Meanwhile, sa Rosehill Road, sampung kilometro ang layo mula sa kinaroroonan nina Sasha at Duncan...
"BRING DOWN YOUR WEAPONS AND SURRENDER! YOU ARE ALL UNDER ARREST!" utos ng pulis gamit ang hawak na electric bullhorn. Tulad ng ibang mga pulis na mas mababa ang rango ay nakayuko rin ito sa tabi ng sariling police car habang hawak ang sariling handgun.
Nakapaligid sa harap ng maliit na bangko ang mga police car na ginawang panggalang ng mga pulis laban sa mga nakamaskarang kriminal na kasalukuyang nasa loob ng bangko. Nakaluhod ang apat na empleyado ng bangko at kasalukuyang ginagamit na human shield ng mga armadong kriminal. Nakalapat ang mga kamay ng mga ito sa kani-kanilang batok at bakas sa mga mukha ang matinding takot.
Sa tabi ng mga ito ay nakahandusay ang isang kalbong lalake na supervisor ng bangko. May tama ito ng bala sa ulo at kasalukuyang tumatagas ang masaganang dugo sa makintab na sahig.
Nakatayo sa likuran ng mga ito ang limang nakamaskarang kriminal na matatantyang nasa mga edad trenta anyos pataas base sa tindig at laki ng pangangatawan. May hawak ang mga ito na matataas na kalibre ng mga b***l na hindi hamak na mas malalakas kaysa sa hawak na armas ng mga rumespondeng pulis.
"Sumuko? Kami? Mga hangal!" sigaw ni Kylo Ren (Star Wars) sa pulis sabay tawa nang malakas. Nakatutok sa ulo ng babaeng hostage ang hawak nitong MK-47. "We don't take order from a stinkin' copROACH!"
Tawanan ang mga kasama ni Kylo na gaya nito ay nakatutok din ang mga hawak na armas sa mga hostage.
"LET YOUR HOSTAGES GO AND SURRENDER!"
Lalong natawa si Kylo.
"Eat my s**t, fuckaroo! Over these idiots dead bodies," sigaw muli ni Kylo sabay hagikhik. Inayos nito ang nakasukbit na bag sa balikat na naglalaman ng limpak-limpak na pera na aabot sa milyones ang halaga. "Let us go! Ayaw niyo naman sigurong pagbabarilin namin ang mga hostage namin, tama ba? Ayaw niyo naman sigurong barilin ko rin ang mga ito gaya ng ginawa ko sa supervisor nila."
Nagkatinginan ang mga pulis. Hindi nila mapagdesisyunan kung hahayaang makaalis ang mga kriminal o hindi.
Magkakasabay na napalingon sa likuran ang mga ito nang biglang may dumating na isang kulay puting sasakyan at tumigil sa tabi ng kalsada. Agad na iniluwa nito ang isang lalaki na nakasuot ng puting barong at may hawak na kulay gintong Uzi sa isang kamay.
Agad itong tumakbo at lumapit sa tabi ng pulis na may hawak na electric bullhorn, yumuko sabay tapik sa balikat nito.
"Report."
"Mayor Max, may mga hostage sila sa loob," pamamalita ng pulis. "The robbers demand to be let go or else they will kill them all."
"Damn!" bulalas ni Max sabay sulyap sa nakabukas na pinto ng bangko. Nakita niya ang nakaluhod na mga hostage pati na ang mga nakamaskarang kriminal. Nagtiim ang mga bagang ni Max sa sobrang galit sa nangyayari ngayon dito at sa ilan pang parte ng Isla Kahel. Kakatanggap lang din niya ng mga reports kanina na may nagaganap na mga pag-atake ngayon sa ilang mga streets malapit dito sa Rosehill Road. An apparent terrorism! May mga casualties na ring nai-report dahilan sa mga naganap na pagsabog at shoot-outs.
Kasalukuyang naka-dispatch doon ang ibang mga pulis and that means hindi full force ang pwersa nila ngayon dito sa nagaganap na bank robbery. The police force are scattered. Max don't know whether to laugh nor cry. Kung wala lang hawak na hostages ang mga nakamaskarang ito ay paniguradong kanina pa pinagpiyestahan ang mga ito ng kanyang mga bala. Hindi na dapat binubuhay ang mga kriminal na ito. Mga salot ng lipunan! They're just a waste of space. An outrage against nature. And they must be stopped.
