Kabanata 16

1561 Words
"Tigil!" sigaw ni Joker na katabi ni Kylo. Itinutok nito ang hawak na b***l sa kanya. "Stop or I'll shoot you, asswipe!" Nagpatuloy lang sa paghakbang si 404 at nanatiling nakatitig kay Kylo. Mga ilang metro na lang ang layo ng robot sa mga ito. "Okay, then. As you wish, n****r!" sigaw ni Joker sabay kalabit sa gatilyo ng b***l. KLANG! KLANG! KLANG! Mga ilang bala ang tumama sa katawan ni 404. Saglit na tumigil sa paghakbang si 404 at yumuko upang pagmasdan ang katawan na tinamaan ng mga bala. Nagkaroon ng dalawang umuusok na butas sa suot niyang sando but that was it. Nothing more. Ni hindi man lang nagasgasan ng mga bala ang kanyang titanium body. Mahusay at pulido ang pagkakalikha sa kanya ni Professor Radike. "What the f**k?!" takang bulalas ni Joker nang makitang nakatayo pa rin si 404 at tila hindi man lang ininda ang mga balang tumama sa katawan nito. "Dapat ay patay ka na. Paanong -?" Bahagyang napangiti si 404. Tinapunan niya ng isang matalim na tingin si Joker. "Please, tulungan mo kami," samo ng matandang babae na nakaluhod sa tabi ni Joker. Panay ang iyak nito. "Ayoko pang mamatay. Oh, Jesus! Please, save us" "Manahimik ka!" bulyaw ni Joker habang nakapako ang tingin kay 404. "Shut that hole in your face or I'm gonna put more hole on it." "Pinaiyak ninyo si Sasha," mariing pagsisiwalat ni 404 sa malamig na tinig. "Magbabayad kayo." "f**k Sasha! Whoever that is! Nobody cares, asshole!" bulyaw ni Joker. Muli nitong tinutok ang b***l sa ulo ng matandang hostage nang magsimulang humakbang si 404 palapit rito. "And you better stop right there or else I'm gonna blow this woman's freaking -." Biglang tumakbo palapit dito si 404 at bago pa makakilos si Joker ay matagumpay na niyang nasakmal ang leeg nito at ibinitin ng mga ilang dipa mula sa sahig. "Aaarrrrgg!" "Bibigyan kita ng sampung segundo para bigyan ako ng magandang dahilan para hindi kita paslangin, homo sapien," halos pabulong na pahayag ni 404 habang nakatingala sa nakangangang kriminal. Nakalabas ang dila nito at halatang hirap makahinga. Pinagbabaril si 404 ng apat pang mga kriminal sa likuran. Naglaglagan ang mga nayuping bala sa sahig at nangibabaw ang amoy ng gunpowder. Nagsipagdapaan naman ang mga hostage at nagsisisigaw sa sobrang gulat at takot. Nanatiling nakatayo si 404 habang sakal pa rin ang nangingisay na si Joker. Lalong diniinan ni 404 ang pagkakasakal kay Joker na halos madurog na ang lalamunan nito. Lalong nanlaki ang mga mata nito at nabitiwan pa ang hawak na armas habang namimilipit. Kahit gustuhin man nitong magsalita ay imposible nitong magawa. "Tapos na ang sampung segundo," tila malungkot na pahayag ni 404 sabay ngiti. Biglang may kulay asul na laser beam na lumabas mula sa batok ni Joker. Bumulwak mula roon ang masaganang dugo. Bumanda ang beam sa nakasabit na malaking chandelier sa kisame dahilan para sumambulat at sumabog ang mga glass stones at bulbs na nakalagay doon at magsipaglaglagan sa sahig. Tumirik ang mga mata ni Joker at nagsimulang mangisay kasabay ng pag-agos ng masaganang dugo sa kamay ni 404 na may hawak sa nabutas na leeg nito. Nagsipagtuluan ang mga dugo sa makintab na sahig. "f**k!" sigaw ni Kylo sabay atras. "f**k! f**k! f**k!" "s**t! I'm outta here! Demonyo ang lalakeng 'yan," bulalas ng isang kriminal na naka Creepy Clown mask. Agad itong tumalilis ng takbo patungo sa waiting area upang maghanap ng bintana na maaaring malusutan. "Hey, wait for me!" tawag naman ng isa na nakaGhostface mask. Agad nitong binitiwan ang hawak na hostage at tumakbo na rin palayo. Inihagis ni 404 ang walang buhay na katawan ni Joker sa isang sulok. Bumagsak ang bangkay sa tabi ng atm machine. Pagdaka'y biglang may lumabas na retractable minigun sa balikat niya at tumutok sa dalawang papatakas na kriminal. Dalawang putok ang kumawala rito at ilang saglit pa ay walang buhay na nagsipagbagsakan sa sahig ang dalawang kriminal. Muling bumalik sa pinagtataguan nito sa kanyang balikat ang medyo umuusok pang minigun. Nagtakbuhan ang tatlo sa apat na mga bihag ngunit bago pa makalabas sa pinto ay pinaulanan na ang mga ito ng bala nina Kylo at Jigsaw. Walang buhay na nagsipagbagsakan ang mga ito sa sahig na parang mga mannequin. Susulyapan sana ni Jigsaw si 404 nang biglang bumulwak ang tiyan nito. Lumabas at lumitaw mula roon ang isang itim na kamay na kasalukuyang hawak ang ilan sa mga naputol na mga bituka nito. Umagos ang masaganang dugo sa sahig at mga piraso ng karne. Nakangangang napasulyap si Jigsaw sa likuran at nakita niya si 404 na nakangisi habang nakatingin din sa kanya. Ilang saglit pa ay tirik ang mga mata itong bumagsak sa sahig. Pinagmasdan ni 404 ang mga dugo na pumapatak mula sa kamay niya. Meron din nito si Sasha. Importante ang dugo sa mga homo sapien. Kumusta na kaya ang bata? Ayos lang kaya ito kasama ang salbaheng kapatid nito na si Duncan? "A- Anong klaseng halimaw ka?" takot na tanong ni Kylo sa nanginginig na tinig. Sinulyapan ito ni 404. "Let's just say...that I'm Frankestein's monster," sagot ni 404 sa mahinang tinig. Nagsimula siyang humakbang palapit rito. "f**k! Don't you dare!" sigaw ni Kylo sabay hablot sa buhok ng isang lalakeng hostage at itinutok ang b***l sa ulo nito. "See? Go ahead, come here and watch me blow his head off. Sure!" Nagpatuloy sa paglapit si 404. "Tigil!" "Pakiusap, huwag mo akong patayin. May mga anak ako," pagmamakaawa ng lalaki kay Kylo. Patuloy pa rin sa paglapit si 404. "f**k!" sigaw ni Kylo sabay b***l sa ulo ng lalaki. Sumambulat ang mga dugo at piraso ng utak sa damit nito at sa sahig. Walang buhay na bumagsak sa lupa ang lalake na medyo nangingisay pa ang isang paa at panay ang agos ng dugo sa sumabog na bungo. "s**t! f**k!" Napangisi si 404. Nang tuluyang makalapit ay inilahad niya ang isang kamay para sakmalin ito sa leeg. Nakaiwas si Kylo at muling itinutok ang hawak na b***l kay 404. "Wala ka ng bala, stupid homo sapien. Your magazine's already empty. I can see it," pahayag ni 404 habang nakasunod ng tingin sa umaatras na kriminal. Totoo ang sinabi ni 404 dahil nang muling kalabitin ni Kylo ang gatilyo ng MK-47 para muling barilin ang robot ay hindi na ito pumutok. "s**t!" mura ni Kylo sabay tapon sa hawak na sandata. Agad nitong hinubad ang suot na Kylo Ren mask. Tumambad kay 404 at sa lahat ang maamong mukha nito. Matangos ang ilong nito at kulay pula ang naka Mohawk style na buhok. Itinapon nito ang bag na naglalaman ng mga pera sabay taas sa dalawang kamay. "Pakiusap, huwag mo akong paslangin. Maawa ka!" "Bigyan mo 'ko ng magandang dahilan kung bakit hindi kita dapat patayin," awtomatikong tanong ni 404. Natigilan ang binatilyo. Nag isip ng isasagot. Maya-maya ay nagliwanag ang mukha nito at bahagyang napangisi. "Because I'm just a kid just like you, boy. Can't you see?" sagot nito. "Hindi mo ako pwedeng patayin. It's against the Laws, you know. Makukulong ka!" Unti-unti itong humakbang paatras palapit sa main entrance ng bangko. Nang medyo makalapit na sa b****a ay agad itong lumingon at sumigaw sa mga pulis na nasa labas. "Hey! Suko na ako! DON'T SHOOT ME! PLEASE! I'm just fifteen! I'm just a kid!" Nang muling humarap ang binatilyo ay nasa tabi na nito si 404. Bago pa ito makasigaw ay sinakmal na ito ng robot sa leeg. "Sorry, boy. I don't think that was a good answer," anas ni 404. "HELP!!! Somebody help me!!!Don't let him kill me! PLEEEASE! Oh God!" sigaw ng binatilyo. Panay ang ubo nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mapupulang mga mata ng mala-halimaw na n***o na sumasakal ngayon sa kanya. "LET HIM GO, BOY!" utos ng pulis gamit ang electric bullhorn mula sa labas mg bangko. Katabi pa rin nito ang Mayor na nakatunghay din kina 404 at sa binatilyong sakal nito. Hawak pa rin ni Max ang M61 grenade. Itinaas ni 404 ang kamay na may hawak sa leeg ng binatilyo at hinayaan itong nakabitin sa ere habang nasasakal. Nagpaikut-ikot sa ere ang dalawang paa nito habang kapit ng dalawang kamay ang matigas na kamay ng robot. Napanganga ito at imboluntaryong nailabas ang dila. Hindi na ito makapagsalita. "Kid! PUT HIM DOWN OR WE WILL SHOOT YOU! THAT'S AN ORDER!" Napasulyap si 404 sa pulis na may hawak ng bullhorn. Nanlisik ang mga mata niya. Anong karapatan ng homo sapien na ito na utusan siya sa kung anong gagawin niya? Bulag ba ito at hindi nakikita na mas nakaaangat siya sa mga ito? Kung meron mang dapat magbigay ng utos, siya 'yon at hindi ang mga talipandas na ito. "C'mon, boy. Kung isa kang kakampi, PUT HIM DOWN!" Muling ibinalik ni 404 ang tingin sa naghihingalong binatilyo. Nakita niyang tumitirik na ang namumulang mga mata nito at nagkukulay asul na ang mukha nito. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal rito. Ganito ang mangyayari sa mga taong mang-aapi at magpapaiyak kay Sasha. He will "unplug" them, to use the late Prof Radike's word. Magbabayad sila nang mahal. At buhay nila ang kabayaran. Napigtas na parang patpat ang leeg ng binatilyo. Sumambulat ang dugo sa mukha ni 404. Pagdaka'y pabalang niyang tinapon sa sahig ang bangkay sabay tingin sa mga pulis. "FIRE! FIRE! FIRE!" Namayani ang nakabibinging ingay ng putok ng mga b***l.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD