Kabanata 13

4722 Words
"Damn!" bulalas ni Max matapos mapakinggan ang mga sinabi ng nasa kabilang linya. Sa sobrang galit ay pabagsak niyang naibalik ang receiver ng telepono sa cradle nito at nanggigigil na napahaplos na lang sa kanyang buhok. Kasalukuyan siyang nasa opisina ng Kapitolyo at abala sa kanyang paperworks nang makatanggap ng tawag mula sa Chief-of-Police ng Kahel Police Department na nagre-report sa kanya sa nagaganap na kaguluhan sa Rosehill Road. At hindi lang basta kaguluhan kundi p*****n. Damn! Nagkaroon din ng kaguluhan sa ilang mga school tulad ng Purvil High School nang atakihin ang mga ito ng mga hindi pa kilalang salarin. Paint bullets, sabi sa report. And rubber bullets too. Non-lethals but still lethals in some ways. May mga estudyanteng nabalian at nasugat sa mga pag-atake. At kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang mga biktima sa Mercy Hospital. Walang nagawa ang mga nasabing school kundi magkaroon ng emergency lockdown for security purpose. And guess what? As usual, sangkot na naman ang mga nakamaskarang kriminal. Damn! Dapat talaga ay pinasara na niya ang lahat ng Toy Shops at Costume Shops sa buong isla. Pati ang pag-aari ng mga maskara ay dapat ipagbawal na din. Maging space helmet, hijab o simpleng disposable face mask. At ang lahat ng lalabag should be detained and punished accordingly. May nangyayari talagang mask craze sa islang ito. And the shop owners are participating without them knowing it. Or maybe they do but just don't care. Mga hayok sa profit! Mga ganid sa amoy ng pera. Wala siyang pakialam kung malugi ang mga negosyanteng ito. Mas importante ngayon sa kanya ang masigurong ligtas ang mga matitinong residente na naninirahan sa islang ito. Damn those masked ones! And those greedy shop owners as well. They can go to hell for all he care. They can all rot in there for eternity. Satan will surely enjoy torturing them. Ano ba kasing meron at habang tumatagal ay lalong dumarami ang mga pasaway sa islang ito? Parang nagiging real-life Gotham City na ang lugar na ito na pinamumugaran ng mga nakamaskarang sira-ulo at mga walang magawa sa buhay. Pero syempre, kung may Gotham City, natural na may Batman. At sino ang Batman? Walang iba kundi siya, ang dakilang Mayor ng Isla Kahel! Sino pa? Siya lang ang dapat na tanghaling Knight in Shining Armor ng lahat ng residente sa islang ito. Hindi ang Hepe. Hindi ang mga pulis. Hindi ang coast guards. Hindi ang PNP o ang AFP. At lalong hindi ang walang silbing Presidente ng Pilipinas. Kundi siya lang! Galamay lang niya ang mga ito. His instruments. Kailangang may gawin siyang aksyon para masugpo ang mga terorista. Sinisira nila ang reputasyon niya bilang isang respetadong Mayor. At hindi niya hahayaang mangyari ito, by all means necessary! May balak pa siyang tumakbo uli sa darating na halalan. Dapat pa niyang pursigihin ang kanyang kampanya laban sa droga at kriminalidad sa lugar na ito para bumango ang pangalan niya at ng sa ganun ay muli siyang iboto ng mga tao para Mayor. At mangyayari lang ito kung mapupuksa niya ang mga kriminal at patunayan sa mga residente ng Isla Kahel na kaya niyang protektahan ang mga ito laban sa mga masasamang elemento. And he intend to give the protection that they need, no matter what. Halos nakikita na niya ang kanyang sarili sa bawat headlines ng diyaryo at tv news program: Maximus Sullivan: The Mayor Who Defeated Masked Terrorists. Rainbow Islands Need Him! Binuksan ni Max ang