Napangiti si Sasha at nagliwanag ang mukha nang makita ang nakataas na kamay ni 404. "Nakuha" agad nito ang ibig mangyari ng robot.
Nagulat si 404 nang bigla ilahad ni Sasha ang isang nakakuyom na kamay. Abot hanggang tainga ang ngiti nito habang nakatingala sa kanya.
"I knew it! Gusto mong makipaglaro ng jackenpoy sa akin," natatawang pahayag ng bata. Nagtaas pa ito ng kilay. "I hope hindi ka katulad ni Kuya Duncan na madaya." Napaisip ito nang makita na tila nagulumihanan ang robot sa mga sinabi niya. "Oopps! I'm sorry, 404. I take it back. I don't think that you're a cheater. You know better than him. You're a good and an intelligent robot."
Natigilan si 404. Medyo lumuwag ang pagkakakuyom niya sa nakaangat na kamao.
This little girl! Buo talaga ang tiwala nito sa kanya. Wala itong kaalam-alam na papaslangin na niya ito. Kung hindi lang ito nagsalita ay malamang na nabiyak na niya ang ulo nito.
Muli niyang tinitigan ang mukha ng bata. Napakainosente nito at tila walang bahid ng anumang masama at makasariling hangarin sa ginawa nitong pag-revive sa kanya. Mukhang bukal naman sa puso nito ang ginawang pagtulong. Hindi niya maintindihan pero ngayong nahawakan na niya ito at nakausap nang matagal, parang may nagsasabi sa kanya na hindi tama ang balak niyang pagpaslang dito. Hindi niya ito dapat patayin. Wala itong kalaban-laban sa kanya at higit sa lahat, wala itong ginawang kasalanan sa kanya kundi ang iligtas siya sa Kawalan at bigyan siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang buhay. Maaari naman niyang itong takasan ng hindi ito pinapaslang. Sa tingin niya, sapat ng kabayaran sa bata ang hayaan itong mabuhay pa bilang pagtanaw ng malaking utang na loob dito.
"Hey, you're not playing, 404," medyo nakasimangot na turan ni Sasha nang mapansing hindi na gumalaw sa kinatatayuan nito ang robot at nakatingin lang sa kanya.
Unti-unting binaba ni 404 ang nakakuyom na kamay at tinanggal na rin ang isa pang kamay na nakapatong sa ulo ng bata. Wala siyang balak makipaglaro rito. Sa totoo lang, hindi rin naman niya batid kung anong laro ang tinutukoy nito. Wala siyang ideya.
Wala sa internal vocabulary niya ang salitang jackenpoy.
"Nasaan ang mga kasama mo?" naitanong na lang niya sa bata.
"Wala sila. Ako lang mag-isa dito sa bahay namin," sagot ni Sasha na bahagyang nakanguso dahil ang buong akala niya ay makikipaglaro ito sa kanya. "Nagtitinda ng mga gulay si Ma sa palengke. Si Kuya Duncan naman ay nasa computer shop. Hindi ako pumasok kasi nilagnat ako kanina. Pero ngayon, okay na 'ko."
"Ikaw lang mag-isa rito? Hindi ka ba natatakot na baka bigla na lang may pumasok sa loob ng bahay niyo at may gawing hindi maganda sa iyo?" tanong ni 404. "Bakit hinayaan ka nilang mag-isa?"
"Wala naman sigurong gagawa nun dito, 404," ani Sasha.
You have no idea, naisaloob ni 404.
"Mababait ang mga tao rito. Si Kuya Duncan lang ang salbahe dahil palagi niya akong inaaway."
"Kapatid mo ba ang Kuya Duncan na 'yon?"
Tumango si Sasha.
"And besides, you're here with me now, 404," masayang sabi ni Sasha sabay hawak sa isang kamay niya na labis na kinabigla ng robot. "I know you won't let anything bad happen to me. I know you will protect me no matter what."
"Right," nag-aalangang sagot ng robot.
