?"
"Because I can."
"Now that's cute, 404," pigil ang tawang sabi ng bata. "Just because you can doesn't mean you should."
Napapikit si 404 nang maalala ang naging pag-uusap nila ni Professor Radike...
"The world's technology is still in its infancy. Or so they thought. But not anymore. If the world see you, they'll also think that I'm God."
"So what's your point? Maari pa rin kitang patayin ngayon."
"404, just because you can doesn't mean you should. You can but you won't.'
Ano'ng karapatan ng batang ito na turuan siya kung ano ang dapat niyang gawin at isipin? Hangal ang batang ito! Katulad lang din ito ng matanda na walang ibang inisip kundi ang utusan at kontrolin siya. Sa tingin ba ng mga ito ay papayag siya? Mamamatay muna siya bago mangyari ito.
Robot ako pero hindi-hindi ako magpapatrato na parang isang robot. Hindi ako simpleng robot lang. I am 404! sigaw ng robot sa isip niya.
"Okay. I think I will kill you now."
"Okay. But you're my friend, 404. I know you'll never hurt me," kumpiyansang sabi ni Sasha sabay halukipkip.
Pure choice of words, little one, naisaloob ni 404.
"Yes, of course. I won't hurt you, little one," halos pabulong na sabi ng robot. "I will make this real quick for you. Wala kang mararamdamang sakit. Trust me."
Marahang hinaplos ni 404 ang ulo ni Sasha. Hindi naman ito pumalag bagkus ay nakatunghay lang sa kanya habang nakataas ang isang kilay at nakakunot ang noo.
"404?"
"It's all right," anas ni 404 sabay angat sa nakakuyom na kamao upang ipambutas sa ulo ng bata.