t.v. Kasalukuyang binabalita ang nagaganap na riot sa Rosehill Road. Makikita ang pigura ng mga taong naka-costume at nakamaskara na abala sa pagwasak sa mga nadadaanan nilang establishments at mga public properties gaya ng mga bench at trash can gamit ang mga hawak na mga sandata. Tulad ng sinabi ng hepe, they were "armed and dangerous". And he can't agree more. Nagsisigawan ang mga tao sa sobrang takot. Makikita ang ilan na nakahandusay sa lupa at duguan. Or was it paint bullets? Maybe not. Damn! This will not be good to my records, nanggagalaiting naisaloob ni Max habang nakakuyom ang mga kamao. Where's the police? He can't see any policemen. What the hell? Mas nauna pang nakarating ang media para makapag-live coverage kaysa sa mga pulis? What a joke! What a stupid f*****g joke! Iniangat ni Max ang receiver ng telepono at nag-dial at tinawagan ang hepe. Isang ring palang ay may sumagot na. "Nasaan ang mga pulis?! Napuntahan n'yo na ba ang Rosehill?" sambulat niya bago pa man makasagot ang taong nasa kabilang linya. "My men are on their way," mabilis na sagot ng hepe. "Rosehill's five-minute away from..." "Kasalanan ko, hepe?!" "Mayor Sullivan, I assure you..." "Assure my a*s!" "Ginagawa namin ang lahat–" "Just tell your ladies to be quick and smoke those assholes if they have to. I don't care. Just stop this fuss! Do something. Now!" "Sir, hindi n'yo kailangang sumigaw–" Pabalang na binaba ni Max ang receiver ng telepono. "Mayor Sullivan, you want some coffee?" tanong ng secretary na nakadungaw mula sa labas ng pintuan. "Get the hell out!" Agad na sumara ang pinto. God, I'm being surrounded by idiots, naisaloob ni Max habang himas ang sentido. Bunch of idiots and useless sack of shits! Max, you need to learn to control your temper, narinig ni Max na sabi ng isip niya. Pero hindi kanya ang tinig. Galing ito sa kanyang ama. "Shut up, Dad!" bulong niya sa hangin. Hinablot niya ang isang libro sa ibabaw ng lamesa at tiim-bagang na binato sa dingding. Bumanda ito sa picture frame na nakapatong sa filing cabinet dahilan para ito ay matumba. Nagkapira-piraso ang salamin nito nang tumama sa aspaltong sahig. Agad na nagtungo si Max sa nabasag na picture frame at maingat na hinugot mula roon ang larawan. Larawan ito ng isang batang babae na morena. Nakangiti ito sa camera habang akbay ng isang batang lalaki na nakatingin din sa camera habang naka-peace sign. Nagtiim ang bagang ni Max. "Now see what you've made me do!" Pinagpag niya ang larawan at maingat na isinuksok sa bulsa ng suot na barong. Tatlumpung taon nang patay si Bradley Sullivan. Simula nang mamatay ito, ang boses na nito ang palagi niyang naririnig sa kaniyang isipan sa tuwing pinaghaharian siya ng matinding galit at poot. Kagaya ngayon. Tila kahit sa kabilang buhay ay pursigido pa rin ang kaniyang ama na tulungan siya na mapaglabanan ang kaniyang hindi kontroladong emosyon. Hindi kontroladong emosyon! What a joke! Kahit paulit-ulit niyang igiit noon sa ama na nagkakamali ito ng pagkakaintindi sa kalagayan niya, patuloy pa rin ito sa pagpapaniwala sa kaniya na may sakit siya. Speaking of a very supportive dad! What a joke! There's no such thing as "uncontrolled temper". Hindi siya naniniwala sa psychology. Hindi siya hangal kagaya ng kaniyang ama. At bakit niya ito pakikinggan? Isa itong lasenggo noong nabubuhay pa. At higit sa lahat, isang kriminal. Kung meron man siyang natutunan sa malupit na mundong ito, ito ay ang hindi pagtitiwala sa mga ganitong uri ng tao. Pamilya man o hindi. Their words mean nothing. His father was nothing. Onse anyos noon si Max nang umuwi siya galing paaralan na may dalang maliit na plastic bag. Maririnig mula sa loob ang iyak ng isang kuting na pakiwari niya ay wala pang dalawang buwan ang edad. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bulyaw ni Bradley nang madatnan siyang nakadapa sa sala at nakikipaglaro sa kuting. Amoy na amoy ni Max ang samyo ng alak na nanggagaling sa bibig ng ama. "Itapon mo ang pusa na 'yan. Ngayon din!" "Napulot ko siya, Daddy," paliwanag ni Max habang yakap ang kulay itim na kuting na pinangalanan niyang Chocola. "Please, hayaan n'yo po akong alagaan siya." "Kung ibang kulay pa, baka pumayag ako. Pero itim! Anak ka ng nanay mo, Max. Hindi mo ba alam na malas ang itim na pusa? Puro kamalasan na nga tayo, dadagdagan mo pa? Nasaan ang utak mo? Paano kang naging top 1 sa klase n'yo?" "C'mon, Dad. Let me keep her." "At sino ang gusto mong maglinis ng dumi ng pusa mo? Ako? Masaya ka. Itapon mo 'yan!" "Ako po ang maglilinis, Daddy. Pangako," ngumiti si Max. "I'll train her to use the litterbox. At gagamit din po ako ng baking soda para hindi mangamoy ang dumi niya. Please, Dad. I swear to God!" "Huwag mong idadamay ang Diyos sa usapang ito!" "Sorry, Dad. But–" "Itatapon mo 'yan?" Itinaas ni Bradley ang hawak na bote ng alak. Wala na itong laman. "O babasagin ko ang ulo ng pusa? Mamili ka." "Huwag po! Mabait si Chocola, Daddy. Please po!" Humakbang palapit si Bradley. "Ibigay mo sa akin ang pusa." "No!" "Huwag matigas ang ulo!" bulyaw ni Bradley habang sinusubukang hablutin ang pusa mula sa pagkakahawak ni Max. "No!" "Okay, okay, nagbibiro lang ako. Itatapon ko lang siya. Hindi ko siya–" Napasigaw si Bradley. Nang iangat nito ang kamay ay natuklasan nito ang nagdurugong palad. May marka ng ngipin sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Nabitiwan nito ang hawak na bote at manghang napatitig kay Max. "Don't you dare! Don't you dare take her away from me, you stupid jerk!" sigaw ni Max. Nanlilisik ang mga mata nito at nakalabas ang ngipin na tila handa itong sunggaban at kagatin siya anumang oras. Panay naman ang iyak ng kuting at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ng bata. Tila maging ito ay natakot sa biglang pagbabago ni Max. "K-Kinagat mo ako," halos pabulong na wika ni Bradley. Tuluyan nang nawala ang pagkalasing nito. Pinilit nitong ngumiti. "Isa ka bang aso, Max? Ano'ng pumasok sa kokote mo at kinagat mo ako? Sana lang wala kang rabies." "Sana nga meron at nang mamatay ka na!" Agad na tumakbo si Max paakyat ng hagdan tangan ang kuting. Naiwang nag-iisa at tulala si Bradley... Ilang linggo ang lumipas at lumaking masigla at malusog ang pusa. Walang nagawa si Bradley kundi ang hayaan si Max na alagaan ito. Tahimik lang siyang umiinom ng alak sa lamesa habang nakasubaybay sa bawat kilos ng anak. Kung dumumi man ang pusa sa sahig ay agad itong nililinis ni Max hanggang sa matuto itong gumamit ng litterbox. May mga araw na nagiging pasaway ang pusa. Nagnanakaw ng pagkain sa lamesa kahit na pinapakain naman ito nang maayos ng kaniyang anak. Walang magawa si Bradley kundi hayaan na lang ang lahat. God knows kung paano niya sinubukang ayusin ang lahat. Lingid kasi sa kaalaman ni Max, noong nakaraang araw habang nasa paaralan ang anak ay sinakay niya sa bisikleta si Chocola. Ilang kilometro ang tinahak ni Bradley bago siya tumigil sa isang masukal na kakahuyan. Hinimas niya ang ulo