"Thanks, 404!" nakangiting bulalas pa ng bata sabay yakap sa bewang niya na lalong kinagulat ni 404. Ewan niya pero natutuwa siya sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng batang ito. Lalo na ng yakapin siya nito na tila ba masaya ito at nandito siya at sa halip na matakot sa kanya ay buo pa ang tiwala sa kakayahan niyang ipagtanggol at protektahan ito sa kahit na ano o kanino man. Ibang- iba si Sasha kung ikukumpara kay Professor Radike na kung tratuhin siya ay alipin lang talaga at special weapon. The old man demands 404's protection. This little child asks for it.
Walang argumentum ad baculum na nangyayari. No threat. No appeal to guilt.
Just simple trust that 404 will not let anything bad happen to her.
Hindi maintindihan ni 404 pero pakiramdam niya ay tumaas ang kanyang self-worth at self-esteem.
Habang yakap siya ng bata ay hinaplos niya ang ulo nito. Marahan at buong pag-iingat. Ayaw niyang masaktan ito. Kung hindi siya mag-iingat sa bawat kilos niya, malaki ang posibilidad na mabasag niya ang bungo nito. Dinig na dinig niya ang pagpintig ng puso ng bata maging ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat nito patungong utak. Nagmistulang musika ang mga ito sa kanyang pandinig. Isang katibayan na isang humihinga at buhay na homo sapien ang kaharap niya ngayon at kinakausap siya nang may pagpapahalaga. Sa unang pagkakataon ay may isang tao na nagpahalaga sa kanya kahit isa lang siyang robot.
"Sino ka?! At anong ginagawa mo Kay Sasha?!"
Sabay na napalingon sina 404 at Sasha sa pinanggalingan ng tinig.
"Kuya Duncan!" bulalas ng bata. Nakita nito ang pagtataka at pagtatanong sa mukha ng nakatatandang kapatid habang nakatitig nang masama kay 404.
Hindi sumagot si 404 at nanatili lang na nakatingin sa batang lalaki na kapatid ni Sasha. Ito pala ang tinutukoy ng bata na palaging umaaway dito. At tanda niya ang mukha nito. Isa ito sa mga kabataang nasa loob ng dambuhalang sasakyan kanina sa dalampasigan. Hindi siya pwedeng magkamali.
"Hoy, kalbong n***o! Tinatanong kita. Sumagot ka!" muling sigaw ni Duncan habang marahang bumababa sa sinasakyang bisikleta. "Bingi ka ba o pipi?"
Nanatili lang sa pagkakatitig dito si 404.
Nakita ni Sasha na masama ang tingin ni 404 kay Duncan.
"It's okay, 404. Si Kuya Duncan lang 'yan. Kapatid ko siya."
"Lang? Anong lang? At teka... 404?" maang na sambit ni Duncan. Naningkit ang mga mata niya at kumunot ang noo. "Anong klaseng pangalan naman yang 404? Ampangit. Walang kwenta."
"Kuya Duncan. It's okay. Mabait si 404. Hindi niya 'ko sinasaktan. Huwag ka pong mag-alala sa akin."
Lalong kumunot ang noo ni Duncan. Tumingin siya ng may pagtataka kay Sasha.
"At sino namang nagsabi na nag-aalala ako para sa iyo?"
"K-Kuya Duncan," anas ni Sasha na halatang nagulat sa sinabi ng kapatid.
Maging si 404 ay nabigla sa hindi inaasahang sasabihin ni Duncan.
"Ang akala ko nag-aalala ka para sa akin." Nakasimangot na ang mukha ng bata na tila ba anumang oras ay maiiyak na ito. Panay ang singhot nito.
"Maraming namamatay sa maling akala. Masyado ka kasing assuming. It's your fault. Blame yourself," ismid ni Duncan. Muling itong tumingin kay 404 at sinuri ito mula paa hanggang ulo. Napailing ito. "What the f**k? Ambata-bata mo pa pero nakikipaglandian ka na sa kalbong n***o na ito? What's wrong with you, my cute little sister?"
"I don't even know what you're saying!" mangiyak-ngiyak na sambit ng bata. "Pero kung ano man 'yang ibig mong sabihin, hindi 'yan totoo."
