Sa loob ng bungalow, panay ang iyak ni Sasha habang nakaupo sa sahig at nakatunghay sa binabalita sa tv. Nakita niya si 404 habang pinaliligiran ng mga armadong pulis. Nakaramdam siya ng matinding takot hindi para kay 404 kundi para sa mga pulis. They can't defeat 404. Kayang-kaya ni 404 na paslangin ang mga pulis gaya ng pagpaslang nito sa mga nakamaskarang kriminal at kay Mayor Sullivan.
They will never win!
Nasapo ni Sasha ang bibig habang panay pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.
Somehow, pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari. Kasalanan niya kung bakit nasawi ang mga ito. Kung hindi sana niya pinapunta roon si 404 upang iligtas ang mga hostage, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Kung nalaman...
...(Sasha's POV)
...ko lang na bad si 404, hindi ko na sana siya pinapunta roon. Hindi ko na sana siya kinaibigan. Hindi ko na sana siya inayos nang makita ko siya sa ilalim ng nasirang treehouse ni Kuya Duncan. Hindi ko na sana siya tinulungan. Bad siya! Pinatay niya 'yung mga kriminal pati na 'yung Mayor namin na walang kalaban-laban sa kanya. Akala ko mabait na robot si 404 pero masama pala siya. He is a bad robot. I hate him! Bad siya.
Muli akong napaiyak at...
...
...napalingon ang bata sa kanyang likuran at nakita si Duncan na nakadungaw sa pintuan ng kwarto nito at nakatunghay din sa binabalita sa tv. Bakas sa mukha nito ang sobrang sindak habang matamang nakatitig sa nakangising mukha ni 404 na pinapakita sa screen.
"Kuya Duncan, lungkot ko," mahinang sambit ni Sasha habang tahimik na umiiyak.
Ibinaling ni Duncan ang atensyon at tingin sa nakababatang kapatid. Nagsalubong ang dalawang kilay nito at umasim ang mukha.
"Wala akong pakialam!" bulyaw ni Duncan. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo."
Lalong napaiyak si Sasha.
"Nakita mo na? Nakita mo na kung gaano kasama 'yang 'good and intelligent robot' na ipinagmamalaki mo?" tanong pa ni Duncan na may halong pang uuyam... at takot. Medyo garalgal ang boses nito. "I knew it all along. That robot is nothing but trouble. I knew it the very first time I saw that piece of junk."
Natahimik si Sasha.
"What have you done, Sasha?"
"Kuya Duncan..."
"You've just fixed a robot monster. And now we're all doomed because of you, thanks alot, sis."
"Please, Kuya Duncan. Hindi 'yun ang intensyon ko," humihikbing pahayag ng bata.
Si Duncan naman ang natahimik habang pinagmamasdan ang pag iyak ng kapatid.
"That's right, sis. Dapat ka lang malungkot at umiyak. Bakit? Dahil kasalanan mo ang lahat ng ito. Walang dapat na sisihin kundi ikaw. Those people are dead because of you. And I know that you know that, don't you? You're VERY smart, right? You're a genius."
Hindi na sumagot si Sasha. Tahimik lang siya na umiyak at malungkot na nakatingin sa sahig.
"Yan. Ganyan ka. Mag isa at malungkot. Mayabang ka kasi. Yan ang napala mo. Buti nga sa 'yo. You deserve it, little sis," pang uuyam pa ni Duncan sabay irap sabay sarado sa pinto.
Napalingon si Sasha sa bintana nang marinig ang ingay ng paparating na motorsiklo. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi at tumayo sabay tungo sa tabi ng bintana at dumungaw. Agad na sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa labas. Napansin din niya ang mga nalalaglag na tila mga bulak sa kalangitan subalit mas natuon ang pansin niya sa tatlong nakamaskara na nakasakay sa isang motorsiklo na huminto sa tapat ng bahay nila.
Agad na nagsipagbabaan ang mga ito at nagtakbuhan palapit sa pinto nila. Napansin at napasulyap sa kanya ang isa sa tatlo na nakasuot ng Chucky costume habang lumalapit. Kinawayan siya nito at binigyan ng flying kiss.
Napaatras si Sasha at akmang tatawagin ang kanyang Kuya Duncan nang makita niya itong lumabas galing sa loob ng kwarto nito suot ang sariling spacesuit na kulay pilak. Hawak nito ang space helmet sa isang kamay. Patakbo itong nagtungo sa pinto at pinagbuksan ang tatlong kasapi ng Dead Duck Squad. Agad na pumasok ang mga ito sa loob dala ang malamig na hangin at mga snowflakes mula sa labas pati mga nanigas na mga patay na dahon. Nagliparan ang mga coloring book at drawing papers ni Sasha na nasa ibabaw ng lamesa at nagsipaggulungan ang mga nakakalat na crayons pabagsak ng sahig.
"s**t! It's so cold out there," bulalas ni Cody sabay tanggal sa suot na Creepy Clown mask. Medyo nangangatal pa ang mapulang labi nito. "I'm gonna freeze!"
"Narinig niyo ba 'yung mga nagaganap na riot ngayon dito sa isla?" masiglang salubong ni Duncan sa mga ito na kay Deepak nakatingin. "This island is becoming a war zone! f**k! It's on the tv. See?" Tinuro niya ang nakabukas na tv. Kasalukuyang pinapakita ang mga bangkay na nasa sidewalk ng kasalukuyang nasusunog na Mercy Hospital. May mga gunshot wounds ang mga ito.
"I see it," sagot ni Deepak habang suot pa rin ang itim na maskara. "This island's going crazy."
"This is getting exciting!" bulalas naman ni Cody habang nakatunghay sa tv. Nakangisi ito.
Kumunot ang noo ni Sasha sa narinig. Lihim niyang pinandilatan si Cody. Many people are dying right now and he call that exciting? Seriously? Anong pag iisip meron ito?
"Yeah, you can say that again, Cody," sang ayon naman ni Duncan sabay ngisi. Ito naman ang pinandilatan ni Sasha. Gusto niyang angilan ang mga ito. Sumbatan. Pagalitan. Pero natatakot siya na baka saktan at bugbugin siya ng mga ito kapag kumontra siya. Wala siyang kalaban-laban sa mga ito. She's just a little kid. Only nine.
And a girl.
Tumingin sa labas ng pintuan si Duncan. Panay pa rin ang pagbagsak ng mga yebe. Halos mamuti na ang mga halamanan at mga puno sa pagkakatabon ng mga snowflakes. Maging ang lupa ay namumuti na rin. Animo'y may naganap na Grand Styrofoam Day kung saan sabay-sabay na kinayod sa mga dingding ang gabundok na piraso ng styrofoam at isinaboy sa buong paligid. "God, this is so weird. Paano magkakaroon ng snowfall dito sa Isla Kahel? Nasa tropical country tayo. Tell me I'm just f*****g hallucinating, guys. Come on, tell me."
"Hindi ko rin alam, my buddy ol' friend," ani Deepak habang nakatingin din sa labas. "But, no. You're not f*****g hallucinating, my friend. I can see it, too. We can all see it. Very weird, indeed. So fuckin' weird."
"A bizarre climate change, I guess," ani Cody habang hinihimas ang dalawang kamay. "Straight from the Twilight Zone!"
"s**t! I'm freezing!" bulalas naman ni Nathan. Agad nitong tinanggal ang suot na maskara at pasalpak na umupo sa couch. Ipinatong pa nito ang mga paa sa maliit na coffee table na animo'y nasa sariling bahay lang ito sabay tingin kay Sasha na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng bintana. Kinindatan nito ang bata. "Hi, little girl. Mukhang nilalamig ka. Want me to hug you? Come here."
"N-No, thanks. I'm fine," tanggi ni Sasha habang pinagmamasdan ang fearsome-looking fiercings nito sa mukha. This boy is very weird. And so scary, naisaloob ni Sasha sabay yakap sa magkabilang braso nang biglang pumasok ang malamig na hangin mula sa bintana. Bahagya nanginig ang mga kalamnan niya. Animo'y galing sa isang malaking tipak ng iceberg ang hanging dumampi sa katawan niya.
"You're lying," ani Nathan sabay ngisi. "C'mon, little girl. Don't be shy. Lemme hug you. Papainitin kita. And me as well." Bigla nitong inilabas ang dila na parang aso. May mga fiercing din na nakatusok doon.
Takot na umiling si Sasha sabay tingin kay Duncan na nakatingin din sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkainip at pagkabagot.
Akmang tatayo si Nathan upang lapitan ang bata at pwersahang yakapin nang sigawan ito ni Duncan.
"Don't even think about it, Nathan," ani Duncan sa nagbabantang tinig. "Don't you dare touch her"
"Oh, c'mon, Duncan! I just wanna play with your little sister. She's so cute," pangangatwiran ni Nathan. Muli itong tumitig ng makahulugan kay Sasha at ngumisi. "Hi, there. I'm Chucky. Wanna play with me? Hide the soul?" sambit pa nito sa mataas na tinig.
Mabilis na umiling si Sasha na bakas pa rin sa mukha ang takot.
"Hey, hey, knock it off. Stop harassing her. Leave her alone. f**k off, dude," saway pa rin dito ni Duncan. "Huwag ang kapatid ko. She's still a child, dumb-ass."
"Your face and my a*s, Duncan," anas ni Nathan sabay tukod ng ulo sa sandalan ng couch at pumikit. Nakangisi pa rin ito. "f**k you," pahabol nw anas pa nito sa mahinang boses.
"f**k you, too, cuntface," ganting pahabol ni Duncan sabay bigay rito ng dirty finger.
Umupo rin sa tabi ni Nathan si Cody sabay siko rito sa tagiliran.
Dumilat si Nathan at iniangat ang isang kamay at sinuntok ito ng mahina sa balikat.
"Look, guys! I'm smoking w**d. See?" bulalas ni Cody sabay buka ng bibig at exhale. Lumabas ang tila usok sa bibig nito na labis na kinatawa naman ni Nathan.
"Don't laugh, jack-a*s. You have one, too," nakangising paalala ni Cody.
"Yeah. Cool," sang ayon ni Nathan sabay exhale. May lumabas ding tila usok sa bibig nito. "I'm a mighty dragon throwing icy breath!" Sabay tawa.
"Suotin mo 'yung spacesuit mo, Sasha, para hindi ka lamigin," utos ni Duncan nang makita ang panginginig ni Sasha sa isang sulok. May bahagyang pag aalala sa boses nito datapwa't walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa bata. "Go on, little sis. Go to your room and put it on,"
"S-Sige, Kuya Duncan," ani Sasha sabay takbo patungo sa sariling kwarto. Medyo nakahinga ng maluwag ang bata nang mapagtantong nag aalala din pala sa kanya ang kanyang Kuya Duncan kahit paano at pinagtanggol pa siya nito kay Nathan. Pero mas nakahinga pa siya ng maluwag nang mai-lock na niya ng tuluyan ang pinto ng kanyang kuwarto at masigurong hindi na makakapasok ang mga ito in case na mapagdesisyunan ng mga ito na awayin siya at saktan. She knew her big brother. May pagka erratic din ang ugali nito at may volatile temper. Pabago-bago ng mood. Minsan mabait at mas madalas salbahe. Habang sinusuot ang sariling spacesuit ay pinagdasal niya na sana ay umuwi na ang kanilang Ma at Pa. She will feel more secured kung nandito ang mga ito bukod kay Duncan.
Biglang nakarinig si Sasha ng mahinang saliw ng musika na sumasabay sa malakas na ihip ng hangin. It comes from outside, somewhere not far away. Nang pakinggan pa niya ng maigi ay narealize niya na kantang White Christmas ang kanyang naririnig. Ilang saglit pa ay naglaho at nagfade na ang saliw ng musika at tuluyan ng natabunan ng ingay ng ihip ng hangin at hampasan ng mga sanga at langitngit ng bubong.
"What a wonderful brother you are, Duncan! So touching," pahayag ni Deepak habang nakatingin kay Duncan sa likod ng suot na maskara. Humalukipkip ito. "I thought you hate your sister."
Tumingin si Duncan sa parteng mata ng suot na maskara ni Deepak. Sumeryoso ang mukha niya.
"I do hate her. I will always hate her," halos pabulong na sambit ni Duncan. "She's just a waste of space. But from now on, I should look after her. Hindi maaaring may mangyaring masama kay Sasha. Siguradong babalikan ako ng monster na kaibigan niya. Long story, Deepak."
"Then, make it short," tugon ni Deepak habang inaalis ang suot na maskara. Tumambad sa kaniya ang mukha nito na walang suot na shades. Isang pares ng malalaki at mapupulang mata ang mariing nakatitig ngayon sa kanya. Napalunok si Duncan. Naalala niya ang mga mata ni 404 na kasingpula din ng mga mata ni Deepak. "By the way, what monster?"
"A monster robot. A monstrous homicidal robot," pagsisiwalat ni Duncan sa mababang tinig. Napalunok pa siya.
"You've got to be f*****g kidding me," may pagdududang pahayag ni Deepak. Medyo naningkit ang malalaki nitong mga mata nito. Kumunot ang noo at nagsalubong ang dalawang kilay (metaphorically dahil walang mga kilay si Deepak).
"No, man. I'm not f*****g kidding you," ani Duncan sabay baba ng tingin. Medyo nakakaramdam siya ng pagkahilo sa tuwing nakikipagtitigan kay Deepak. Sumasakit ang kanyang ulo at naduduwal na hindi niya maintindihan. There's something in Deepak's two "tantalizing" eyes that makes him uneasy and sick to the stomach. How he wish na may suot itong shades ngayon. Masakit sa mata ang mga mata nito. "404 ang pangalan niya. And it's also a bad-a*s like us. Kakaiba siya sa ibang mga robots na nakita at nabasa ko. It's a thinking robot. A homicidal robot. At sobrang lakas din niya. Daig pa niya si Superman. Hindi ninyo nakita kung paano niya 'ko binuhat na parang papel at ihagis sa koral ng mga baboy. It was so horrible!"
"The weeds..." biglang sambit ni Cody sabay hagikhik. "It's the weeds."
Napahagikhik din si Nathan habang nakapikit.
Pinandilatan ni Duncan ang dalawa.
"Hey, stop it, okay?" angil ni Duncan. "Nagsasabi ako ng totoo."
"Of course, Duncan. We believe you," ani Deepak sa mahinang tinig. "At maniwala ka rin kapag sinabi kong isa akong mutant na produkto ng pumalpak na ekperimento ng isang baliw na scientist."
Lalong naghagikhikan sina Nathan at Cody sa kinauupuan.
"Yeah. Right. Mutant ka. Sure," sarkastikong tugon ni Duncan habang nakatitig sa malalaking mata nito. Afterall, Deepak really was a mutant, scientifically speaking. Somehow, Duncan can agree. Just look at Deepak's two big eyes and razor-sharp teeth. Yeah, Deepak's a f*****g scary mutant, alright. A by-product of a misguided human evolution inside her mother's belly. A disgrace against nature. "The hell I will."
"Bigyan mo kami ng proof sa mga sinasabi mo, Duncan. Malay mo mapaniwala mo rin kami sa mga kalokohan mo," nakangising hamon ni Nathan.
"Oink! Oink!" pang aasar naman ni Cody sabay nguso sabay bungisngis.
Natahimik si Duncan habang nag iisip ng malalim.
Natahimik din si Deepak habang nakatingin kay Duncan.
Natahimik din sina Nathan at Cody habang nakamasid kina Duncan at Deepak. Tanging ang lumalakas na ihip ng hangin na humahampas sa mga sanga ng puno at sa bubong at okasyonal na pagkulog na lang ang maririnig nang mga oras na 'yon.
Biglang lumakas ang volume ng tv na kinagulat nilang apat.
Sabay-sabay silang napalingon sa tv screen.
Kasalukuyang binabalita at pinapakita thru live stream ang isang itim na tao na lumilipad palayo sa gumuhong bangko sa Rosehill Road. Agad itong nakilala ni Duncan bilang si 404.
"Proof?" Kaswal na itinuro ni Duncan ang tv screen. "That's my proof. See that -?"
Biglang nanginig ang kamay ni Duncan at nangatog ang mga tuhod nang mapagtantong sa direksyon nila... sa direksyon ng Hollow Lane patungo ang robot!