ni Chocola sabay baba rito sa madamong lupa. Pinakain niya ng dalang catfood ang pusa, at habang abala ito sa pagkain ay mabilis na nag-pedal palayo. Habang nasa daan ay iniisip niya ang sasabihin sa anak. Siguradong magtataka si Max kung bakit nawawala si Chocola. Sasabihin na lang ni Bradley na wala siyang alam. Nang makarating sa bahay ay sisipol-sipol na pinarada ni Bradley ang kaniyang bisikleta at nakangiting in-unlocked ang pinto at pumasok. Naglaho ang ngiti ni Bradley nang makita kung sino ang naghihintay sa kaniya. Nakapatong sa ibabaw ng lamesa si Chocola at nilalantakan ang kanilang pritong manok na ulam dapat nila nang gabing 'yon. Lumingon ang pusa sa direksyon ni Bradley at nagbigay ng mahinang pagdaing bago muling pinagpatuloy ang pagkain... Isang araw, tuluyan nang nawala si Chocola. "Dad, nasaan si Chocola?" tanong ni Max sa ama matapos niyang halughugin ang buong bahay pero kahit anino ng pusa ay hindi niya nakita. Mangiyak-ngiyak ang bata. "Ikaw ang amo ni Chocola, hindi ba? Bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong alam sa pagkawala niya," matabang na sagot ni Bradley sabay lagok ng alak sa bote. Tinitigan ito ng anak, pero nang makita sa mga mata nito ang pagsasabi ng totoo, tiim ang bagang na sinuntok ni Max ang lamesa. Naglaglagan ang mga bote ng alak sa sahig at nabasag. Napamura sa sobrang pagkagulat si Bradley, at bago pa ito tuluyang makapagsalita at mahablot ang anak ay nakalabas na ng pinto ang bata. Magdamag na hinanap ni Max si Chocola. Mag-aalas tres na ng hapon nang makabalik ang bata ng bahay. Duguan ang mga kamay niya at namumugto ang mga mata. Nadatnan niya ang ama na nanonood ng tv sa sala habang nakapatong ang dalawang paa sa lamesa. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. "Max? Ano'ng–" Hindi na natapos ni Bradley ang sasabihin dahil agad na yumakap sa kaniya ang anak sabay hagulgol ng iyak. Hinaplos nito ang nanginginig na balikat ni Max. "Tahan na. Ano ba'ng nangyari? Nakita mo ba si Chocola?" Humihikbi na tumingala si Max sa ama. "Wala na si Chocola, Daddy. Wala na siya." "Ano'ng ibig mong sabihin? Paanong wala na? Hindi kita maintindihan. Ipaliwanag mo nang maayos." Tumalim ang mga mata ni Max. "Patay na si Chocola. Pinatay siya ng batang lalaki." Muling bumuhos ang luha ni Max. Isinubsob niyang muli ang ulo sa dibdib ni Bradley. "I-I hate him! I hate him so much, Dad!" Natahimik si Bradley. Hindi nito alam ang sasabihin sa anak. Kung paano ito aaluin. Isa ito sa mga dahilan kaya ayaw nitong mag-alaga ng pusa. Kapag sobrang ka nang na-attached sa mga ito, sa huli ikaw din ang iiyak kapag namatay ang mga ito. Marami ng dumaan na pusa sa buhay ni Bradley, and God knows kung ilang beses itong umiyak kagaya ng pag-iyak ngayon ni Max. Pinilit nitong hindi gustuhin si Chocola, pero aaminin ni Bradley, sa ilang buwan na pagtira ng pusa sa kanila, medyo napamahal na rin ito rito. "That is reality, Max," malumanay na sabi ni Bradley sa mababang tinig. "May mga taong mababait at masasama. At least, nasa Cat Heaven na si Chocola. She's happy now. I know she is." Mabilis na kumawala mula sa pagkakayakap nito si Max. "At ano'ng gusto mong palabasin? Na hindi naging masaya si Chocola dito? Kulang pa ba ang pagmamahal at pag-aalaga ko sa kaniya, Dad?" "Max, hindi 'yan ang ibig kong sabihin." "Then what?!" sigaw ni Max. "Tell me! Tell me, you f*****g jerk! Tell me!" Akmang sasampalin ni Bradley ang bata pero agad nitong pinigilan ang sarili. "Go