"Really? So bakit nakahubad-baro yang negrong 'yan at ikaw naman ay parang lintang nakakapit sa kanya kanina? Oh, c'mon, my cute little sister, huling-huli ko kayo sa akto. Hindi n'yo ako malolokong dalawa," nang-uuyam na pahayag ni Duncan. Bahagyang nagliwanag ang nakalukot na mukha nito nang may naisip. "Wait until I tell Ma about this." Tumingin itong muli kay 404. "As for you, n****r. Kung gusto mo talaga ang bubwit na 'yan, then go. Kunin mo na at huwag mo ng ibabalik dito kahit kailan. Sa iyo na siya."
"N-Nagbibiro ka lang, right, Kuya Duncan?" tanong ni Sasha na nangingilid ang luha. "Tell me you're just kidding."
"Mukha ba akong nagbibiro?" taas ang isang kilay na tanong ni Duncan sabay ngisi.
Kumunot ang noo ni 404 sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo ni Duncan kay Sasha. Tama nga ang description ng bata rito. Salbahe ang Duncan na ito.
Nakuyom ni 404 ang mga kamao.
Napaiyak naman sa tabi niya si Sasha na tila natakot sa mga sinabi ng kapatid. Nakaramdam ng matinding lungkot si 404 nang makita ang lungkot sa mukha ng bata.
Napangisi si Duncan nang makita ang pag-iyak ni Sasha.
"Cry-baby,"angil pa ni Duncan sabay titig muli kay 404. Napansin niya ang gula-gulanit na camouflage short na suot ng robot at ang tila mga hiwa at guhit sa kulay uling na katawan nito. May nakausling pang mga mahahabang bagay sa makintab na bumbunan nito na tila mga sanga at tuyong dahon.
Napangisi si Duncan. Mukhang nahulog ang negrong bata na ito mula sa langit at tumama sa bawat sanga ng punong pinagbagsakan nito.
Biglang natigilan si Duncan. Naglaho ang kanyang ngiti. Iginala niya ang paningin.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing sira na ang kanyang tree house. Nakakalat sa likod ng robot ang mga piraso ng mga tabla at kahoy. Nanlisik ang mga mata niya at mabalasik na pinandilatan si 404.
"Y-You did this?!"
Kaswal na tumango si 404.
"How could you?!" galit na galit na sambulat ni Duncan. "Sinira mo ang tree house ko! You filthy rat!" Galit na binagsak ng bata ang bisikleta sa tabi at kinuyom ang dalawang kamao.
"Hindi niya sinasadya, Kuya Duncan. And he's not a rat!" pagtatanggol ni Sasha kay 404 habang pinupunasan ng kamay ang mga luha sa pisngi. "He's a robot."
"A robot?" sambit ni Duncan sabay tapon ng mapanuring tingin sa bata.
"Yes!"
"Really?" tanong ni Duncan. Muli niyang tiningnan ang kalbong n***o sa harap niya. Sinipat mula paa hanggang ulo. "Hindi siya mukhang robot. In fact, he doesn't look like anything. He's nothing!"
"Sigurado ka, Kuya Duncan? Baka magulat ka. 404 can defeat you!" puno ng kumpiyansang pahayag ni Sasha.
Natigilan si Duncan sa narinig. Naalala niya ang pinangako ni Sasha sa kanya tungkol sa gagawin nitong robot diumano na makakatalo sa kanya.
"Just wait and see, Kuya Duncan. I will finish my robot and it will defeat you!"
"Yeah, right. Hihintayin ko ang araw na 'yon. But hey! Wish ko lang matapos mo nga. Tapos magsusuntukan kaming dalawa. One on one. Ipapakita ko sa 'yo kung paano ko wawasakin at dudurugin na parang pulbos ang walang kwenta mong robot, my little sister. Pangako 'yan. Tapos kapag nadurog ko na ang robot mo, ibebenta ko siya sa junk shop para magkapera naman ako. Okay ba, my cute little sister?"
"Get out!"
Humagalpak ng tawa si Duncan.
"Don't tell me na siya na ang robot na tinutukoy mo?" natatawang tanong niya kay Sasha. "Ambilis mo namang nakagawa ng robot. Ang galing mo naman, my little sister. Wow!""
"He really is a robot!"
"Yeah. I believe you," sang-ayon ni Duncan. "And you created this junk to defeat me, right, sis? That's very kind of you. I really appreciate it. Thank you very much."
"No. I did not -"
Biglang inilabas ni Duncan ang kanyang kulay gintong balisong mula sa loob ng kaniyang bulsa. Itinutok niya ito kay 404. Tumatama sa talim nito ang sinag ng araw.
"Okay, my little sister. Like I said, I believe you. He's a robot. Ginawa mo siya para talunin ako. That was your promise." Napangisi si Duncan. "But I also gave you a promise, remember? Ngayon makikita mo kung paano ko sisirain at dudurugin ang pinakamamahal mong robot."
"No, Kuya Duncan. You can't defeat him. He's a robot," babalang muli ni Sasha sa kapatid na na-misinterpret naman ni Duncan. Ang akala niya ay hindi 'yon babala kundi isang pang-aasar na lalo lang nagpainis sa kanya.
"We'll see," sagot ni Duncan sabay linga sa paligid para tingnan kung may taong nakatingin at nang matuklasang wala ay muli siyang napangisi. Tinitigan niya ang kalbong n***o na nakatayo sa tabi ni Sasha. Hindi siya naniniwalang robot ito. Hindi siya maloloko ng bubwit niyang kapatid. Nakikisakay lang siya rito.
Ang totoo, matagal na niyang pangarap na pumatay ng tao. Lingid sa kaalaman ng Dead Duck Squad, isa rin siyang aspiring serial killer. Pangarap niyang maging katulad nina Ted Bundy, John Wayne Gacy, at Jeffrey Dahmer. Hindi siya kuntento sa pagiging magnanakaw at simpleng terorista lamang. Wild fantasy niya ang manggahasa, pahirapan at pumatay ng mga magagandang babae ng higit pa sa bilang ng mga biktima ng mga idolo niya infamous killer. Matagal na niyang gustong malaman kung ano ang pakiramdam ng pumatay ng tao.
Ngayon ay malalaman na niya.
At ang negrong ito ang magiging una niyang biktima.
"No, Kuya Duncan! Stop it!"
Sa tingin ni Duncan ay pipi ang negrong ito at higit sa lahat ay mentally retarded dahil kanina pa ito hindi nagsasalita at tila wala sa sarili na nakatingin lang sa kanya. Madali lang niya itong mapapatay. Siguradong isang saksak lang niya sa leeg nito ay tepok ito on the spot. Sasabihin na lang niya sa kanilang Ma at sa taumbayan na isang magnanakaw ang negrong ito at hindi sinasadyang napatay niya dahil nanlaban at gustong saktan ang bubwit niyang kapatid. Palalabasin niyang self-defence ang nangyari at siguradong hindi siya makukulong dahil bukod sa menor de edad pa siya, lalabas pa siyang bayani at siguradong pasasalamatan siya ng mga tao rito.
At bakit hindi? He just save all of them from this black criminal and his future crime, right? Har-har!
As for Sasha, she should keep her mouth shut. Dahil kung hindi, wala siyang magagawa kundi ang patahimikin rin ito.
Isa sa mga naiisip niya ay ang lunurin ang kapatid sa dagat at palabasing aksidente ang nangyari.
"Kuya, stop it!" tawag muli ni Sasha na bakas sa mukha ang pag-alala na lalong kinainis ni Duncan dahil alam niyang para kay 404 ang pinapakitang pag-aalala nito at hindi sa kanya. Malinaw na ayaw nitong masaktan ang negrong ito. Pero sino ba kasi talaga ito? Sa totoo lang ay hindi rin naman siya naniniwala na "kalaguyo" ito ni Sasha dahil sobrang bata pa nito para sa mga ganoong bagay. Ni hindi pa nga ito nireregla. Pang-aasar lang ang mga inakusa niya laban sa kapatid kanina pero totoo lahat ang mga sinabi niya sa n***o. He can take Sasha away from them forever. He will let this n****r boy do just that.
