28 days earlier...
Isang hindi kilalang scientist ang matagumpay na nakalikha ng isang android na may kakayahang mag-isip para sa kanyang sarili at makipag-usap nang may katalinuhan sa mga tao.
Ang pangalan ng android na ito ay 404 (pronounced as Four-O- Four) : a highly intelligent deadly killing machine. 404 was created and designed for offensive purposes. It is a literal walking firearms. Its titanium body consists of a retractable shoulder minigun, mini-rocket launcher, heat-seeking missiles, flamethrower, plasma blade, plasma cannon, laser g*n, variable-configured double barrel cannons. All of it hidden inside its sturdy body. 404 also has repulsors on each palm.
404 was also created for a selfish purpose: to obey its creator, Professor Radike. Alam rin nito ang Three Laws of Robotics though it was revised from the standard Laws for they signifies ONLY its creator as its top priority.
Revised Three Laws of Robotics are as follows:
1)A robot may not injure its Creator (Prof Radike) or, through inaction, allow its Creator to come to harm.
2)A robot must obey the orders given it by its Creator except where such orders would conflict with the First Law.
3)A robot must protect its own existence as long as such protection does not conflict with the First or Second Laws.
Madaling araw, kasalukuyan silang nasa loob ng private jetplane ng Professor at tinatahak ang maulap na kalangitan pabalik sa Isla Azul kung saan nakahimpil ang secret laboratory at war factory ng matanda. Galing sila sa Switzerland mula sa dinaluhang conference.
Biglang nagkaroon ng bahagyang air turbulence dahilan upang umalog ang jetplane. Malakas ang hangin at buhos ng ulan sa labas dahil sa isang tropical storm. Panay ang pagkulog at kidlat. Halos mapunit na ang mahaba at malaking banner na nakasabit sa buntot ng jetplane. Nakasaad ang mga katagang
!!!SCIENCE ROCKS!!!
Napakislot si Professor Radike sa kinauupuan nang muling umalog ang jetplane. Agad itong hinawakan ni 404 sa balikat upang hindi ito mahulog. Sa halip na magpasalamat ay tumango lang ang matanda.
"Ayos ka lang ba, Prof Radike?" tanong ni 404.
"Nakakataba naman ng puso ang pinapakita mong pag-aalala sa akin, 404," nakangising pahayag ni Professor Radike. Muli nitong binuklat ang binabasang Popular Mechanics magazine at muling itinuon ang paningin doon. "Though I know that you're just faking your concern about me. Huwag kang mag-alala, 404. I'm still alive and kicking. Hindi pa 'ko patay."
"Tunay akong nag-aalala para sa 'yo, Professor Radike."
"Oo, 404. Nag-aalala ka. Pero hindi sa akin. You're worried about saving your metallic a*s. Paano ko nasabi? I'm also a psychologist, remember? I know how to read body languages and facial expressions. I can read you. And why the hell not? I just created you, you pathetic piece of shit."
Hindi na sumagot pa si 404. Tama lahat ang sinabi ng matanda. Wala naman talaga siyang pakialam rito. Maaaring ito ang Tagapaglikha niya pero sa halip na pasasalamat ay matinding poot ang naghahari sa kaniyang isipan. Gustung-gusto niya itong patayin. Durugin. Pulbusin ng pinum-pino hanggang sa wala ng matira kahit microscopic traces nito. Maaaring ito ang nagbigay ng "buhay" sa kanya pero hindi ito ang buhay na gusto niya. Naniniwala siya na umiiral siya for a greater reason and not only to serve this control-freak and megalomaniacal old man. Kung hindi lang dahil sa bombang nakatanim sa kanya ay malamang na matagal na niya itong pinaslang at pinagluray-luray na parang maliit na insekto.
Naaalala pa niya ang mga unang sandali nang paganahin siya ng Professor sa unang pagkakataon...