ahead, Dad. Sampalin mo ako. Saktan mo rin ako gaya ng ginawa mo kay Mommy!" "Max, please..." anas ni Bradley. "May kalaguyo ang Mommy mo. Hindi ko sinasadya ang saktan siya. Kung nasaktan ko man siya, ito'y dahil una niya akong sinaktan." "Siguro dahil hindi mo siya minahal at inalagaan gaya ng ginawa ko kay Chocola, Dad," umiiyak na akusa ni Max. Pinahid niya ang luha sa mga mata. "Hindi siya naging masaya sa iyo. Kaya humanap si Mommy ng iba. Ngayon masaya na siya sa bago niyang pamilya. E, ikaw? Masaya ba, Dad? Masaya ka bang mag-isa? Kasalanan mo ang lahat ng ito, Dad. Kasalanan mo!" "Max! Please!" Bago pa makalayo ang bata ay matagumpay na itong nayakap ni Bradley. "Get off me! I hate you!" "Max, you need to learn to control your temper. It's enough, okay? Hush! Easy now," pag-aalo ni Bradley habang haplos ang pisngi ng anak. "Calm down. Hush." "I hate you," anas ni Max habang humihikbi. "I hate you." "Sige lang, Max. Sabihin mo na'ng lahat ng hinanakit mo sa akin. Tatanggapin ko," umiiyak na ring turan ni Bradley. "Pero ako pa rin ang ama mo, at kahit pagbali-baligtarin pa natin ang mundo, hinding-hindi magbabago ang katotohanang ito. Obligasyon ko ang mahalin at alagaan ka kahit iniwan na tayo ng Mommy mo. Mahal kita. At ang tanging hangad ko lang ay kung hindi mo man ako magawang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa iyong Mommy at kay Chocola, sana respetuhin mo na lang ako bilang iyong ama. That's all I want, son. Can you give it to me?" Hindi sumagot si Max. Nanatili lang ito na nakasubsob sa dibdib ni Bradley. "Max?" "M-Mahal din kita, Dad." Tumingala ang bata. Bakas sa basang mga mata nito ang pagsisisi sa nagawa. "I'm so sorry if I hurt you." Hinaplos ni Bradley ang pisngi ng anak sabay ngiti. "No, Max. I'm sorry." "Okay." Muling niyakap ni Max ang ama. "Apology accepted." Napansin ni Bradley ang duguang mga kamay ni Max. Agad siyang lumuhod at hinawakan ang mga ito. "Did you hurt yourself?" "Huh?" "These are blood..." "No, Dad. Hindi sa akin ang mga dugong 'yan," paliwanag ni Max. Bigla itong natahimik na tila nagulumihanan. Nagbaba ang bata ng tingin. "So kaninong–" "Please, Dad. Gusto ko na pong magpahinga," samo ni Max. "Napagod ako sa paghahanap kay Chocola. I-I need some rest." "Okay. Maghugas ka muna ng kamay at pagkatapos ay kumain. Nagluto ako ng paborito mong spaghetti. Go ahead." "Thanks, Dad. You're the best." Kinagabihan, binalita sa tv ang tungkol sa isang siyam na taong gulang na batang lalaki na nasa kritikal na kalagayan matapos bugbugin ng hindi pa nakikilalang salarin o mga salarin. Katabi ng biktima sa pinangyarihan ng krimen ang isang patay na pusang itim na halos madurog ang buong katawan sa tindi ng pinsalang natamo... Dalawang taon ang matulin na lumipas. Isang araw, umuwi ang dose anyos na si Max galing ng paaralan, subalit hindi siya nag-iisa. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bulyaw sa kaniya ng ama nang madatnan siyang nakadapa sa sahig at nakikipaglaro ng chess sa isang batang babae na kasing-itim ng uling. Napa-sign-of-the-cross pa si Bradley habang nakatunghay sa kanila. "Dad, I would like you to meet Beaulah," pagpapakilala ni Max. Tumingin siya sa batang babae. "Beaulah, this is my Dad. Say hello to him." "H-Hello po, sir," nag-aalangang turan ng batang babae habang patingin-tingin kay Max na halatang hindi malaman ang susunod pa na sasabihin. Kulot ang buhok nito at napapalamutian ng makukulay na pulseras ang mga kamay. "Magandang