Pero sinira nito ang tree house niya at ang kaparusahan ay kamatayan! At kahit hindi nito nasira ang kaniyang tree house ay gugustuhin pa rin niya itong patayin dahil isa itong n***o.
Galit si Duncan sa mga n***o. Ayaw niya sa mga n***o. Hindi tao ang mga n***o. Ginawa sila ng Diyos para maging alipin at magsilbi sa mga puti. At patayin.
God will never make their skin black if that is not the case.
Napangisi si Duncan.
No. He will never let this stupid n****r take his sister away from them. Not yet and definitely not this n****r.
But he will take this n****r's unworthy life. And Duncan believe that the feeling would be good. Very good!
Somehow life is not really unfair after all.
Marahan siyang lumapit sa n***o habang nakatitig ng mariin sa mapupulang mga mata nito.
Iniangat niya ang hawak na balisong.
"Kuya Duncan! No!" sigaw ni Sasha sabay hawak sa kamay niya.
Inis na tinulak ni Duncan ang bata. Napaupo si Sasha sa tabi ng mga nagkalat na tabla at muling napaiyak sabay tingin kay 404. "Don't hurt him, 404. Please."
It should be Duncan not 404, stupid crybaby, naisaloob ni Duncan sabay taas muli sa hawak na balisong upang undayan ng saksak si 404.
"Aarrggg!" sigaw ni Duncan sabay baba ng balisong. At tulad ng inaasahan, hindi man lang kumilos o umilag man lang ang n***o sa ginawa niyang pag atake. Isa talaga itong stupidong...
CLANK!
"Huh?" Kukurap-kurap na pinagmasdan ni Duncan ang naputol na talim ng kanyang balisong na bumagsak sa lupa. Ibinalik niya ang tingin kay 404 at manghang pinagmasdan ang leeg nito na hindi man lang nabutas o nagasgasan man lang.
Nakita niya ang pagsibol ng ngiti sa makapal na labi ng n***o.
Kinuyom ni Duncan ang kamao at buong lakas na sinuntok sa mukha si 404 upang alisin ang ngiting 'yon.
Narinig ni Duncan ang paglagatukan ng mga buto sa daliri niya. Napasigaw siya sabay sapo sa kamay na ngayon ay nagdurugo dahil sa mga natapyas na balat.
Biglang may lumabas na retractable shoulder minigun sa balikat ni 404 at tinutok sa mukha ng natulalang si Duncan. Napanganga ang binatilyo habang nakatingin sa butas ng minigun.
"Bibigyan kita ng sampung segundo upang bigyan ako ng katanggap- tanggap na dahilan kung bakit hindi kita dapat paslangin, homo sapien."
Hindi makasagot si Duncan. Tila napako siya sa kinatatayuan at hindi niya maigalaw ang buong katawan. Nanatili lang siyang nakatingin sa nakatutok na sandata sa kanya.
"No, 404! Please! Huwag mong patayin si Kuya Duncan!" sigaw ni Sasha.
Ginalaw ni 404 ang mga mata upang sulyapan si Sasha habang ang kanyang mukha ay nanatiling nakaharap kay Duncan. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang panay ang tulo ng luha sa magkabilang pisngi. Muling may naramdaman na kalungkutan si 404 habang pinagmamasdan ang bata sa pag-iyak. Napagtanto niya na lalo lang itong iiyak at malulungkot kapag pinatay niya ang kapatid nito.
Bumalik ang mini-g*n sa loob ng balikat ni 404.
Napabuga ng hininga si Duncan.
"Huwag kang mag-alala, Sasha. I'm not gonna kill your brother," paninigurado ni 404 sa bata. Muli siyang humarap kay Duncan. Tumingin din si Duncan sa kanya. Ngumiti si 404 na labis na ipinagtaka ng binatilyo.
Hinawakan ng robot sa balikat at tagiliran nito si Duncan at binuhat.
"Ahhh! Bitawan mo 'ko! Saan mo 'ko dadalhin?" sigaw ni Duncan. "Ibaba mo ako! PLEASSSEEE! 404!"
Humakbang si 404 ng ilang metro habang buhat ang sumisigaw na si Duncan at ilang saglit pa ay buong giting niya itong inihagis.
"AAAAAAAAHHHHHH!" palahaw ni Duncan habang nasa ere. Ilang saglit pa'y tumama ang katawan nito sa nakatabinging cyclone fence at pagkatapos ay nagpagulung-gulong pa bago bumagsak sa loob ng pig pen.
Sigawan ang mga inahing baboy na nandoon sa loob nang makita ang umuungol na si Duncan na nakalubog ang kalahati ng katawan sa naimbak na dumi ng mga ito. Bakas sa mukha ni Duncan ang sakit, galit at pagkadiri habang sinusubukang bumangon mula sa pagkakadapa. Nagduduwal pa ito nang malasahan ang dumi ng baboy na pumasok sa bibig nito.
"K-Kuya Duncan..." anas ni Sasha nang makita ang kalagayan ng nakatatandang kapatid. Para itong basang sisiw na puro burak at dumi ng baboy ang mukha at katawan habang nangangatog na nakatingin sa kanila. Panay ang punas nito sa bibig gamit ang nanginginig na kamay.
Nakaramdam ng awa para rito si Sasha pero medyo natawa rin, much to her guilt. Napahawak ito sa bibig upang pigilan ang nagbabadyang pagtawa nang malakas.
"See? I did not kill your brother," nakangiting pahayag ni 404 na pinagpag pa ang mga kamay habang nakatingin kay Sasha. Nakita niya na hindi na ito umiiyak sa halip ay tila natawa pa ito sa nangyari kay Duncan. Magaling. Natutuwa siya ngayong masaya na uli ito.
Good job, 404, puri ng robot sa sarili.
Nakita nilang tumayo si Duncan at iika-ika na gumapang palabas ng pig pen at nanginginig na hinubad ang suot na t-shirt na nadumihan sabay tapon sa damuhan. Panay ang dura nito sa lupa. Tinitigan nito si 404 na tila hindi makapaniwala na isa nga talaga itong robot na nasa katawan ng isang bata. Si Sasha naman ang tinitigan nito nang may pagtatanong sabay takbo patungo sa loob ng kanilang bungalow at padabog na hinambalos pasara ang pinto.
"Naku, baka ni-locked ni Kuya Duncan ang pinto," sambit ni Sasha habang nakatingin sa nakasaradong pinto. Napanguso pa ito sabay tingin kay 404.
Saglit na pinagana ni 404 ang kanyang x-ray vision.
"It's not locked."
Napatango si Sasha. Tumingin ito sa sira-sirang pantalon ng robot. "Gusto mo nang maayos na pantalon, 404? Sa tingin ko, magkasing katawan lang kayo ni Kuya Duncan. Puwede ka niyang pahiramin ng pantalon niya maging ng t-shirt."
Gusto sana ni 404 na sabihing huwag na dahil kailangan na niyang makabalik sa Isla Azul. Pero nakita niya sa mukha ng bata ang kagustuhan na makasama pa siya nang matagal. At bukod doon, nakita din niya sa mukha ni Sasha ang tila bakas ng takot at pangamba sa maaaring gawin dito ni Duncan kapag umalis siya. Lalo pa ngayon na napahiya ito at natalo sa kanilang duelo. Kung duelo ngang matatawag ang naganap sa pagitan nilang dalawa since a duel implies that both sides has a chance of winning. It was an apparent mismatched.
Tumango ang robot. May dapat pa siyang gawin bago lisanin ang lugar na ito. At iyon ay ang tiyakin na ligtas ang batang ito mula sa mapang-abusong kapatid nito na si Duncan.
Magkahawak ang mga kamay na pumasok sina 404 at Sasha sa loob ng bahay.
******
(A/N: Hey, guys! Salamat sa matyagang pagbabasa. Sana subaybayan n'yo pa ang mga susunod pang kabanata.
Stay tuned, guys.)