Kabanata 14

2184 Words
Nakapagpalit na ng damit si 404. Sando at itim na maong pants na pinahiram sa kanya ni Duncan. Naging mabait na ang pakikitungo ni Duncan sa kanya pagkatapos ng nangyari kanina. Ito pa nga ang naghanap ng maisusuot niya. Pinagmasdan ni 404 ang sarili sa full-length mirror sa sala. "See, 404? I was right. Magkasing katawan lang kayo ni Kuya Duncan," nakangiting pahayag ni Sasha habang nakatingin din sa reflection ng robot sa salamin. "And you're so cute. Para ka talagang totoong tao." "Talaga?" tipid na sagot ng robot. Kaswal siyang napasulyap sa kuwarto ni Duncan. Napasulyap din doon si Sasha at tulad ng inaasahan ay nakadungaw mula sa nakaawang na pintuan ng kuwarto nito si Duncan at pinagmamasdan silang dalawa. Nakapag-shower na rin ito at nakapagbihis ng bagong damit. Basa pa ang naka-brushed up nitong buhok. Kapansin-pansin ang pamumugto ng mga mata nito. "Huwag ka ng matakot, Kuya Duncan. Hindi ka na sasaktan ni 404. Mabait siya," pag-aalo ni Sasha. Ngumiti lang si Duncan upang ipakita na naniniwala siya sa sinabi nito. Ang totoo ay takot na takot siya kay 404. At pawang pagkukunwari lang ang pinapakita niyang kabutihan dito. Ang totoo ay kanina pa niya palihim na sinusuri ang katawan ng robot upang tingnan kung may secret button ba ito na maaaring magpa-deactivate dito. Ganun naman talaga ang mga robot, hindi ba? If they can be activated then surely they can also be deactivated na parang computer o social media account. Or parang tv na kayang i-OFF ng remote control. Surely, may kahinaan din ang pesteng robot na ito. Hinahanap pa niya kung ano ang kahinaan nito. At kapag na-deactivate na niya si 404 ay wala na itong kalaban-laban sa kanya, saka niya ito wawasakin at itatapon sa koral ng mga baboy. As for his cute little sister, magbabayad ito sa pagpapahiya sa kaniya. Kapag nawasak na niya si 404 ay wala ng magtatanggol dito. Balak niyang gamitin kay Sasha ang napulot niyang posas at pahirapan ito habang nakahiga at nakaposas sa higaan nito. That would be a very sweet and satisfying revenge. Wala siyang pakialam kung kapatid niya si Sasha. Kinanti siya nito kaya dapat na magbayad ito ng mahal. Tuturuan niya ito ng leksyon. Sa tingin niya, sapat na ang takpan ng unan ang maliit na mukha nito nang isang minuto habang nakadagan siya dito. Kaya naman siguro ng pesteng bata na ito na hindi huminga nang matagal. She can regard it as a diving lesson. Wait, no! Masyadong madali. He will make it two minutes para mas may thrill. Or maybe ten minutes. Who knows? If she died, then so be it. Palalabasin na lang niya na aksidente ang nangyari. No sweat. That would be fun. A perfect crime. Good riddance for a bad rubbish. Goodbye, Sasha. Har-har! Pero talaga nga kayang robot si 404? Baka isa lang din itong tao na sinasaniban lang ng masamang espirito? Baka sinasamba rin nito si Mighty Damballa katulad ni Chucky kaya hindi niya ito napatay kanina? Kaya nabuhat siya nito na para lang siyang magaan na papel? Hindi kaya? Maaaring may itim na demonyo na namamahay sa katawan nito kaya nagkaroon ito ng mga natatanging abilidad na wala sa ordinaryong tao. Pero nakita ng dalawang mata niya kung paanong may lumabas na mini g*n sa balikat ni 404 kanina. Napailing siya. No. Robot talaga si 404. Mas kapanipaniwala pang isipin na robot ito kaysa sa may sanib. Besides, wala namang tao na kayang magtago ng mga fatal weapons sa mismong loob ng katawan nito let alone to draw them out without using their hands. Hindi naman ito si Iron Man o si Astro Boy. Sinubukang tawagan ni Duncan ang Dead Duck Squad para ibalita sa mga ito ang tungkol sa wirdong robot na si 404 pero nakakapagtakang walang signal. First time itong nangyari. Must be the weather? Binuksan ni Sasha ang t.v. Agad nilang nakita ang binabalitang kaguluhan ngayon na nagaganap sa Rosehill Road. May hostage taking na nangyayari sa isang malaking bangko doon. Nakita nila ang mga nakaunipormeng pulis na nakatago sa gilid ng kanilang mga patrol car habang hawak ang kanilang b***l. Ang isa ay may hawak na megaphone at tila nakikipagtransaksyon sa mga nakamaskarang hostage taker na nasa tabi ng pintuan ng bangko habang nakaluhod naman sa sahig sa harapan ng mga ito ang apat na hostage na nakalapat ang mga kamay sa batok. Ang panlimang hostage na lalake ay makikitang nakabulagta sa tabi ng ibang mga hostage. Umaagos mula sa ulo nito ang masaganang dugo. Napahawak sa bibig nito si Sasha nang makita ang bangkay. Napaluha ito na pinagtaka naman ni 404. "Mga bad sila. Pinatay nila yung lalake," naiiyak na bulalas ng bata. Napasulyap ito kay 404 habang pinupunasan ng mga kamay ang nabasang pisngi. "Please, 404. Help them." "Huh?" "Baka patayin din nila 'yung ibang mga hostage. Kawawa naman sila." Nagsalubong ang mga kilay ni 404. Gusto niyang magalit sa bata dahil sa pag-uutos nito sa kanya. At bakit naman niya tutulungan ang mga homo sapiens na 'yan sa kanilang mga sitwasyon at problema? Wala siyang obligasyon sa mga ito. Gusto niyang magalit kay Sasha pero nang makita niya ang patuloy na pag-iyak nito ay mas nanaig ang kagustuhan niyang tanggalin ang kalungkutan nito. At magagawa lang niya ito kung susundin niya ang iniuutos nito. "Huwag ka ng umiyak, Sasha," pag-aalo ni 404 sa bata. "Sige, ililigtas ko na ang mga hostage. I'll do it. Just don't cry already. Okay?" Nagliwanag ang mukha ni Sasha. Agad nitong hinawakan ang mga kamay ni 404 at napangiti. "Thanks, 404!" masayang sabi ng bata. "Mabait ka talaga. Alam kong hindi mo sila matitiis na hindi tulungan. Buti na lang nandito ka." Lihim na napasimangot naman si Duncan sa kinatatayuan. Sasha really is such a weirdo. Anong tingin nito sa robot na ito? Superhero robot? Si Iron Man? Si RoboCop? What the f**k?! Nakakatawa. Pero be that as it may, sana nga ay umalis na ang pesteng robot na ito rito at ng sa ganun ay makaganti na siya kay Sasha. At subukan lang nitong magsumbong sa robot sakaling bumalik ito, sisiguraduhin niyang pagsisisihan ng batang ito na nagsumbong ito. Alam naman niyang ayaw din ni Sasha na saktan siya ni 404. And that's so wrong. A very bad decision. A bad mistake. Gagamitin niya ang kabaitan ni Sasha para sa pansariling interes. Lucky for him. Unlucky for her. Har-har! Lumabas na ng kanyang kwarto si Duncan at nilapitan sina Sasha at 404. Nakangiti pa rin siya, bagay na hindi normal sa kanya (dahil madalas ay nakasimangot ang mukha niya dahil nga sa kanyang motto na "Life is so unfair.") "Aalis ka na agad, 404? Ambilis naman. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa 'yo. You know, para mas lubos pa nating makilala ang isa't-isa." Hindi sumagot si 404 bagkus ay nanatili lang ito na nakatingin kay Sasha na parang walang narinig. "Maybe later, Kuya Duncan. 404 needs to go now. They need him," ani Sasha na nakatingin kay Duncan. Natutuwa ito dahil nakikita niya na kasundo na rin nito si 404. Hindi na ito salbahe sa pakikitungo sa robot. Lalo na sa kanya. Mabait na rin itong makipag usap sa kanya. Mukhang si 404 pa ang makakapagpatino kay Duncan. And that's great. Ibig sabihin lang nito ay talagang mabait na robot si 404 na kahit mga salbahe at pasaway na bata tulad ni Duncan ay napapaamo nito. "Ganun ba? That's good, 404. Maaari ka ng maging superhero robot ng Isla Kahel. Wow! Ang galing mo naman," animo'y manghang bulalas ni Duncan sabay tapik at hawak sa balikat ng robot. Naramdaman niya ang matigas na "balat" nito na parang hood ng kotse. Palihim niyang sinuri ang paligid ng batok nito at likod, hinahanap ang itsurang button na maaari niyang pindutin para ma-deactivate ang robot. Sa kasawiang palad, wala siyang nakita kahit isa. "Okay, Sasha. I'll go now," sabi ng robot. "Sige, 404. Babalik ka ah!" may tila bakas ng kalungkutan sa tono ng pananalita ng bata. "After you save them, bumalik ka dito." Kumunot ang noo ni Duncan habang matamang nakatingin at nakikinig kay Sasha. Nagtataka siya kung bakit palagay na palagay ang loob nito sa robot samantalang ngayon lang naman nila ito nakilala and besides, ni hindi nga nila alam kung saang planeta, dimensyon o impiyerno galing si 404. Ayaw naman niyang tanungin ang robot dahil baka masamain nito ang tanong niya. Mahirap na at baka buhatin siya nitong muli at ihagis sa kulungan ng mga baboy tulad kanina. Napangiti naman si 404 sa sinabi ng bata. "I mean...alam ko na kailangan mo nang ipaayos ang 'wound' mo sa tagiliran mo...pero sana dalaw ka uli dito ha. Wala kasi akong ibang makalaro rito. Kung okay lang naman sa 'yo, 404?" Agad na napadako ang tingin ni Duncan sa tagiliran ng robot. May wound pala ito? Magaling. Alam