hapon po." "Max! Ano'ng kahibangan ito? Sino ang bata na 'yan?" Napakamot sa ulo si Max. "Dad, kasasabi ko lang. Ang pangalan niya ay Beaulah." "Alam mong hindi 'yan ang ibig kong sabihin." "Okay, Dad. I'm not trying to make you mad, I swear." Humugot muna nang malalim na hininga si Max bago muling nagsalita. "Nakita ko siya sa lansangan. Wala na siyang mga magulang. They're both dead, she said. Wala rin siyang bahay. Wala siyang kamag-anak. She's hungry. Naawa ako sa kaniya kaya dinala ko siya dito, Dad. I hope you're not angry." "Not angry?" singhal ni Bradley. "I'm devastated. Sa tingin mo talaga hindi ako magagalit? My God, Max! You could have just gave her your leftover food and then leave. Bakit mo pa siya dinala dito? Ano'ng tumatakbo sa utak mo? Nag-iisip ka pa ba? Paano ka naging valedictorian?" "Dad!" "S-Sorry po, sir." Nangingilid ang luha na humarap ang batang babae kay Max. "Sabi ko sa iyo hindi papayag ang Daddy mo, Kuya Max. Walang magkakagusto sa akin. Pabayaan mo na lang ako. Sundin mo na lang ang Daddy mo. Kaya kong alagaan ang sarili ko." Akmang hahakbang patalikod ang batang babae nang hawakan ito sa kamay ni Max. "No, dito ka lang!" "Pero, Kuya Max..." "Max! Huwag mo akong galitin," banta ni Bradley. "But you already are, right?" buska ng bata. "You're goddamn right I am." "Please, Dad. Payagaan mo ng tumira dito si Beaulah," may pagmamakaawa sa tinig ni Max. "Isang araw ko pa lang siyang nakikilala pero palagay na ang loob ko sa kaniya. Napakalungkot ng buhay niya, Dad. Just give her a chance!" "Chance to what? Na lokohin tayo?" natatawang turan ni Bradley. Tinitigan nito nang may pagdududa si Beaulah. "Paano mo nasabi na totoo lahat ng sinabi niya sa iyo? For all we know, baka kasabwat siya ng sindikato at modus lang nila ang ganito para makapagnakaw. Hindi mo naisip 'yon?" Nagtiim ang bagang ni Max. "I just know it. Trust me. Alam kong nagsasabi si Beaulah nang totoo sa akin." "At kailan ka pa naging lie detector, Max?" "Very funny, Dad." "Hindi ako nagpapatawa," seryosong sabi ni Bradley. "Dad, please. Tulungan natin si Beaulah. She has nowhere to go." "It's her problem." "C'mon, Dad. I know you better than this." Natahimik si Bradley. Bakit ba siya biniyayaan ng Diyos ng isang anak na sobrang maawain at matulungin? Dati ay pusang itim. Ngayon naman ay batang lansangan na kasing itim ng ilong ng pusa. Pagsubok ba ito o biyaya? Hindi niya alam ang sagot. "Hindi siya maaaring tumira dito and you know why!" "Dad..." "Ilang taon ka na, Beaulah?" pormal na tanong ni Bradley. "T-Ten po." "See?" Pinandilatan ni Bradley ang anak. "She's just a freaking child. And you're just a child, Max. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang nagkupkop ako dito ng batang hindi ko kaanu-ano? Especially a homeless girl. Gusto mong makasuhan ako ng child a***e? You want me to go to prison? Is that what you want, son?" "It's not going to happen, Dad. At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. They can all go rot in hell for all I care," malamig na turan ni Max. "Please, Dad." "I'm afraid the answer is no." "Okay, sure," salubong ang dalawang kilay na bulalas ni Max. "Wherever Beaulah goes I go." "What do you mean?" Nagsisimula ng sumakit ang ulo ni Bradley. He badly needed a drink. "Aalis ako dito kung aalis si Beaulah." "Are you serious?" "I'm always serious, Dad." Natahimik si Bradley. Ano bang pinakain ng bata sa anak niya at todo tanggol ito rito? Marahil ay talagang pinaparusahan na siya ng Diyos. Sumpa na ito at hindi pagsubok. "Kung 'yan ang gusto mo, Max, wala akong magagawa. You want to be with her, then so be it." "Pero hindi siya aalis." "At bakit hindi?" Napangisi si Max. "Dahil hindi mo ako hahayaang umalis. Hindi mo ako matitiis dahil mahal mo ako." Sa puntong ito tila lumuwag ang kadenang nakagapos sa puso ni Bradley. His son knows that he loves him, and that is enough. "Very well. She can stay here. Tamang-tama at wala tayong katulong..." "Dad!" "Just kidding." Ilang buwan ang lumipas, napatunayan ni Max kay Bradley na totoong lahat ang mga sinabi nito tungkol kay Beaulah. The girl had a good personality. She was a sweet little angle. Nakadama ng guilt si Bradley sa pagtrato niya sa bata nang una niya itong makita. Naging matapobre siya. Pero hindi pa huli ang lahat para maitama ang kaniyang pagkakamali. Beaulah was smart and talented. Masipag din ang bata sa bahay. At higit sa lahat, hindi ito abusado. And it came to pass na gumaan na rin ang loob ni Bradley rito. "Ano'ng pangarap mong maging paglaki mo, Beaulah?" tanong ni Max isang araw habang nakatampisaw sila sa swimming pool. Nakahubad-baro siya at naka-short. Tumatama sa balingkinitan niyang katawan ang liwanag ng sikat ng araw. "Gusto kong maging nurse," masiglang sagot ni Beaulah habang lumalangoy. Nakasuot ito ng kulay dilaw na bathing suit. Nag-angat ito ng kamay at nilapit sa kaliwang mata habang nakaharap sa kanya. Napangiti ito. "Ang puti mo, Kuya Max. Nasisilaw ako sa iyo." "Mas nakakasilaw ang ganda mo." "Huh?" Nasapo ni Beaulah ang pisngi. "M-Maganda ako?" Ngiti lang ang tinugon ni Max. "Hindi naman ako maganda. Pango ang ilong ko hindi kagaya mo na matangos. Sobrang itim ko rin. Niloloko mo naman ako, e, Kuya Max." Bahagyang natawa si Max. Halata sa maamong mukha ni Beaulah ang pagkalito kung paniniwalaan siya o hindi. "Hindi kita niloloko. Besides, favorite color ko ang black. Kaya huwag mong ikahihiya ang kulay mo, okay? No matter what they say, you're beautiful. Trust me." Namula ang mukha ni Beaulah. Malamang ay ngayon lang ito nasabihan ng maganda sa buong buhay nito. "Salamat, Kuya Max." "Wait, huwag mo na akong tawaging kuya, okay? It makes me feel kinda old." "Pero mas matanda ka sa akin ng tatlong taon." "So what? Basta ang gusto ko huwag mo na akong tatawaging kuya, okay?" giit ni Max. "It's just that simple. Magagawa mo ba?" "Uhm, okay, Kuya Max. I mean, Max. Pero, hindi ba, aampunin na ako ni Daddy Bradley? Dapat lang na kuya ang tawag ko sa iyo." Natahimik si Max. "May problema ba?" "Nothing." "Okay." "Ako ba hindi mo tatanungin kung ano ang pangarap kong maging paglaki ko?" "Huh? Okay, ano nga ba?" tanong ni Beaulah habang umiinom ng orange juice sa tabi ng pool. Ngumiti si Max. "Paglaki ko gusto kong maging asawa mo." Napatigil sa pag-inom si Beaulah. Kunot-noong tumingin ito kay Max. "You're kidding me, right?" "Of course not." "Hindi maaari. Aampunin na ako ni Daddy Bradley. Magiging magkapatid na tayo. Bawal ang iniisip mo." "So what? Hindi naman tayo magkadugo." Natahimik si Beaulah. "Ano'ng iniisip mo?" Biglang may sumilay na ngiti sa labi ni Beaulah. Nakataas ang kilay na tumingin ito kay Max. "Bata pa tayo. At bad ang iniisip mo." Saglit na natahimik si Beaulah. Pagdaka'y muling nagpatuloy nang may kislap sa mga mata. "Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong maging asawa si Daddy Bradley. Mas guwapo siya kaysa sa iyo at mas mabait pa." "Great!" matabang na turan ni Max. "Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa iyo? Ito igaganti mo? Mas gugustuhin mo pang maging asawa si Dad kaysa sa akin?" Napabungisngis si Beaulah. "Nagbibiro lang ako, Kuya Max." Kuya! Matigas talaga ang ulo mo. Well, I'll fix that, naisaloob ni Max. "Hey, I'm just kidding, silly." "Yeah. Sure." Marahang umahon sa swimming pool si Beaulah. Umagos pababa sa murang katawan nito ang tubig at dumausdos sa paanan nito. Kasalukuyang nasa terrace ang kaniyang ama at tahimik na umiinom ng alak. Hindi nakaligtas sa pansin ni Max ang paraan ng pagtingin nito kay Beaulah. Malagkit at tila may kahulugan. Hindi niya gusto ang tingin na 'yon. Nakaramdam siya ng matinding galit. Nakuyom niya ang kamao. Pinigil niya ang sarili na puntahan ang ama at dukutin ang magkabilang mata nito. Pakiwari niya magiging musika sa kaniyang pandinig ang palahaw nito habang binubulag niya. Wala itong karapatan para bastusin si Beaulah sa harapan niya. Wala! "Mahal kita, Beaulah," tawag ni Max mula sa swimming pool, loud enough para marinig ng kaniyang ama. Kanilang ama, to be exact. Damn! Napalingon sa kaniya si Beaulah. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkabahala sa narinig. Ilang saglit pa'y ngumiti ito sa kaniya. "M-Mahal din kita, Kuya Max." Eksaktong isang buwan mula ng araw na 'yon, nakapiit na sa kulungan ang kaniyang ama sa kasong murder. Naging headline ang nangyaring krimen... Girl, 10, STABBED TO DEATH BY HER ADOPTIVE FATHER Halos gumuho ang mundo ni Max. Bakit siya pinaparusahan ng Diyos? Bakit lahat ng minamahal niya ay nilalayo sa kaniya? Una, ang Mommy niya. Pangalawa, si Chocola. At ngayon naman si Beaulah. Magpapakasal pa sila paglaki nila! Marami pa silang pangarap na gawin nang magkasama. Pero ngayon mananatiling pangarap na lang ang lahat... Maaaring hindi ito kasalanan ng Diyos. Mabait ang Diyos. Tunay marahil ang kasabihan na nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. Nangyari ang lahat ng ito nang dahil din sa kagagawan niya. Wala siyang nagawa para pigilan ang mga nangyari. Kung naging kontrolado lang niya ang lahat, hindi sana mawawala sa buhay niya sina Chocola at Beaulah. In a way, it was his fault. He failed them. At ngayon nagkakagulo sa Isla Kahel. Siya ang pinakamakapangyarihan sa buon isla pero tila pinagtatawanan lang siya ng mga terorista maging ng kapulisan. At ang lahat ng ito ay dahil hindi niya kontrolado ang mga bagay. Lumingon si Max. Mula sa repleksyon ng malaking salamin, nakatunghay sa kaniya si Bradley. Sa nanlalalim nitong mga mata ay mababakas ang labis na kalungkutan at dalamhati habang tahimik na nakatingin sa kaniya. You need to learn to control your temper, Max, ang sabi ni Bradley, sabay ngiti. "I'm in control!" sigaw ni Max. Hinablot niya ang paperweight sa lamesa at binato. Nabasag ang malaking salamin at nagkapira-piraso sa sahig, "I'm always in control, Dad. I'll show you. I'LL f*****g SHOW YOU!" Nagtungo si Max sa kaniyang secret vault na nasa likod ng Mona Lisa painting. Nang mabuksan ay agad niyang kinuha ang kanyang lisensyadong Uzi. Nang suriing maiigi ay nasiguro niyang kargado ito. Muli niyang sinara ang vault at hawak ang armas na lumabas ng opisina. Tinawag niya ang kanyang mga bodyguard at pinasakay sa kotse, dala ang kani-kanilang mga armas. "Saan po tayo, Mayor?" tanong ng bigotilyong driver. Bahagya itong nagulat sa itsura ni Max. "Sa Rosehill Road. Bilisan mo!" "At once, sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD