"Thanks for taking me home, Sebastian." I smiled sweetly. Kapwa kami bumaba ni Sebastian sa sasakyan niya at tumigil sa harapan nito. Nang sabihin ko iyon ay ngumiti rin siya pabalik. It's already seven in the evening. Ngayon lang ako naka-uwi dahil kani-kanina lang natapos iyong pagh-handa namin para sa nalalapit nang kasal namin. "That's my job as your fiancé, Clara," he answered as he leaned closer. "Wala bang goodbye kiss dyan bago ako umalis?" I chuckled and pulled him nearer to kiss his cheeks. Dalawang pisngi niya ang hinalikan ko kaya nang bitawan ko siya ay bakat na bakat sa mukha niya ang pagka-gulat. Mukhang hindi niya inaasahan na hahalikan ko nga siya kagaya ng gusto niya. Madali lang naman kasi akong kausap. Isa pa, gagawin ko 'yon para lang madala siya. Hindi ko naman s

