?"May tatlong bibe akong nakita. Mataba. Mapayat. Mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. Siya ang leader na nagsabi ng kwak-kwak ..." ?
Naiiling na nasapo ni Duncan ang noo. Naririnig pa niya ang ganadong pagsabay ni Sasha sa nakakairitang children song na 'yon. Favorite song talaga ng buwisit na batang bubwit na 'yon ang Tatlong Bibe. Oras-oras na lang lagi 'yan ang pinapatugtog. Nakakasawa na. It's already getting in his nerves. Parang sasabog na ang utak niya. Gusto yata siyang patayin ni Sasha. Her nerves!
Kuyom ang mga kamao na lumabas ng sariling kwarto si Duncan at tinungo ang kwarto ni Sasha. Natiyempuhan niya ang kapatid na naglilinis ng kwarto nito gamit ang isang feather duster. Kumekembot pa ito habang kumakanta ng Tatlong Bibe. Mukhang masaya pa ito sa ginagawang pang-iinis sa kanya. Lalong nanggalaiti sa galit si Duncan.
Walang alinlangang pumasok si Duncan sa loob at pahapyaw na pinatay ang casette player na nasa ibabaw ng tokador sa tabi ng bintana.
"Kuya Duncan, bakit mo pinatay?" takang tanong ni Princess nang makita ang ginawa ni Prince. Itinigil muna nito ang ginagawang paglilinis at lukot ang mukhang nakipagtitigan sa kapatid. "I'm listening."
"'I'm listening'" ulit ni Duncan sa matinis na boses habang nakasiring kay Sasha. "Pa-English-English ka pa d'yang bata ka. Yabang mo."
"Ikaw ang mayabang. Bakit mo pinatay 'yong cassette?"
"Dahil nakakasawa na. Puro Tatlong Bibe na lang naririnig ko magdamag. Ang korny mo talaga. Wala ka bang alam na ibang kanta? Mukha ka ng bibe."
"E 'di huwag ka pong makinig. Takpan mo 'yang tenga mo."
"Pilosopo ka?"
"Duncan!" sigaw ng isang tinig mula sa sala. "Ano'ng kaguluhan yan? Inaaway mo na naman ba ang kapatid mo?"
"Ma, hindi po," ganting-sigaw ni Duncan. "Nakikipaglaro lang ako sa kanya." Muli niyang pinatugtog ng malakas ang casette player para hindi na nito marinig ang mga susunod pa niyang sasabihin. Patakbo siyang nagtungo sa bata at lumuhod sabay duro. "Ikaw, ha. Hindi porke't uhuging bata ka hindi kita papatulan. Gusto mo itapon kita sa ilog at ipakain sa mga pating? Gusto mo?"
"Wala namang pating sa ilog, Kuya Duncan. Buwaya pa siguro."
Naglaho ang ngisi sa labi ni Duncan.
"Ah, mas gusto mo pala sa buwaya. Puwes, sa buwaya kita ipapakain."
Rumehistro ang pagkabahala sa mukha ng bata.
"Y-You're a jerk!"
"Ano'ng sabi mo?!" inis na sambulat ni Duncan sabay hablot sa hawak nitong feather duster at buong giting na hinagis sa isang sulok. Muli siyang napangisi nang makita ang takot sa maamong mukha ni Sasha. "Oh? Ano ka ngayon? Sa susunod ikaw na ihahagis ko sa labas ng bintana. Lilipad ka ng wala sa oras."
"Can you please stop being a jerk!" Isang suntok ang pinakawalan ng bata.
"What the f**k!" Hinimas ni Duncan ang kaliwang balikat. Pinandilatan niya ang bata. "How dare you. Alam mo bang pwede kitang sampahan ng kaso, you little piece of s**t? Physical assault. Mabubulok ka sa kulungan."
"I dare you to try it."
Akmang papaluin ni Duncan si Sasha sa p***t nang biglang lumitaw sa pinto si Zeny na may hawak na bilao na puno ng gulay.
"Duncan! Inaaway mo na naman ba 'yang kapatid mo?" salubong ang mga kilay na usisa ni Zeny.
"Of course, not! Bakit ko naman gagawin 'yon? Naglalaro lang po kami ng jackenpoy. Lagi siyang talo kaya nagagalit." paliwanag ni Duncan sabay ngiti nang matamis. Tinapunan niya nang makahulugang tingin ang bata sabay lahad ng kamay. "Papel ako. Nasaan ang sayo? Madaya ka talaga. Tsk. Tsk!"
"Totoo ba 'yon, Sasha?"
"O-Opo, Ma. W-We're just playing. But-"
"Haha! Ang cute mo talaga. Para kang p***t ng baso. Papisil nga," nakangising pahayag ni Duncan sabay pisil sa pisngi ng bata. Madiin.
"Ouch!"
"Duncan! Itigil mo 'yan."
"Oh ano, Sasha. Laro pa tayo? Hindi ka pa nakakabawi e. Sorry, magaling kasi ako."
"Ayoko na po."
"Weh? Gusto mo pa, e. Sige na. Isa pa. Promise, hindi ko na gagalingan."
Umiling ang bata.
"Tama na 'yan, Duncan. Mabuti pa tulungan mo na lang akong ilagay ang mga gulay sa tricycle," utos ni Zeny.
"Sige, Ma," sang-ayon ni Duncan. Tinulungan niya ang ina sa paghawak sa bilao at sabay na tinungo nila ang naghihintay na sasakyan sa labas. Nang mailagay at makitang okupado na ulit sa ginagawa ang ina ay agad na bumalik si Duncan sa kwarto ni Sasha. Nadatnan niya itong nag-aalis ng mga sirang laruan na nasa loob ng kabinet at inilalagay sa nakabukas na karton sa tabi nito. Nakakalat sa sahig ang mga laruan tulad ng mga G. I. Joe, Barbie Dolls at b***l-barilan.
"Tomboy. Pssst! Tomboy," pang-aasar muli ni Duncan habang nakangisi. Hindi naman siya pinapansin ng bata. "Senpai, notice me."
"Can you please leave me alone?" bulyaw ni Sasha sabay siring sa kanya. "And I'm not a tomboy, you stupid jerk."
"E, bakit mahilig ka sa mga toy g*n? And... G. I. Joe! Tomboy ka talaga, aminin mo na."
"None of your business. Okay? Now leave!"
"Tomboy."
"Trespassing ka. This is my room. You have your own. You're not respecting my boundery. Now leave. Please!"
"Masyado kang makalat. Kuwarto ba ito o isang kweba?" pang-aasar pa ni Duncan habang umiiling na pinag-aaralan ang kabuuan ng kwarto ng kapatid. "Kulang na lang mga malalaking paniki na nakasabit sa kisame. Siguradong may namamahay ng mga ahas sa ilalim ng kama mo. Baka may dambuhalang anaconda na d'yan. Hala ka, Sasha. Mamayang gabi gagapangan ka niya at lulunukin ng buo. Oohhhh! Scaaaary!"
Nabalutan ng takot ang mukha ni Sasha. Pero nang makitang nakangisi ang nakatatandang kapatid ay mas namayani ang pagkainis nito.
"You should see your own room. Parang dinaanan ng bagyo."
"Ows, talaga? At kailan ka pa naging weather forecaster?"
"Can you please get out of my room?"
"No," tanggi ni Duncan sabay ngiti.
"Ma! Kuya Duncan is terrorizing me again!"
"Duncan! Huwag mong guluhin 'yang kapatid mo!" sigaw ni Zeny mula sa labas ng bahay.
"Hindi, Ma!" sigaw ni Duncan. Siniringan niya ang bata. "Buwisit ka talaga."
Inirapan lang siya ni Sasha at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Ano 'yon?" biglang tanong ni Duncan. Nakatitig siya sa karton sa tabi ni Sasha.
"What?" kunot-noong tanong ni Sasha sabay tingin nang may pagdududa sa kanya.
"Yung nasa karton. Kita mo ngang d'on ako nakatingin, e. Silly."
Napatingin din si Sasha sa karton.
"What about it?"
"Diaper ba 'yon?"
"A diaper?" takang tanong ni Sasha. Pinagmasdan nito nang maigi ang laman ng kahon. "Wala naman akong nakikitang diaper."
"Ayun, oh. Natatakpan ng mga bulok na laruan mo."
"Wala naman," giit ng bata habang hinahalukay ang loob ng karton. Inis na tumingala ito sa kanya. "Can you please stop goofing around." Sabay sigaw, "MA! Ayaw po akong tantanan ni Kuya Duncan! MA!"
"DUNCAN!"
"Hindi po, Ma! Nagsisinungaling po siya! Wala po akong ginagawang masama sa kanya!"
"Get out of my room!" pagtataboy ni Sasha. "I said get out. Now!"
"No."
"Get out! Duncan, you jerk!"
"Anong Duncan? Kuya Duncan! Wala ka talagang galang."
"Whatever. Just get out. Please."
"No."
"Yes, you are!" Dinampot ni Sasha ang isang sirang manika sa karton. "Ibabato ko talaga ito sa mukha mo kapag hindi ka pa umalis. Now get out!" Itinuro pa nito ang pinto.
"Baka tumama," anas ni Duncan sabay sandal sa dingding. Napansin niya ang katabing switch ng ilaw at diniinan ito gamit ang kaliwang balikat.
Namatay ang ilaw.
Napasigaw si Sasha.
Muling bumukas ang ilaw.
"Ano ba, Kuya Duncan?! Why are you doing this? Stop being a jerk."
"Wala naman akong ginagawa? Kita mong nakasandal lang naman ako dito sa dingding, e. Bulag ka ba?" painosenteng turan ni Duncan. "Huwag kang namimintang. Ang bata-bata mo pa pero napakasinungaling mo na. Bad ka talaga."
"Ikaw ang bad. At hindi ako nagsisinungaling! Sinasagi mo ang switch ng ilaw. You're doing that on purpose!"
Muling namatay ang ilaw.
Napasigaw uli sa takot ang bata.
Muling bumukas ang ilaw.
"I hate you! Get out! I said get out, you jerk! Get out!" umiiyak na sigaw ni Sasha sabay bato kay Duncan ng hawak nitong manika. Nakailag naman si Duncan at mabilis na lumabas ng pinto habang tumatawa. Nandila pa siya at tinapik ang sariling p***t bago tuluyang umalis at iniwan ang umiiyak na kapatid.
"Duncan! Ano na naman bang ginawa mo sa kapatid mo?!" galit na salubong ni Zeny kay Duncan. Sinubukan nitong hablutin ang braso ng anak subalit mabilis na nakaiwas si Duncan.
"Wala, Ma. Sige po. Magre-review pa po ako sa silid ko," paliwanag ni Duncan sabay takbo sa sariling kwarto at mabilis na sinarado at ni-lock ang pinto. Hindi maalis ang ngisi sa mukha niya habang pinapakinggan ang pagngawa ni Sashasa kabilang silid habang pinapatahan ng kanilang ina. Ewan niya pero sobrang gusto talaga niya itong nakikitang umiiyak at nagagalit.
Sa halip na mag-review tulad ng sinabi ay nahiga lang si Duncan sa papag at umidlip.