You need to learn to control your temper, Max.
"But I'm in control!"
"Sir?"
Napasulyap si Max sa pulis. Nakatingin ito nang may pagtataka sa kaniya.
"Nothing!" Muli niyang binaling ang atensyon sa harap ng bangko.
Control your temper, Max. Boses ng kaniyang ama. God, patay na ito pero hanggang ngayon ay ginugulo pa rin nito ang buhay niya. Bakit hindi ito matahimik sa impiyernong kinaroroonan nito? Bakit ayaw siya nitong patahimikin? Ano ang nagawa niyang kasalanan rito?
"I said I'm in control, you damned fool!"
No, you're not! Hindi kailanman. Kagaya ng nangyari kay Chocola. You did not control your temper. You never did.
"W-Why can't you just stay dead!"
"Sir?"
Muling lumingon si Max. Nakatingin na naman nang may pagtatanong sa kaniya ang pulis...at pagkatakot. Tila nakikita nito sa kaniyang mukha ang demonyong nananahan sa kaniyang pagkatao. Pero may demonyo nga ba sa katauhan niya? Ito ba ang kumokontrol sa kaniyang kilos? Ito ba ang dapat sisihin sa mga maling desisyon niya sa buhay? Hindi ba niya kontrolado ang lahat? Tama ba ang kaniyang ama?
"Sir, okay lang kayo?"
Hindi sumagot si Max. Humigpit ang pagkakahawak niya sa Uzi. Nakikita niya sa mukha ng pulis ang matinding pagkabahala at takot. Ngayon niya napagtanto na tila pamilyar sa kaniya ang mukha ng pulis na ito. Hindi siya maaaring magkamali. May umukit na ngiti sa labi niya nang maalala ang nangyari ilang taon na ang nakararaan. Gusto niyang matawa.
Ang pulis na kaharap niya ngayon ang batang lalaki na binugbog niya noong araw na kunin nito si Chocola sa kaniya. Ang batang ito ang dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal niyang pusa.
"Sir?"
Just tell the truth, Max. You lost your temper. You're nothing but a pathetic liar and a psychopath!
"Mahimik ka!"
"Sir, wala naman akong sinasabi-"
Nasapo ni Max ang ulo at napapikit. Umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang naghalong mga salita ng kahapon at kasalukuyan hanggang sa hindi na niya maintindihan ang mga ito. Tila sasabog ang kaniyang utak.
"Chocola..." sambit ni Max sabay dilat. Napanganga siya nang makita ang isang itim na pusa sa hindi kalayuan. Hindi siya maaaring magkamali. Ito si Chocola. Natagpuan na rin niya si Chocola!
Patakbo niyang nilapitan ang pusa, pero bago niya ito mahawakan ay may tumapik sa kaniyang mga kamay. Takang napatingala siya. Isang batang lalaki ang nakatunghay sa kaniya. Nakasimangot ito at salubong ang dalawang kilay.
"Ano'ng ginagawa mo sa pusa ko?" tanong ng bata sa kaniya. Agad nitong pinulot ang pusa at nilapat sa dibdib nito. "Sino ka ba?"
"Pusa mo?" manghang tanong ni Max. "Are you crazy? That's my cat, you idiot!"
"You wish!" buska ng bata. "Pusa ko ito. Her name is Kitkat."
"In your dreams. Her name is Chocola!" Inilahad ni Max ang mga kamay. "Here, Chocola. Come to me. Uwi na tayo. Come!"
Tumingin sa kaniya ang pusa sabay daing. Halatang na-recognize siya nito pero hindi man lang sinubukang kumawala mula sa pagkakayakap ng bata. Nanatili lang itong nakatingin sa kaniya.
"Dalawang linggong nawala si Kitkat. Siguro ikaw ang sinabi ni Mama na nakita niya na kumuha at nagnakaw sa kaniya. Ikaw 'yon!" akusa ng bata.
Natahimik si Max.
"See. Ikaw nga," taas ang noo na turan ng bata. "How dare you!"
"Chocola, come. Let's go home."
"Okay, let's see," Binaba ng bata ang pusa sa lupa.
"Come, Chocola. Come to me," tawag ni Max.
"Here, Kitkat. Here Kitty-Kitty. Come to papa," tawag naman ng bata.
Parang sinuntok sa dibdib si Max nang lumapit ang pusa sa paanan ng bata at idiin ang mabalahibong katawan sa tuhod nito.
"Chocola," puno ng hinanakit na anas ni Max. Hindi siya makapaniwalang mas pinili pa ni Chocola ang batang uhugin na ito kaysa sa kaniya. Ano'ng kabaliwan ang nangyayari ngayon? Marahil ay nananaginip lang siya. Isa itong bangungot na anumang oras ay magigising siya. Hinding-hindi ito magagawa sa kaniya ni Chocola. Mabait na pusa si Chocola. Mabait na pusa ang alaga niya!
"See? She is really my pet cat," turan ng bata. "And you stole her. Buti na lang nakita ko siya sa daan. Ano'ng pangalan mo? Ipapupulis ka namin. Magnanakaw!"
Hindi sumagot si Max.
"Isusumbong kita kay mama. D'yan ka lang. Huwag kang aalis." Akmang pupulutin ng bata ang pusa, pero mas mabilis kumilos si Max. Sa isang iglap lang, nasa kamay na niya si Chocola.
"Hey, give her back!"
Humiyaw ang pusa sa mga kamay ni Max. Nagpupumiglas. Pilit kumakawala.
"You're hurting her. Stop!"
Lalong hinigpitan ni Max ang pagkakahawak kay Chocola. How dare this cat! Pagkatapos ng pagmamahal at pag-aalaga niya rito, sa huli babalewalain lang siya nito? Pinaglaban niya ito sa kaniyang ama, binigyan ng magandang matitirhan, at pinakain ng masasarap na pagkain. After all his sacrifices, ito lang ang igaganti ng pusa na ito sa kaniya? What a joke. What a f*****g joke!
"Stop, please!" samo ng bata na tuluyan ng umiyak. "Let her go!"
Nagbigay ng mahinang daing si Chocola, bago tuluyang mabali ang leeg at madurog ang katawan sa pagkakahawak ni Max.
"KITKAT!"
"Die! Die! DIE!" sigaw ni Max sabay tapon kay Chocola. Nang humampas sa lupa ay ilang ulit nitong pinagsusuntok ang walang buhay na katawan ng pusa. Nagtalsikan ang mga piraso ng laman-loob at dugo sa lupa.
"Mama!" sigaw ng bata. Akmang tatalikod ito upang tumakbo nang hablutin ni Max ang suot nitong t-shirt. Bago pa ito muling makasigaw ay buong lakas niya itong pinagsusuntok sa mukha. Sumirit ang dugo sa kamao niya mula sa nabasag na panga nito. Tirik ang mga mata na bumagsak sa lupa ang bata.
"You made me kill Chocola, you little piece of s**t!" sigaw ni Max habang panay pakawala ng matitinding sipa sa katawan ng bata. Panay ang tulo ng luha sa kaniyang mga mata. "I'll kill you, you motherfucker! I'll f*****g kill you!" Lumuhod siya at nanginginig ang mga kamay na sinakal ito. Hindi na nagawang makasigaw ng bata. Tanging mahihinang impit ng daing na lang ang nagawa nitong mailabas mula sa pumutok at nagdurugong bibig.
"Jared! Anak!" sigaw ng isang tinig mula sa malayo. Isang may edad na babae ang patakbong lumalapit sa kinaroroonan nila. May dala itong walis tingting sa isang kamay.
Isang matinding suntok sa mukha ng bata ang pinakawalan ni Max. Narinig niya ang paglagutok ng nabaling ilong nito at ang pagragasa ng dugo mula roon. Agad siyang tumayo, dinuraan sa mukha ang bata, sabay takbo palayo...
"Wala ka bang sniper unit?" biglang tanong ni Max habang nakatingin sa duguang bangkay na malinaw na binaril ng mga nakamaskarang magnanakaw.
"Unfortunately, there is none, sir," sagot ng pulis. "Pero meron ang police force ng Isla Berde. I tried to coordinate with them pero hindi ko sila ma-contact, sir. Mukhang may problema sa wireless connection ngayon."
Natahimik si Max.
"What should we do, sir?" tanong ng pulis sa kanya nang makitang nakatunghay pa rin siya sa pintuan ng bangko. "Should we let them go, sir?"
Muling yumuko si Max at humarap at tumingin sa pulis. Gusto niya itong murahin. Napadiin ang pagkakahawak niya sa kanyang Uzi.
"Kapag pinakawalan natin ang mga nakamaskarang kriminal na 'yan, it will not be good to your record. You know that, don't you?" pahayag ni Max na parang nakikipag-usap lang sa isang uhuging bata. Binigyan niya ang pulis ng isang ngiti bagama't halata sa boses niya ang pagpipigil. "Para mo na ring pinabatid sa mga kriminal na 'yan at sa buong mamamayan ng Isla Kahel na kayang kontrolin ng mga ulupong na terorista at kriminal na 'yan ang kapulisan. Think about it. Is that what you want? "
"O- Of course not, sir. May punto kayo," nag-aalangang sagot ng pulis. "Pero paano ang mga hostage? Baka patayin din sila."
Natahimik si Max. Napapikit na tila nagdarasal habang iniisip ang mga susunod na gagawin.
"Sir?"
Nagdilim ang mukha ni Max. Iniisip niya ang maaaring mangyari kung hahayaan nilang makatakas ang mga kriminal na ito. He could almost hear those assholes laughing their asses off as they rejoices their victorious escape from the police force. At siguradong gagawa at gagawa uli ang mga ito ng krimen to their hearts' satisfaction na walang kinatatakutang consequence.
And why wouldn't they?
Natakasan lang naman ng mga ito ang kapulisan, right? No sweat.
Rob a bank.
Hostage some clerk.
Kill.
Escape.
Repeat.
Hanggang sa magmukhang katawa-tawa na ang police force at siya na Mayor. They will surely be the laughingstocks of this goddamned island because of their incompetence. And people always lay the blame to someone else, right? The Blame Game. Diyan magaling ang mga tao.
At ito ang hinding-hindi mapapayagan ni Max.
If they have to be stopped, it should be now. It is now or never.
And for Max, never is not an option.
Minulat ni Max ang mga mata at tinitigan ang pulis.
"May dala kang grenade?" kaswal na tanong ni Max na kinagulat naman ng pulis. Inilahad niya ang isang palad. "I have a better idea. Give it to me now."
Marahan at may pag-aalinlangang tumango ang pulis sabay akmang kukunin ang smoke grenade na nasa belt nito.
"But, sir, I don't think this will help–"
"Not that one,"agap ni Max. Tinuro niya ang M61 grenade. "Give it to me."
Napaawang ang labi ng pulis at halatang nagulumihanan. Tumingin ito ng may pagtatanong sa kanya.
"Pero, sir, ang mga hostage..."
"Damn those hostages!" angil ni Max sa pulis. Nang makita niya ang pagkatakot sa mga mata nito ay agad niyang pinakalma ang sarili at binabaan ang boses at kinontrol ang sarili. "This is for the greater good. Those morons must be neutralized. They really should be neutralized or else many more innocent people will die. Gusto mo ba itong mangyari? I guess not. Kung kinakailangang isakripisyo ang apat na bihag, so be it. Like I said, this is for the greater good. I don't want to but I have to. Naiintindihan mo?"
Hindi makasagot ang pulis. Nanatili lang ito na nakatingin sa kaniya na tila nakakakita ng multo. Marahil naalala na nito ang nakaraan? Na siya ang bata na muntik nang tumapos sa buhay nito?
Pahapyaw na hinablot ni Max ang grenade sa belt nito. Hindi naman siya pinigilan nito dala marahil sa takot sa kanya.
"Thanks, Jared" anas ni Max sa natulalang pulis na halatang nagtataka kung paano niya nalaman ang pangalan nito. Napangisi siya nang mapansin ang panginginig ng labi nito at ang buong katawan. Well, dapat lang itong matakot sa kanya. That's understandable. Siya ang Mayor ng islang ito. Siya ang pinakamakapangyarihan. Siya ang Diyos. No one is above the Law but him. Siya ang batas. He can do anything he wants.
And damn anyone who will stand in his way, criminals and policemen alike.
Muling gumuhit ang napakalaking kidlat sa maitim na kalangitan kasabay ng pagkulog na nagpatalon sa karamihan sa mga nakayukong pulis sa tabi ng mga mobile unit nila.
Sa isang sulok ng kalsada ay nakahimpil ang isang news van at kasalukuyan pa ring mino-monitor at binabalita ang nangyayaring hostage-taking ngayon sa loob ng bangko.
Nakatayo sa harap ng sasakyan ang reporter ng isang local tv station habang nakaharap sa nakatayong cameraman. Hawak ng reporter ang bumbunan para hindi tangayin ng medyo lumalakas na malamig na hangin ang suot nitong hijab.
Dumiretso ng tayo si Max. Akmang tatanggalin na niya ang safety pin at hahatakin ang triggering pin ng hawak na granada upang ibato sa loob ng bangko...nang bigla siyang makarinig na malakas na ingay ng tila rocket engines sa itaas nila. Nang tumingala si Max ay nakita ang isang tila bata na lumilipad patungo sa direksyon ng bangko. May lumalabas na bluish fire sa mga kamay at paa nito na tila nagsisilbing propulsion nito para makalipad.
Just like the fictional Astro Boy!
Nagliparan ang mga nakakakat na diyaryo sa sidewalk at nagtumbahan ang mga trash can sa lakas ng hanging dala ng itim na bata.
Tulalang naibaba ni Max ang kamay na may hawak ng granada at sinundan na lang ng tingin ang pabulusok na bagong dating.
Lahat ng mga pulis ay nakasunod din ng tingin sa lumilipad na pigura.
"Isang taong lumilipad ang makikitang himalang lumilipad patungo sa bangko. Isang tila bata na kalbo at...negro. That was not a racist statement, my beloved televiewers. I am just stating what I am seeing right now. Right at this very moment. You should all see this! Amazing!" pamamalita ng babaeng reporter habang nakatunghay sa lumilipad na nilalang.
Nang mga ilang metro na lang ang taas sa lupa ay pinatay na ni 404 ang jet propulsion niya at hinayaan ang sarili na bumulusok pabagsak sa harap ng pinto ng bangko. Nabasag ang sementadong lupa na binagsakan ng mga paa niya. Inaangat ni 404 ang mukha at nilingunan ang mga natigilang pulis na kasalukuyang nakaharap sa kanya at nakatingin nang may pagtataka. Ang iba ay itinutok ang hawak na mga b***l sa kanya. Malinaw na pinag-iisipan ng mga ito kung kakampi ba siya o kaaway.
Muling humarap si 404 sa bangko at tinitigan ang mga nakamaskarang kriminal na kasalukuyan ding nakatingin sa kanya mula sa loob ng nakasaradong transparent na sliding door. Puno rin ng pagtataka ang mukha ng mga ito.
"Hey, looks like the freak wants to play," wala sa loob na sambit ni Jigsaw habang panay ang lunok. Bakas sa boses nito ang bahagyang takot dala marahil sa kakaibang itsura niya.
"S- Sino ka?!" pasigaw na tanong ni Kylo Ren sa kanya. Halatang namangha ito sa biglaang pagsulpot niya mula sa himpapawid. Itinutok nito ang hawak na MK-47 sa isang nangangatog na katabing hostage. "Huwag kang lalapit! Kundi pasasabugin ko ang utak ng babaeng 'to!"
Naningkit ang mga mata ni 404. Nakikita niya ang pumipintig na utak ni Kylo sa loob ng bungo nito. Bahagya siyang napangiti sabay hakbang papalapit sa malaking pinto.
Nang makalapit ay sandali siyang huminto. Nakatunghay sa kaniya ang isang itim na batang kalbo na may nagbabagang pulang mga mata. Nakatitig ito nang masama sa kaniya.
Bigla niyang sinuntok ang sliding door. Nabasag at nagtalsikan sa paanan niya ang mga nadurog na piraso ng salamin at metal.
Nagsigawan sa takot at pagkagulat ang apat na hostages sa loob.
Nagkatinginan ang limang kriminal.
Akmang papuputukan ng isang pulis si 404 nang pigilan ito ng katabing kapwa pulis.
"HOLD YOUR FIRE!" sigaw ng Senior Superintendent mula sa likuran ni 404. Itinaas nito ang nakatikom na kamao. "NOBODY SHOOT! Just hold your positions! That's an order!"
Nagsimulang humakbang si 404 papasok ng bangko.