na niya ngayon kung saan ang kahinaan ng pesteng robot na ito. May pagkakataon pa pala siyang makaganti rito. Shit! Humanda kayo sa 'king dalawa. Magbabayad kayo nang mahal, naisaloob ni Duncan sabay ngisi ng palihim. "Oo, Sasha. We're friends, remember?" Napangiti si Sasha. "Oo, 404. Friends tayo. Ikaw pa ba?" masayang sagot ng bata. "I'll be back, Sasha. I promise," pangako ni 404 sabay haplos sa buhok nito bago nagsimulang humakbang palabas ng bungalow. "404, may wound ka pala? Pwedeng patingin?" biglang sabi ni Duncan na nasa tabi na pala ni 404 at sumasabay sa paglabas niya. Nakangiti pa rin ito at halatang pinapaamo lang ang mukha na animo'y hindi makabasag pinggan. "No," tipid na sagot ng robot. Tinapunan niya nang mapanuring tingin ang bata. Nakita ni 404 na akmang hahawakan ni Duncan ang kanyang tagiliran sa parteng may lamat kaya naman agad niyang hinablot ang kamay nito. "I said no!" "Hey, I just want to help!" pagsisinungaling ni Duncan. Ang totoo ay balak niyang kalikutin ang parteng may lamat ng robot para mag-malfunction uli ito. Bigla siyang sinakmal ng robot sa kanyang leeg at pwersahang inilapit ang ulo niya sa ulo nito. Halos masakal na siya sa marahas na pagkakahawak nito. Muli siyang nakaramdam ng kilabot sa maaaring gawin sa kanya ni 404. "Huwag ka ng magsinungaling, homo sapien. Alam kong gusto mo 'kong wasakin," halos pabulong na sabi ni 404 sa malamig na tinig. "A-Ano'ng-?" "Robot nga ako pero hindi ako stupidong robot. Alam kong masama kang tao at naghihintay ka lang ng tamang pagkakataon para makaganti sa akin. You can fool your sister or anyone but not me. I can see your mind. I can see right through you. Literally. I can see your filthy soul." Natahimik si Duncan. Nakikita niya ang nagbabagang pulang mga mata ng robot na nakapako sa kanya at nasisiguro niyang seryoso ito sa mga binitawang salita. Homicidal ang robot na ito. Ramdam niya ang tindi ng galit nito sa kanya. "Kung hindi lang dahil kay Sasha, kanina ko pa binasag ang bungo mo at pinagluray-luray ang maliit mong utak. Utang mo ang walang kwenta mong buhay sa kapatid mo." Marahang tumango si Duncan. Gustuhin man niyang magsalita ay tila nawala ang lakas niya para gawin 'yon. Isang mapanganib na robot ang nasa harap niya ngayon at hindi magiging magandang ideya kung sasalungat siya at mangangatwiran dito. Gusto pa niyang mabuhay ng matagal. "Binabalaan kita, homo sapien. Huwag na huwag kang magkakamaling saktan si Sasha. Kapag nalaman ko na sinasaktan mo siya, kahit isang galos lang na makita ko sa pisngi niya at gasgas sa leeg, ikaw ang sisingilin ko at pagbabayarin. Makakatakbo ka pero hindi ka makakapagtago nang matagal. I will find you. I will always find you. And I will crush you. Slowly and painfully. Even your mother. And your three stupid friends as well. I will kill them. Do you understand?" Hindi sumagot si Duncan. "Do you understand?" ulit ng robot. "Y-Yes," sa wakas ay sagot ni Duncan sa mahina at nangangatal na tinig. "I can't hear you." "Yes," nangangatog na sagot muli ni Duncan. "Mean it." "YES!" Napangiti si 404. "Good. And remember, I'm not asking you, homo sapien. I'm commanding you." Mabilis na tumango ang binatilyo. "404? May problema ba?" takang tanong ni Sasha nang makalabas ng pinto at makitang magkalapit ang mukha nila ni Duncan at hawak niya ang leeg nito. "Nothing, Sasha. May sinabi lang ako sa Kuya Duncan mo," kaswal na sagot ng robot. Binitawan nito si Duncan sabay tingin sa bata at ngumiti. "Goodbye for now, Sasha." "Goodbye, 404," pamamaalam din ni Sasha. Pinagana ng robot ang kanyang boot-jet propulsions. Ilang sandali pa ay lumipad na ito palayo patungo sa Rosehill Road sampung kilometro ang layo mula sa kinaroroonan ng bungalow nina Sasha at Duncan. "Go, 404! Go!" pahabol na sigaw ni Sasha habang tinatanaw ng may saya at pagkamangha ang papalayong robot na nasa himpapawid. Kumaway pa siya. "He's amazing, right, Kuya Duncan?" "Whatever!" nakasimangot na bulalas ni Duncan. Tumingin ito sa kanya nang matalim. "And stay the f**k away from me." "B-But why?" "Nothing! Just do it," inis na angil ng binatilyo sa kanya. Pinandilatan pa siya nito ng mga mata bago padabog na muling pumasok sa loob ng bahay. Naiwang nagtataka si Sasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD