"You need to rest, Clara. That was very tiring." Naramdaman kong pinunasan ni Sebastian ang pisngi kong hanggang ngayon ay basang-basa pa rin dahil sa kai-iyak. Dinampi-dampian niya ng facial tissue ang pisngi ko, kaya nga lang ay parang walang silbi iyon dahil nababasa pa rin ang pisngi ko dahil sa luhang hindi matigil sa paglabas mula sa dalawang mata ko. "Tama si Kuya Baste, Ate. Kailangan mo nang mag-pahinga sa kwarto mo para hindi ka masyadong ma-stress. Naiintindihan naman namin na nasasaktan ka dahil sa nalaman mo, maski rin kami nasaktan pero hindi naman pwedeng pabayaan mo ang sarili mo. Kailangan mo ring mag-pahinga, Ate," sang ayon ni Clara kay Sebastian. "A-Ayaw ko," mariing sagot ko at umiling. "Clara..." Hinagod ni Sebastian ang buhok ko, maski iyong mga takas kong buhok

